"Eh kuya kailan naman kaya yang tamang time na yan?" - Hansol


"Siguro pag nag 10th anniversary na tayo"


"ANG TAGAL NAMAN NON!" Sabay-sabay nilang sagot


"Haha ano ba bat ako na naging topic dito. eto kasi si Mingyu ginatungan pa yung sagot ko kanina eh"


"Hala sinisi pa ko" sabi ni Mingyu habang naka-pout mukha kang aso ulol ka


"Edi sige ako na may kasalanan" sagot ko


Tumayo na si Seungcheol at nagpaalam na samin "sige na matulog na kayo, napagod tayong lahat dahil sa mga schedule nitong mga nakaraan kaya pahinga na may pasok pa ang iba sainyo bukas"


Nagsitayuan na rin kami para pumunta sa mga kwarto namin. Nilingon ko si Mingyu at ang loko busy pa sa pakikipagdaldalan kay Minghao. Bahala ka dyan ilo-lock ko yung pinto


Dali-dali akong pumasok sa kwarto at nilock ang pinto para di na makapasok yung malandi


Maya-maya may narinig na kong kumatok "hyung? Pabukas ng pinto"


Pinagpatuloy ko yung binabasa kong libro kanina at hinayaan siyang kumatok ng kumatok


"Hyung tulog ka na ba? Pabukas ng pinto" patuloy pa rin siya sa pagkatok


Pilit niyang pinipihitin ang door knob kahit alam naman niyang naka-lock "ano ba Mingyu! Sisirain mo ba yung pinto?!" Sigaw ko sa kanya


"Ano ba yan gising ka naman pala eh pabukas na ng pinto hyung inaantok na ko" - Mingyu


"Bahala ka dyan sa labas"


"Wala namang ganyanan hyung alam mo namang matatakutin ako eh" - Mingyu


"Sa laki mong yan takot ka pa rin?"


Don't Wanna Cry • MEANIEWhere stories live. Discover now