Chapter 49: Troublemaker

Start from the beginning
                                    

Mukhang wala na ata akong gagawin ngayon. Mukhang narefresh na rin kasi yung utak ko dahil dun sa sinabi sakin ni Pervist e. Plus yung pinaggagagawa kong kabaliwan sa papel kanina. Gusto kong magshare ng something na nararamdaman ko ngayon. Para kasing nalulungkot ako kung bakit ko ginawa yung kanina sa papel. I feel so alone. Hindi ako nakuntento kapag walang sinasabihan. Kaya naman naisipan ko nalang na itext si CG.

Or not, tawagan ko nalang pala.

"Hey this is CG! Leave a message!" Huh? Ang arte nitong babaeng 'to ah! Pa'no naman siya nakaactivate ng voice message sa sim niya? Ang arte arte talaga.

"Ay magsasalita naba? Ay! CG! Hoy babae ka! Uso magparamdam? Asan ang presensya? Hindi mo ba alam na namimiss ka ni Skype? Paramdam huy! Uso yun! Piso lang naman ang magparamdam e," at binaba ko naman matapos 'kong magvoice msg sakanya. Bago yun ha? Sa'n naman siya nakakuha ng ganung resource? Ang alam ko lang kasi yung ring back tone e.

Gusto ko sanang umalis kasama ang ibang kabarkada ni Phyllis na sila Exodus kaso wala naman akong number nila.

Gusto ko din namang hanapin si Phyllis kaso hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya.

Gustong gusto ko din malaman ang pakay ni Phyllis sa kasal na sinasabi niya pero nahihiya ako. Wala naman kasi akong karapatan na tanungin yun sakanya.

At ang dami kong gusto ngayon. Lalo na't bakit ganito ang mundo? Gusto ko na talagang ibenta ang mundong 'to. Hindi kasi sakin 'to e! Kung sakin lang 'tong literal na mundong ito? Ay ibebenta ko na sa iba't ibang bansa para sila na mamuno! Nakakasawa na kasi kung ako lang humahawak e. Gusto kong yumaman at wala akong magawa ngayon kundi ang mapagisa. Hindi ko pa pala nagagawan ng paraan yung summer job na sinasabi ko kay mama. What to do Skype?

"Skype! Bakit nandito ka? Napaaga ata yung uwi mo ah?" Sinalubong naman ako ng paglalambing ng nanay ko nang nakauwi na ako saamin. Mas lalo pa ata akong narerefresh dahil sa ginagawa niya sakin. Nawawala na yung kadramahan ko kanina. All I need is love ba ang peg ko ngayon?

"Napaaga po kasi yung tapos ng summer class kanina ma." Pagrarason ko na lamang sakanya.

"Kumain kanaba?" Umiling lang ako kaya naman niyaya na niya ako sa lamesa para kumain. Kasama namin sa hapag kainan ang kaibigan niya na si tita. "Iho, tama na ang pagliligpit 'dyan sa taas, kumain ka muna" sigaw naman ni mama sa may taas ng hagdaan habang kumukuha siya ng plato para ihanda sa hapag kainan. Nagtaka naman ako sa narinig ko. Iho? May iba pang nakatira dito?

"Tita, m-may ibang nakatira dito?" Halos mautal utal ko namang tanong sakanya. Baka naman anak lang yun ni tita. "Ah! Ayun ba! Bagong borders dito. Sabi kasi ng nanay mo tabi nalang daw kayo sa kwarto mo at paupahan nalang ang kwarto na dapat ay tutulugan niya. Sayang nga naman at bording house din kasi 'to dati e." Napatango nalang ako sakanya. Pero bakit lalake? Unexpected lang kasi ang expected kong magiging borders ni tita dito is all girls lang dapat. Para kasing masyado ding conservative si tita lalo na sa bahay niya. E alam mo naman ang lalake, makalat talaga.

"O ayan na pala e. Kain kana Phyllis----" Bigla naman akong napatayo nang narinig ko ang pangalang iyon. Yun bang parang instinct ko na yung nagiging alerto yung sarili ko kapag naririnig ko ang pangalang iyon. Humarap naman ako ng konti sa gilid ko para tingnan ang lalaking 'bagong border' nga ni tita. Hindi ko pinahalata yun kundi tumingin lang ako sa gilid ng mga mata ko.

"Skype, may problema ba? Ito nga pala si Phyllis. Nagaaral daw siya dun sa Sparluke na pinapasukan mo." Bigla bigla din namang nagpapawis ang buong katawan ko. Ito na nga ba yung sinasabi 'ko e. Posible nga talagang magkaharap harap kaming tatlo at bukuin ako ni Phyllis.

Napakamot naman ako sa baba ko habang napapangiti ako ng awkward sa kanilang tatlo. "Ah hehe! Hindi niyo naman pong sinabi na naghahanap pala kayo ng borders dito tita. Edi sana hinanapan ko nalang kayo ng ibang magrerenta ng kwarto niyo." Sabi ko naman kay tita at napapangiti nalang ako ng pasarkastiko sakanya. Habang ito naman si Phyllis ay parang nginingitian pa 'ko! Ano bayan! What in the world! Sa dami dami ng gulo sa mundo, bakit ito pa ang pinasok niya! Gusto kong magface palm ngayon!

"Mabait naman itong si Phyllis anak. At napagusapan narin kasi namin ni mare na paupahan ang kwarto sa taas na dapat tutulugan ko. Para kahit papano makatulong din tayo sa pagtuloy natin dito diba?" Napatango nalang ako at grrrrrrrh! Hindi ako makatingin sakanya! Kanina niya pa kasi akong sinesenyasan. Tapos parang sobrang botong boto pa 'tong si mama at tita sakanya. Pero bakit parang kakontsaba niya ang dalawang 'to?

"Atsaka tubero yan si Phyllis diba?"

"Tubero ka?!" Pabigla bigla ko namang sabi sa harap ni Phyllis. As in wow ha! Hindi kapani paniwala. Mayaman naman 'to. Kaya siguro nagvocational school pa 'to para magpanggap na mahirap talaga siya. Yun bang magpanggap na magkasing lebel lang kami.

Nagsisimula naman kaming kumain nang hindi ko maalis ang tingin ko sa plato ko. Hindi kasi ako makatingin sa ibang direksyon dahil feeling ko kasi hahabulan ako ni Phyllis ng tingin. Katapat ko kasi siya e. Like katapat ko siya at katabi niya si mama. Habang ako naman ay katabi ko si tita.

Muli naman akong nagkunwari na tumingin sa orasan. Kaya naman tumgin ako sa likod ni Phyllis pero FAIL! Nasa likod pala ang orasan dito! Pasimple ko namang tingin sa likod ni Phyllis habang tinitingnan siya. Nag eye to eye contact kami in 100 milliseconds! Ang tagal din nun! Mabilis na matagal for exact time! Kapag kasi pasimple ko siyang tinitingnan, nginingitian niya 'ko e. Ano bang problema niya!

"Wag tipirin ang sarili. Marami pa dito Phyllis" tumango naman ito nang niyaya siya ng pagkain ni mama. Bakit ako walang yaya sa pagkain? Life is too unfair when Phyllis is around! As always yan!

Matapos naman namin kumain ay itong si Phyllis naman ay masyadong mabait. Obviously hindi bagay kasi para bang buong hapunan namin ay nakangiti lang siya. Siya na daw ang maghuhugas ng plato! Imposible talaga e! Nananaginip lang ako! This is beyond my expectation! This is way too possible!

Pumunta naman sa sala ang dalawang babae habang kami nalang ni Phyllis ang natira dito sa may kainan at kusina. Bigla naman akong lumapit sakanya na para bang nabigla siya dahil sa pagharap ko sakanya habang nasa lababo siya, nililigpit ang pinagkainan namin.

"Anong ginagawa mo dito! Bakit ba sa dami dami ng gulong papasukan mo ay ito pa?!" Pagsita ko naman sakanya at parang chill na chill pa rin siya. As usual, ito naman talaga ang nakilala kong Phyllis since then.

"Umm Who are you?" Is he getting serious? He's getting on my nerves right now! Nagawa pa niya akong ngitian, dilaan at kindatan! Aaaaaaaaaaarrghhhh!

This elementary jerk! PSH! He's getting a lot of trouble!

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Where stories live. Discover now