Chapter 11

210 13 0
                                    

Jas' POV

May pagkasaltik talaga yung lalaking yon! Grabe! Ang sakit sa ulo!

"Ma! Andito na ako!" Bungad ko ng makapasok ako sa bahay.

"Ma?" Bakit parang walang tao? Nasaan sila?

"Mama? Kevin?" Tawag ko ulit pero wala parin. Saan nanaman kaya nagpunta yung dalawang yun!

"Wala sila?"

"AY!PALAKANG MAY BUHOK!" Agad akong napahawak sa dibdib ko ng may biglang nagsalita sa likuran ko! Jusme! Kinabahan ako don.

"Ano ba naman Bryan?! Nakakagulat ka!!" Kainis to! Papatayin ata ako nito eh..

"Walang tao dito?" Tanong nya ulit at tumungo sa sofa para umupo.

Wow! Feel at home lang? Ang kapal talaga nito!

"Ano ba tingin mo sating dalawa huh?!"

"Hmmm..." Pumorma syang nagiisip. Akala mo talaga may naiisip na matino tong damuho na ito! Tsk.

"Hmm.. Bagay tayo."

"What?" A-anong sabi nya? Bagay?! Tanga nga sya! Jusko!

"Bagay tayo."

"A-ang boba mo! Tao tayo hindi bagay! Ungas!" Bulyaw ko rito at nag kunwari na hindi na gets yung sinabe nya.

"PSH. Slow."

"Ano? May sinasabe ka?!" Tanong ko kasi parang may sinabi sya pero hindi kona narinig.

"Wala!"

"So? Ano pang ginagawa mo rito?! Bumabaho na rito sa bahay dahil sayo! Shooo! Shooo!!"

Buong lakas ko syang itinayo sa sofa at itinutulak palabas ng bahay.

"Arrrrrgh!!!" Hindi ko alam kung sinasadya nya bang kontrolin yung pagtulak ko o sadyang malaki lang katawan nya kaya hindi ko sya maialis sa kinatatayuan nya!

Halos naibigay ko na yung lahat ng lakas ko para itulak sya pero waekepek lang!! Arrrrgh!!

"Kaya pa?!" He asked me while he's laughing. Agad naman kumulo ang dugo ko dahil sa way ng pagtawa nya! Nakakabwisit!!!

"Damn you!! Alis na kasiii mabaho ka!!!" Sigaw ko. Hindi naman talaga sya mabaho eh. Saka tunayan nga sobrang bango nya. Hindi lang mabango huh? SOBRA! Naiilang lang ako kasi kaming dalawa lang tao rito kaya sinabi ko yun! Tsk.

"Yan pala mabaho huh."

Mabilis pa sa bulalakaw ang pag alis nya sa harap ko. Kaya naman ang ending? Ayun! Nag face to face kami ni floor!!!! Ugggggh!!!!

"Oh ilan nahuli mo?" Sinamaan kolang sya ng tingin. Nakasubsob parin ako sa sahig kasi napalakas yung pag bagsak ko dahil narin sa lakas nang pwersang inilaan ko don sa pagtulak sakanya!

Inabot ako ng 5 minutes siguro na ganon parin yung itsura ko. Hindi man lang bako tutulungan nitong tumayo?! Anak ng!!

Nakita ko syang dumukot sa back pocket nya. Akala ko tutulungan na nya kong tumayo dahil inilahad nya yung kamay nya sa harap ko pero nang aabutin kona ay inunahan nya ko at inilagay sa palad ko yung PISO?!!

"Oh ayan piso, wag kanang maglulupa huh?"  Pagkasabi nya non ay tinapik nya yung ulo ko sabay tumawa at naglakad nang swabe palabas ng bahay.

Sa inis ko ay ipinukol ko sakanya yung piso! At nasaktuhan dahil tumama ito sa ulo nya!

"Hindot ka!!! Hindi ko kaylangan nyan!! At saka tiles tong floor!!!! Boba ka talaga!!!!"

***

(A/N) Oo na! Sabaw ang update! Putulin na muna naten jan. Sorry kung sobrang ikli! Hahaaha

Dont forget to Vote and comment! thankyou!

The Four Campus Prince Is A Gangster (Slow Update)Where stories live. Discover now