Chapter VI

24 3 0
                                    

"I love you Yasmine." Bulong ni Marc.

"I love you too Marc." Tugon ko habang magkayakap kami.

"Aww. Any sweet! Nakakainggit!"

"Ang cute nila!"

"Bagay sila! Nakakakilig!"

O___O

Nakalimot ako! Andito nga pala ako sa school! Nagpunta so Marc dito kasama mga kaibigan niya at kinantahan niya ako at heto kami ni Marc magkayakap sa harap ng maraming tao! Grabe! Na-mesmerized ako sa mga ginawa ni Marc!

Humiwalay ako sa pagkakayakap naming dalawa. Nahihiya ako. Andami palang tao sa paligid naming, di ako sanay sa ganito! Napansin data ni Marc na nahihiya kaya hinawakan niya yung baba para mapatingin ako sa kanya. Yung mga mata, parang ako lang nakikita, wala siyang pakialam sa iba. Jusko! Titig pa lang niya nakakainlove na!

"Ang pula mo mhie." Nakangising sabi niya, dahilan para mabasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at makabalik ako sa katawang lupa ko na nawala nung tiningnan niya ko mata sa mata.

Tama siya, ramdam kong ang init ng mukha ko. "I-ikaw kasi eh!" Pautal-utal na sabi ko.

Napatawa naman siya dahil doon. At sa di ko malamang dahilan, unti-unti niyang nilalapit yung mukha niya sakin. T-teka, hahalikan ba niya ko?!! Dito sa harap ng maraming tao?! Pero, nakakahiya! Tsaka, first kiss ko to! Kyaaaaaaah!

Eto na ang lapit na ng mukha niya, wala akong masabi. Walang lumalabas sa bibig ko kahit gustuhin ko man. Wala na kong magawa. Hahayaan ko na lang din siguro siya. Magboyfriend-girlfriend naman kami eh. Diba?! Kaya naman awtomatiko akong napapikit. Pero laking gulat ko ng bulungan niya ko ng "Ang cute mo mhie. Haha."

Un lang un?! Kasi cute ako kaya kailangan niya pang ilapit ung mukha niya sa akin para lang sabihin yun? Akala ko pa naman...

"Akala mo, hahalikan ka ano? Assuming. Hahaha." -Konsensya

(_ _") Tinawanan pa ko.

"Nilalangam na ang asin sayo Andrew!"

"Hanep pre! Ganyan ka ba kabaduy pag in love?"

"Dinaig mo pa yung mga napapanood sa TV eh! Ikaw na tsong!"

Magkakasunod na sabi ng tatlong mala-Adonis na nasa harapan namin ni Marc. Huu! Salamat sa kanila, nakarecover ako sa nangyari kanina! Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Marc na nasa tabi ko na ngayon.

"Mga gunggong! Kapag kayo ang na-inlove kayo naman ang kakantyawan ko." Sabi ni Marc sa kanilang tatlo.

"Never mangyayari un pre. Ako pa ba?" Sabi nung isa sa kanila habang nakatingin kay Marc. Mala-playboy ang aura. Mukha naman siyang mabait.

"Nasasabi mo lang yan kasi di ka pa tinatamaan." Sabi naman ni Marc sa kanya.

"Hi, I'm Nash. And you are?" Sabi niya habang nakatingin sakin at nakalahad ang mga kamay niya.

"I'm Yasmine." Nakangiting sabi ko at nakipagshakehands sa kanya.

"Hi Yasmine! Ako naman si Kane." Sabi nung isa pa sa kanila na mala-playboy rin ang dating habang nagwawave pa yung kamay niya.

"Hi Kane." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Ako naman si Luis." Matipid na sabi nung isa pa. Sa tingin ko tahimik at shy type siya.

"Hi Luis. Nice meeting you all." Sabi ko sa kanilang tatlo.

"Oh tama na yan. Mhie, una na kami ah. Sunduin na lang kita mamaya." Sabi ni Marc na nakatingin sakin.

"Sige dhie, ingat kayo!"

"Bye Yasmine! Next time na lang ulit." Sabi ni Kane.

"Oo nga Yasmine, nagmamadali kasi tong boyfriend mo eh." Segunda naman ni Nash.

"Bye." Sabi ni Marc, tumango naman ako. Si Luis, nginitian lang ako.

Bumalik na ulit sa mga kanya kanyang ginagawa ung mga estudyante na nakapalibot sa amin kanina. Ako naman pabalik na sa room, magma-math na rin kasi. Saan na kaya napadpad sila Cassy? Bigla kasi silang nawala nung mangyari ung pagkanta ni Marc.

"I LOVE YOU MARC ANDREW MAIZO!"

"Mhie? Anjan ka ba? Naririnig mo ba ko?"

"I love you Yasmine."

"I love you too Marc."

-____________-

Bakit di ko naisip na kakantyawan ako ng mga kaklase ko after nung nangyari kanina?! Lalo na tong dalawang to. Tinatanong niyo siguro kung sino yung sumigaw. Kung iniisip niyong ako yan, nagkakamali po kayo, dahil si Marie po yung sumigaw. Oo, si Marie yung sumigaw. Ginagaya nila ni Cassy yung nangyari kanina. Talagang nagyapusan pa sila nung ginaya nila ung pag-ailoveyou nila sa isa't-isa. Kainis. Ako tuloy ang tampulan ng tukso ngayon.

"Ehem."

"Ay sir Greg! Hello po!" Sabi ko. Nasa likuran ko pala siya. Andito kasi ako sa tapat ng pintuan ng room namin, di ako nakapasok agad kasi yung pantitrip nila Marie yung bumungad sakin.

"Hello rin. Kilig to the bones kanina ah." Poker face na sabi ni Sir Greg.

Napapoker face na lang ako eh. Pati ba naman siya?! Ano ba naman tong mga to!

"Hahahaha!" Sila Marie yan pati yung iba pa naming kaklase.

Napatikom na lang ako. Dire-diretso akong pumunta na sa upuan ko. Aish. Kaninang umaga pa tong mga to eh. Aba naman! Kotang kota na ko.

"Ok class. Stop it. Let's proceed to our discussion." Sir Greg. Isa pa to eh. Hmp! Lagot to sakin mamaya pag nakausap ko to.

"Pst."

"Uy."

=________=

"Uy Yas."

"Uy. Uy."

"Ano?!" Pabulong kong sigaw. Alam nyo naman un diba? Di ako makasigaw ng malakas kasi naglelesan si Sir Greg eh.

"Kayo na ni Marc?" Cassy. Sino pa nga ba?

"Oo. Kami na." Sabi ko ng di nakatingin sa kanila.

"Weh?" Si Marie yan, syempre di maniniwala yung second doubt niya.

"Oo nga." Kumbinsi ko sa kanila.

"Hindi na kayo MU? Ung Magulong Usapan?" Dagdag pa ni Marie.

"O Mutual Understanding?" Paninigurado ni Cassy.

"Oo guys. Ano ba?" Medyo napapalakas na ung sabi ko.

"For real?" Sabay pa silang dalawa niyan.

"Yes. For real." Nakangiting sagot ko.

To Infinity and BeyondWhere stories live. Discover now