3

12 4 26
                                    

3

City Hall

Alas onse ng umaga, sa gitna ng ingay at kaunting ulan sa labas ay kapansin-pansin ang magiliw na mukha at ngiti ng isang binata habang nakatitig sa nakaupo at abalang dalaga.

Batid ni Zayda ang presensiya ni Pol subalit minabuti niyang 'wag na lamang itong pansinin, kahit na naglagay pa ito ng isang halaman na nasa paso sa harapan ng kanyang desk.

Abala ka Zayda. Busy.

"Oo nga pala Binibining Zayda, sasabay pala akong mananghalian sa inyo mamaya ah?" Narinig naman niya ang sinabi ni Pol ngunit isinawalang bahala na lamang.

Aalis din iyan, magsasawa.

Ganoon naman ang mga lalake sa umpisa, magpapakitang-gilas, at kapag alam nilang nahulog kana, sus! Mabilis pa sa magnanakaw na mawawala, sa huli, nanakaw na ang puso mo, at ikaw din ang masasaktan.

Gasgas na ang ganyan, laganap na sa mga social media ang kaliwa't kanang post, sharing at kung anu-anong anek anek ng mga bawat sawing pag-ibig. Mga iniwang babae, o mga niloko at pinagpalit.

Wala ng true love sa panahon ngayon, kahit sa mga teleserye at drama, wala na, nananalo na ang mga babaeng nang-aagaw.

"May dala nga pala akong tanghalian mo Bb Zayda, alam kong magugustuhan mo iyon," magiliw pa rin na pahayag ni Pol, alam naman kasi niyang mailap pa rin ang babae, hindi niya ito masisisi, at hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang buong puso nito.

Hahayaan muna niyang maghilom kung anuman ang sugat sa puso ni Zayda. Ganoon naman dapat, ganoon naman talaga, gusto ni Pol na kasama niya ang babae, saan man at paanong sitwasyon man.

***

"Pauwi kana ba nyan Binibining Zayda?" Muntik ng atakihin sa puso si Zayda sa biglang pagsulpot ni Pol sa kanyang harapan, pagkababa niya sa hagdanan ng munisipyo.

Akala naman kasi niya ay umalis na ito at nainip dahil talagang maghapon niya itong 'di pinansin. Kahit ang tingnan ito ay hindi niya ginawa, kinastigo niya ang sarili.

Hindi siya maaring masanay sa presensiya nito. Hindi tama. Hindi pwede.

"Ihahatid na kita." Nilagpasan niya lamang ang nakangiting si Pol, sumunod naman ang huli sa dalagang mabilis na naglalakad.

"Zayda!" Sigaw pa ni Pol para lamang kunin ang atensiyon ng babae. Ngunit balewala lamang ito dahil mistulang bingi ang tinatawag.

"Ano ba!" Sa pagkabila ay naihampas pa ni Zayda ang dalang shoulder bag kay Pol dahilan para magulat ito, gusto man humingi ng paumanhin ni Zayda ay pinigilan niya ang salitang lumabas sa kanyang bibig.

"May nagawa ba akong hindi mo gusto? Galit ka ba sa akin? Kausapin mo naman ako." Kitang-kita ni Zayda ang sinseridad sa mapupungay na mga mata ni Pol.

'Wag kang bibigay Zayda. Tandaan mo, 'wag kang papaapekto sa mga ganyan. Masasaktan ka lang!

"M-masama lang ang pakiramdam ko, lumayo ka sa akin." Pagkatapos ay mabilis niyang tinalikuran ang huli.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Another Woman InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon