'Di ko na rin napansing nilakasan ko na 'tong pinaypay animo'y industrial fan. 'Di ko na rin pinansin si Goyo at iba pang tao sa paligid. I just didn't care. Ang init, eh. Sobra. Ang kati pa ng baro ko. Gawhd!


Nung dumaan kami sa nagbebenta ng sorbetes, agad nag-sparkle ang aking mga mata at agad tumakbo para bumili ng isa. Sinundan naman ako ni Goyo. "Pabili nga ng isa," sabi ko sa vendor. "Gusto mo?" tanong ko ni Mr. Antipatiko.


"Ano 'yan?" Oo nga pala, wala pang sorbetes sa panahon niya. Tss. Tumaas ang kanyang kilay nung tinanggap ko ang binili kong strawberry-flavored ice cream at hinimod sa aking dila. Slowly.


Hinay-hinay kong dinilaan ang aking ice cream pataas at nilalasap ang tamis ng tumutulong cream sa cone. Inuulit ko 'to sabay pikit sa aking mga mata. Hmmm, ang sarap ... ng ice cream. Then, I unconsciously traced my lips with my tongue tsaka ko siya tinignan.


Napanganga. Napalunok.


Ano bang meron sa paghimod ko sa ice cream? Dahil ba sa pagkain ko nito, napalunok siya agad? Ano kaya ang iniisip ng taong 'to? Tss.


"Ayaw mo?" tanong ko ulit. Umiling siya at agad naglakad iniwan ako. "Okay, ayaw niya ng ice cream. Fine," sabi ko. Hindi ko naman siya mapilit. Weirdo, eh. Siya lang ang nilalang sa planetang Earth na hindi gustong kumain ng ice cream. Patuloy kong inenjoy ang ice cream sabay lakad. Iniwasan niya rin ang pagtingin niya sa 'kin. Hmph. I didn't care.


Tumuloy na kami sa paglakad patungo sa opisina ng tour guide namin. Gusto ko na sanang sumakay kesa sa maglakad, pero gusto kong kunin 'tong pagkakataong makasama si Goyo for a longer time habang namamasyal sa makabagong Bulacan. Natapos ko na rin ang pagkain ko ng sorbetes.


Hindi na siya nagsalita pa habang naglalakad kami. Ni hindi na niya ako pinansin. Para bang may malalim siyang iniisip. Dahil ba sa kinain kong ice cream?


Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod. Arg. Sobrang boring naman 'to. Ganito ba ang mag-date sa kanyang panahon? 'Di ba kasasabi ko lang na isipin niya na ako si Dolores?


"Goyo," tawag ko. Lumingon siya at bahagyang ngumiti. "Sa ganitong paraan mo bang pinapasyal si Dolores noon? Ganito mo ba siya sinusuyo?" Tumango siya. "So, sa panahon mo ganito lang nag-da-date ang mga mag-nobyo't nobya?"


Napatigil siya sa kanyang paglakad at humarap sa 'kin. "Date. Sa pagkakaintindi ko, 'yan ay ang pagsusuyo ng lalaki sa babae sa pamamagitan ng pamamasyal. Tama ba ako?"


Tumango ako at nag-okay hand sign. Tumango rin siya tsaka siya nagpatuloy sa paglalakad. "Oo, ganito kami nagsasama ni Dolores noon. Bakit? Ano ba ang ginagawa ng mga magkasintahan sa panahon mo?"


"Hm, hinahawakan nila ang kamay ng isa't isa habang sila'y naglalakad. Tapos sa parke, nagkukwentuhan sila tungkol sa iba't ibang bagay. 'Yung iba, hinahalikan nila ang isa't isa. Masyado namang obvious ang tanong mo."


"Pwede ko bang maranasan 'yun?" I jerked sa tanong niya. Nagulat ako. Sobra. "H-ha? Gusto mong ipakita sa 'yo paano mag-date ang mga tao ngayon?" Tinakpan ko ang aking ngiti sa aking malaking pamaypay. Tumango siya.

30 Days With Mr Weirdo ☑️Where stories live. Discover now