Chapter VIII

22 2 0
                                    

"Haaaaaay. Ang daming gagawin! Nakakatamad naman!"

Sino pa nga ba yan? Edi si Marie. Patapos na kasi ang first grading kaya dagsa na naman ang mga requirements. Idagdag pa natin diyan ung mga papalapit na periodic exams. Kaya ayan, puro reklamo na naman si Marie.

"Lagi ka namang tinatamad Mar. Anu bang bago?" panunukso ni Cassy sa kanya.

Di naman sumagot si Marie pero halata mong naasar siya. Biglang sumimangot eh. Haha!

"Di muna nga ako magffacebook, para matapos ko na ung ibang mga gawain." Sabi ko sa kanila.

"Talaga lang ha?"

"Uy Sir Greg! Anjan ka pala." Sabi ni Cassy.

Kanina pa ba siya nandito? Para naman tong kabute, bigla bigla na lang sumusulpot.

"Hindi kararating ko lang kani-kanina."

"Wala na po kayong class Sir?" Tanong ko. Kanina pa kasi class namin sa kanya, eh hanggang 10:30 am lang naman un. Anong oras na, magti-3:30 pm na.

"Yup, wala na. Last ko na ung sa inyo. Dalawa lang naman hawak kong class. Kayong fourth year special program."

Kami lang pala hawak niya? Edi antagal niya palang nakatengga? Eh ba't di pa siya umuwi? Wala ba tong ginagawa sa kanila?

"Buti pa kayo sir, walang requirements sa subject niyo." Si Cassy yan, sa pagkakaalam ko magkakilala na sila ni Sir Greg magmula nung second year kami. Kabiruan ba? Kaya kahit papano, masasabing close sila.

"Meron kaya siyang isang requirement." Sabi ko habang inaayos ung mga gamit ko. Maaga kasi akong uuwi eh.

"Ano?" Sabay na sabi ni Cassy at Marie habang si Sir Greg ay nagtataka rin.

"Ang mag-isip. Diba?" Sabi ko.

"Oo nga. Tama siya." Sir Greg na hindi matanggal ang ngisi sa kanyang mukha. Ano naman kayang dahilan ng pagngisi nito? Minsan talaga nakakatakot tong isang to eh.

"Akala ko naman kung ano." Marie na tapos na ring magligpit ng gamit.

"Sus. Kayong dalawa lang ang nagkakintindihan." Segunda ni Cassy.

"Uwi na kayo?" Tanong ni Sir Greg. Namansi siguro niya ung mga nakaligpit at nakaayos naming mga gamit.

"Ah yes sir. Maaga po kaming uuwi kasi madami pong gagawin eh." Sagot ko sa tanong niya habang nagsusukbit ng bag.

"Gusto niyo sir sabay na kayo. Pauwi na rin ba kayo?" Cassy.

Tumingin muna si Sir Greg sa relo niyang mukhang mamahalin bago siya magsalita. "Sige, sabay na rin ako."

"Okay sir."

"Tara na?" Si Marie yan, atat na atat ng umuwi eh. Akala mo gagawa ng requirements sa bahay, matutulog lang naman. Haha!

"Teka Yas, di ka ba susunduin ni Marc ngayon?" Tanong ni Cassy sakin, naglalakad na kami pababa ng hagdan ngayon. Si Sir Greg naman antayin na lang niya kami sa tapat ng damin's office. Kukunin niya pa raw kasi sa library yung mga gamit niya. Doon ata siya tambay, dun ko rin nakitang nagffacebook eh. Haha.

"Hindi eh, may aasikasuhin daw kasi siya. Requirements siguro." Sabi ko sa kanila, naatingin naman ako sa cellphone ko. Hindi pa natetext sakin si Marc simula pa kanina, usually magtetext yun pag uwian ko na eh.

"Uy Yas!"

"Huh?"

"Lumilipad na naman isip mo! Sabi ko mauna na kayo ni Sir Greg." Sabi ni Cassy, kanina pa ba niya ko kinakausap?

To Infinity and BeyondWhere stories live. Discover now