Chapter IX

24 2 0
                                    


Pumasok ako sa school na lumilipad ang isip. Tanging sa text lang ni Marc kagabi ako nakafocus. Anong ibig sabihin niya sa sorry? Sinubukan ko na siyang kausapin gamit ang pagtetext pero makaka50 text messages na lang ako para sa kanya, hindi pa rin siya nagrereply. Sinubukan ko na ring tawagan siya pero laging operator lang ang kumakausap sakin, sinasabing unattended ang number niya. Ayoko sanang isipin na iiwasan niya ko pero di ko mapigilan ang sarili ko. Girlfriend niya ko pero ganito ang trato niya sakin? Bakit Marc? Bakit mo to ginagawa sakin? Ang dami kong gustong itanong sayo pero wala akong magawa kundi sumubsob sa mesa ko at magmukmok.

"Anong problema?" Kahit hindi ako tumunghay, alam ko na kung sino ang nagsabi niyan.

"Wala po Sir Greg." Pinilit kong ngumiti pagkatingin ko sa kanya para maitago tong pag-aalala ko sa mga kilos ni Marc.

"Wala raw. Wag ka na ngang ngumiti kundi rin naman totoo." Nagulat ako sa sinabi niya inaamin ko. Alam ba niya ang nararamdaman ko ngayon? Gusto ko sana siyang tanungin pero nagkibit balikat na lang ako.

"Ba't andito na po kayo Sir? Breaktime pa lang ah?" Paglilihis ko.

"Nakita kitang nagmumukmok dito habang naglalakad ako. Kakatapos pa lang ng class ko sa Orion." Aniya. Yung Orion, un ung kabilang section. Nabanggit ko naman na may dalawang section ang fourth year special program diba? Kung sila Orion, kami naman Centaurus. Hango sa constellations ang pangalan ng mga sections sa program namin. Katabi lang ng room namin ang Orion.

"Ah ganun po ba? Lagi niyo ata akong tinitingnan eh." Pagbibiro ko. Nakita ko naman na di niya mapigilan yung ngiti niya.

"Oo." Tatawa tawa pa siya. Mahilig din tong sumakay sa mga biro ko eh.

"Libre niyo nga ko Sir ng matuwa naman ako."

"Tara. Ano ba gusto mo? Di pa rin ako nag-aalmusal eh." Sabi niya na ikinagulat ko naman. Seriously? Ililibre niya ko?

"Ay naku Sir, nagjojoke lang po ako! Kayo naman hindi mabiro!" Sabi ko habang iiling iling pa. Naku! Nakakahiya!

"Sus. Halika na. Ok lang." Pamimilit pa niya. Naku naman!

"Wag na lang kayo magklase Sir. Ok na ko r--" Uh-oh! Napatakip na lang ako sa bibig ko. Ano ba naman to! Naku. Nakakahiya! Minsan di ko talaga mapigilan tong bibig ko eh.

"Yun lang ba? Osige. Basta samahan mo ko mag-almusal." Nakangiti pa niyang sabi.

"Ah hehe. Joke joke lang yun sir. Di talaga kayo mabiro. Tsaka nag-almusal naman po--

Krrrrrr."

(_ _")

Nakakahiya! Hindi ka man lang nakisama tiyan! Ano ka ba naman! Napaghahalataan ako rito eh.

"Nag-almusal ka na niyan ah? Hahaha."

"Grabe naman Sir. Tinawanan pa ko." Kakamot kamot na sabi ko. Nagiging habit ko na atat to?

"Halika na nga." Hinigit na niya ko. Sa pagkabigla ko di ko na nahigit pabalij yung kamay ko. Nabigla rin ung mga kaklase ko sa ginawa ni Sir.

"Ay! T-teka sir! Teka lang! Ba-baka madapa naman ako!"

"Dahan dahan naman!"

"ESTEBAN!"

O_____O

Oh my gosh! Ano ba naman tong bibig ko! Walang pasabi sabi, bigla na lang magsasalita! Tumigil na rin si Sir Greg sa paghigit sakin. Nabigla ata siya sa pagsigaw ko. Nakakahiya. Hindi ako makagalaw. Anong gagawin ko? Baka galit to sakin? Pano na to? I'm dead!

"Hahaha. Nakakatuwa ka. Ang pula mo. Ganyan ka ba mainis?"

Nanlaki yung mata ko sa narinig ko. Napahawak naman ako sa pisngi ko, namumula nga ata ako! Namumula sa kahihiyan! Pero tama ba yung narinig ko? Tumatawa siya? Tama! Narinig ko siyang tumawa. Ibig sabihin di siya galit sa pagsigaw ko?

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon