Chapter 3

433 56 67
                                    

Jas POV,

Ginawa kolang yung routine ko tuwing umaga. Pagkatapos kong magayos ay bumaba nako.

"Goodmorning ma"

"Goodmorning kev!" Bati ko.

Agad akong umupo upang kumain. Ilang saglit lang tapos nako.
Hindi kuna hinintay pang matapos si Kev dahil umalis nako.

Nang makalabas ako ng gate namin ay tinanaw kupa ang kalsada. Walang tao kaya nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

"Hoy bakekang! Talagang hindi moko hinintay!" Bulalas ni Kevin ng maabutan ako.

"Ang bagal mo kasi kurimaw ka!"

" Mga bakekang kasi mabibilis kumilos!"

"Yung mga kurimaw kasi mababagal! Pangit na nga eh." Pang aalaska kodin.

Puro pangiinis lang yung ginawa nya hanggang sa maghiwalay kami. Hays Agad ko naman narating yung room ko. Naupo ako sa upuan ko at pinuntahan naman ako nila Jessica.

"Ay! Award. Hindi nalate ang lola nyo." Shion

"Inagahan teh! Gwapo daw kasi mga katabi nya!" Thea

"Grabe naman kayo!" Nakasimangot kong tugon. Nakakahiya eh. Baka may makarinig.

"Speaking of teh... Ayan na ang mga ulam! Ihahanda kuna ang kanin!" Bulong sakin ni Shion sabay turo sa front door. Nagsipag pasukan nga yung apat na lalaki. Pinanuod namin silang maupo sa kanya kanya nilang upuan. At ng makaupo na si Keith sa tabi ko ay bigla nya kong nginitian.

" Goodmorning Jin" Nakangiting bati nito.

"Goodmorning." Naiilang kong tugon. Nasa harap kasi namin yung mga kaibigan ko. At kahit hindi ako nakatingin sakanila ay alam kong nanunukso na ang mga tingin nila sakin.

"Ehemm...." Pagpapapansin ni Shion. Tinignan ko naman sya. Binigyan nya ko ng pakilala mo naman kami look.

"Ahmm Keith, Ito nga pala yung mga friends ko. Shion, Jessica and Thea" Turo ko sa tatlo. Nagunahan naman sila sa pag abot ng kamay kay Keith. Tsk. Grabe!

"Hehehehe I'm Keith Santos." Halata ang ilang niya sa tatlo. Kaya naman sinamaan ko ang tingin yung mga mahaharot kong kaibigan. Tsk haha

Mayamaya pa ay dumating na yung Prof namin. Biology nga pala kami! Derederetsong pumasok yung Prof namin at nagsulat nalang sa white board. Alam kuna to. Recitation. Paktay! Second day? Recitation agad?! Tsk

"Before we start to our lesson, What is biology? Don't answer me na Biology is a subject! Kakaltukan ko kayo. Hahaha" Pabirong sabi ni Miss Gaiser.

"Anyone?" Taas kamay nyang tanong. Agad na napunta ang paningin nya sakin. No. Wag ako miss.

"You.. Miss?" Turo nya sakin. Agad naman akong napatayo. Nako naman!

"Jin Area Shin Lim po miss."

"Okey. Miss Lim what is biology? Easy question."

"Biology, study of living organism. It is concerned with the characteristics, classification, and behavior of organism, how species come into existence and the interaction they have with each other and with the environment."

"Very good miss Lim."

"We proceed to the branches of biology. Anyone?"

"Walang sasagot?" Inis na tanong ni Miss. Tsk Nagtaas ako ng kamay. Ako nalang! Hays

The Four Campus Prince Is A Gangster (Slow Update)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora