Si Goyo naman, sobrang confident at kumakaway pa. Ako, tinakpan ko na lang aking mukha gamit ang aking pamaypay. Buti na lang at malaki ito kaya insakto lang para maitago ko ang pagmumukha ko. Shit. Sobrang nakakahiya talaga.


Habang naglalakad kami papalayo sa terminal ng bus, lumingon ako sa kanya. Kahit 'di siya mahilig magpakita ng kasiyahan sa kanyang mukha, halatang-halata namang nasiyahan siya sa desisyon kong puntahan namin ang hometown niya.


"Ah, Goyo, ano'ng naalala mo sa lugar na 'to?" tanong ko sa kanya. Lumingon siya sa 'kin at bahagyang ngumiti.


"Naalala ko 'yung panahong nakakasama ko ang aking pamilya sa palengke. Kasi malapit kasi 'to sa poblacion noon. Iba na sa nakikita ko ngayon." Huminga siya ng malalim at lumingon ulit sa akin. "Naalala ko rin si Dolores dito." Yumuko siya at bahagyang ngumiti, halatang kinikilig.


Ouch! Biglang may kumirot sa dibdib ko. Inilagay ko ang aking kamay sa aking puso. Malaki rin ang pasasalamat ko sa aking malaking pamaypay. At least natatakpan niya ang pangunguso ko. Kahit napakagat-labi ako sa pagsabi ni Goyo ng Dolores, inisip ko rin baka ma-enjoy niya rin ang company ko kahit hindi ako ang last love niya.


Umiling ako. Tandaan mo, Mika. Hindi ito isang date. May rason ka kung bakit dinala mo siya sa Bulacan. 'Wag kang gaga at umasa sa isang antigong playboy tulad niya.


"Ayos ka lang?" tanong ni Goyo. Tumango ako. Assuring him na okay lang ako. Lumapit siya sa may nagbebenta ng mga bulaklak sa giliran ng daan. Bibilhan ba niya ako ng bulaklak? Ack! Pero, dumiretso lang siya. Tss. Wala naman pala siyang balak bilhan ako ng kahit isang stem ng puting chrysanthemum.


"Goyo," sabi ko. Agad naman siyang lumingon sa 'kin.


"Ano 'yun, Mika?" tanong niya.


"Pwede bang humingi ako ng pabor sa 'yo?"


Tumango siya. Kaya dumagdag ako, "Pwede mo bang isiping ako si Dolores kahit ngayong araw lang?" Napakagat-labi ulit ako sa sinabi ko. Wow, saan ko kinuha ang confidence ko para ma-pull off ang linyang 'yan?


Nagulat naman siya. He jerked. Huminga siya ng malalim at unti-unting hinawakan ang aking nanginginig na kamay at hinalikan. Nung dumampi ang kanyang mga labi sa aking kamay, biglang may kuryenteng dumadaloy sa aking mga ugat. Feeling ko tuloy nanghihina ang mga tuhod ko.


Tinakpan ko ang mukha ko agad dahil namumula na ako sa hiya. Shit. Ganito pala ang pakiramdam kapag may humalik na lalaki sa kamay ko. Hindi ko akalaing nakakakilig pala. Aaaaah!


Lumilingon-lingon rin ako sa paligid at baka may mga usisero. Ayoko namang ma-tsismis noh or ma-headlines kinaumagahan. Guminhawa naman ako nung makita kong wala naman. Binitawan na niya ang aking kamay nung nagsimula na kaming humakbang.


Ugh. Ang init-init naman. Bakit ko ba kasi sinuot 'tong baro't saya ni mama? Ang bigat pa ng saya. Masyadong awkward pa ang feeling ko sa bakya ko para bang naglalakad si Lotus Feet sa araw.

30 Days With Mr Weirdo ☑️Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ