2

City Hall

Alas onse ng umaga, sa gitna ng ingay at kaunting init ay kapansin-pansin ang magiliw na mukha at ngiti ng isang binata habang nakatitig sa nakaupo at abalang dalaga.

"Magandang umaga Binibining Zayda." ubod ng tamis na ngiti ni Pol habang nakatayo sa harapan nang nakakunot-noong si Zayda.

"Ikaw na naman?" halata ang pagkairita sa mukha at tono ng boses ni Zayda habang ang mga mata'y isang mabilis na pasada sa kabuuan ng kaharap ang ginawa.

"Ako nga binibini, hinihintay mo ba ako?" magiliw na wika ni Pol kay Zayda sabay abot ng isang basket na naglalaman ng iba't ibang klase ng sariwang gulay. "Para sa may malusog at makulay nating pagsasama," ubod pa rin ng tamis na pahayag ng lalake.

Isang ubod ng lalim na buntung-hininga muna ang ginawa ni Zayda bago pinasingkit ang mga mata, ayaw kasi niyang ma-stress at higit sa lahat, ayaw niyang magpaapekto sa lalaking hindi niya alam kung saang panahon nagmula, o kung ano man ang nakain o kung anong espiritu ang sumanib.

"Salamat hah, pero di ako kumakain ng gulay." Tatalikod na sana si Zayda pero muling nagsalita ang lalake.

"Mas mainaman na kumakain ka paunti-unti ng gulay binibini, bukod sa masustansiya ito, alam mo bang ako pa mismo ang pumili ng mga ito upang masigurong masarap, sariwa at magiging mas makulay ang buhay mo kapag mag-asawa na tayo." Buti na lang at naisipan ni Zayda na magsuot ng flat shoes ngayong araw, kung hindi ay baka natapilok na siya o kaya'y naibato sa lalaki ang madalas na suot niyang heels.

"Excuse me lang sir ah, pero pwede bang tigillan mo ako sa mga kalokohan mo?" Pagkasabi namin niya nito kay pol ay siya naman paglamlam ng mga mata nito. Shemay, hindi bagay pero gusto niyang matawa sa lalaki. Paano ba naman kasi ay hinawakan pa nito ang may bandang dibdib nito na akala mo'y magkakasakit sa puso. Eww ang acting!

"Kung kalokohan man na isipin at maghangad na ikaw ay mapasaakin, marahil ako nga'y isang hangal, pagkat ang puso ko'y sadyang tumitibok lamang at ikaw ang dahilan Zayda. Siguro iniisip mong ako'y nababaliw pagka't para akong tanga na nandito at nagpapapansin. Ngunit ang masulyapan ka lamang, para akong isang halaman na muling nadiligan." Sabay kindat pa nito kay Zayda.

"Kapag hindi ka tumigil, tatawagin ko si kuyang tanod para paalisin ka ah?" Hindi man aminin ni Zayda pero natuwa siyabigla sa kaweirduhan ng lalaki, ngunit sa kabila nito ay sinabi din agad sa sulok ng isipan na 'wag padadala basta sa mga matatamis na salita. mahirap na at ayaw na niyang masaktan ulit. O umasa at maniwala.

Walang ganun, hindi siya dapat magtiwala osumubok, alam na niya yang mga galawan na iyan. Been there, done that, fell in, but sadly, she was left alone. No love was returned. 

"Umalis kana Apolinario." Pinal niyang pagtataboy sa lalaki bago ito talikuran.

Nakatitig lamang si Pol sa likuran ni Zayda at hinayaan itong makapasok sa isang silid, hanggang sa magsara ang pinto ay nakatitig lamang siya  roon.

Walang San Miguel ang sumusuko na lang basta-basta, at alam kong ako ang nakatadhana para sa iyo Zayda, kung hindi ka man naniniwala sa love, hindi ako titigil hanggat hindi ka naniniwala ulit. Hindi ako susuko. Sa isip ni Pol habang nakatitig sa dalang basket na puno ng mga gulay.

                                                    ***

      SAMANTALA nung hapon na iyon ay naisipan ni Zayda na pumasyal kina Grace. Naging isa sa iilang malalapit na kaibigan niya si Grace. Kumare na nga niya ito sa panganay ng huli at talagang masaya siya para sa kaibigan.

"Salamat pala sa mga gulay Zayda, 'di mo naman sinabi na nagbago na pala taste mo at naisipang kumain ng gulay ng magkakulay ang buhay mo." sabay tawa ng malakas ni Grace. Kanina kasi pagbalik sa desk ni Zayda ay wala na yung makulit na lalaki pero iniwan naman lahat ng mga gulay na dala doon. Sayang naman kung itatapon niya lang, e naalala naman niya yung kaibigan niyang baboy dati.

"Naku Grace, kaya nga sayo ko ibibigay kasi alam kong paborito mo iyan," tawanan silang dalawa habang nakaupo sa may teresa.

"Maiba ako Zayda, parang may kakaiba sa iyo ngayon..." hinawakan pa ni Grace ang mukha ni Zayda at kulang na lang ay pisilin ang magkabilang pisngi nito. Sa huli y kinurot talaga ni Grace si Zayda sa mukha, wari'y pinanggigilan.

"Aaaray ko balyena ka!" hampas sa dalawang kamay ni Grace ang nagpabitiw sa kanya mula sa kurot nito.

"Oh my! Zayda, nakamake-up kana ulit?Oh my!" nanlalaki pa ang mata at medyo exagerated na reaction ni Grace sa kaibigan.

"Tse! Natural, kaysa naman pabayaan ko na lamang ang kagandahan ko na maburo sa lahat ng papeles sa minisipyo no!" iwas-tingin na pahayag ni Zayda.

"I mean, last time ang sabi mo mas maganda ang natural na beauty na walang make-up, umamin ka nga, may nilalandi ka sa minisipyo ano?"pang-aasar ni Grace kay Zayda.

Ako may nilalandi? Baka may naliligaw  you mean! Gusto sanang ikwento ni Zayda yung nangyari two days ago pero minabuti niyang huwag na muna, besides, baka nga bukas wala na iyon. For sure!

"Wala ano,sino namang magkakamali," patay-malisyang wika ni Zayda sabay inom ng cucumber juice na gawa ni Grace.

"Pero malay mo, natisod pala si kupido at aksidenteng nahulog yung palaso na para sa iyo, kaya may isang masaklap na lalaki ang tinamaan bigla, di ba?" Tawa na naman ni Grace ang maririnig kahit ng mga dumaraang mga tao.

"Maswerte kamo ang lalaking mamahalin ko," natigil ang pag-inom ni Grace ng juice sa sinabi ni Zayda. Mahabang katahimikan, mga limang segundo. Kahit si Zayda ay nabigla sa sinabi. What the heck! Saan naman galig iyon!

"May hindi ka sinasabi sa akin babae ka," lumiit ang mga mata ni Gracey habang matamang tinititigan si Zayda.

"Huh? Naku oras na pala Grace, paano aalis na ako, saka na lang ako makikikain ah, kapag 'di na gulay ang ulam, bye na!" mabilis na tumayo si Zayda at hinalikan sa pisngi si Grace. "Medyo magdiet ka Grace, tumataba kana na naman..." bulong na ni Zayda bago dumiretso palabas ng bahay.

       

***

"Insan kong maganda at sexy, ano bang magandang gawin para mas mapabilis na makuha ang loob ng mahal mo?" kinagabihan ay bisita naman nina Grace ang pinsan nito at nagtatanong nang mga weirdong bagay, ngunit bilang expert sa mga love problems at 'how to make him/her fall for you' kuno ni Grace ay natuwa siyang bigyan ng tips ang pinsan, alang-alang sa problema nito at ng makapag-asawa na.

"Alam mo kuya, ang pinaka the best na gawin is yung effort, sa babae kasi, yung mga cakes, chocolates at kung anu anong anek anek na materyal na bagay ay hindi namin masyadong pinapansin iyan, though kinikilig kami, pero kasi iba yung effort talaga, alam mo yun?" seryoso ang mukhang wika ni Grace sa pinsan na seryoso din habang nakikinig.

"Like?" hawak-babang tanong nito kay Grace.

"Duh? Like love letters, or basta, small things, those were the things that makes a girl fall in love without them knowing, yung consistency, tsaka magsearch ka kaya sa google or youtube ano? Alam mo kasi, hindi naman sa materyal na bagay tumitingin ang babae kapag nagmamahal, bukod sa katawan, syempre..." sabay tawa ng mahina ng mapasulyap kay Kaloy-ang asawa nito- na abala sa panonood ng basketball, "...yung how you makes us feel so maganda above everyone in the room, or sa kahit na sinong babae pa, yung siya lang dapat. Pak ganern!"


"I see," tangu-tangong sagot ni Pol.


"Who's the lucky girl ba?"


"You'll meet her soon..."


==================


After ten thousand years! Hahaha Hello Zayda! Masaya ako kasi umulan, tapos hindi na masama pakiramdam ko, tapos nakakain ako ng ice cream kahit ubo ako ng ubo..hihi. Tapos, Happy Father's day [advance sa tatay ko at sa lahat ng mga tatay a buong mundo  lalong-lalo na sa future daddy ng buhay ko!] Yeah!


Another Woman InloveWhere stories live. Discover now