Kabanata 24

1.5K 28 1
                                    

Test for love

Jerome

Vannah, hindi ako makakapasok. May sakit ako.

Pagkatapos kong mabasa ang mensahe na iyon ni Jerome para sa kapatid ko ay binaba ko ang phone ko pero pagkalapag ko ay tumunog din ito dahil sa tumatawag.

Nakita ko ang pangalan ni Jerome. I just look at my screen hesitating to answer his call. Nawala ang pangalan niya at bumalik sa home screen ko. Imbes na pumunta sa susunod na subject ay umikot ako para lumabas sa paaralan na 'to. 

Sa taxi ay tumunog muli ang phone ko. It was Jerome again kaya sinagot ko na.

"Vannalein, may sakit ako kaya hindi kita masusundo." aniya. Sa boses niya ay bakas ang pamamaos doon at kasabay noon ay para itong nagpapa awa at gustong magpa alaga. Nagpakawala ako ng hininga.

Im guilty! This is my fault. Nagkasakit siya dahil sa akin. 

Bumaba ako sa harap ng bahay nila Jerome at nag doorbell doon. Ito ang pangalawang beses ko na pupunta dito kaya medyo kilala ako ng maids nila.

"Ay.. Mam, may sakit po si Sir Jerome kaya hindi niya kayo mabababa. Puntahan niyo na lang po sa kwarto niya." wika ng kasambahay at tinuro pa ang daanan papunta sa kwarto nito. 

I knock two times before opening the door. I saw Jerome laying down on his bed. Topless and his lower body was covered with comforter. Earplug was in his ears, his eyes closed but I knew he's not sleeping. 

Dahan dahan akong lumapit sa kama niya. binaba ko ang bag ko sa gilid ng kama at naupo sa kama. He open his eyes and shock when he found me before his eyes.

"Vannalein." he sat down. "What were you listening?" tinanggal niya ang earplug niya. Kaya tinanong kong muli ang pinapakinggan niya.

Imbes na bigyan ako ng sagot ay lumapit siya sa akin. Nilagay niya ang isang earplug sa isa kong tenga. 

The music, the vocalist, the sounds of instruments subside the silence in this four side of the room.

"—..people make promises all the time
Then they turn right around and break them
When someone cuts your heart open with a knife, now you're bleeding
Don't you know that I could be that guy to heal it over time
And I won't stop until you believe it
'Cause baby you're worth it.."

Sinabayan niya ang kumakanta. Alam kong sa ganitong paraan niya gustong sabihin ang saloobin niya pero hindi ko siya kayang pakinggan. This song is what his heart wants to scream on my face.

Tinanggal ko ang earplug at hinayaan iyon na bumagsak. Tumahimik kami at tila nakikiramdam sa isa't isa. 

Ang tugtugin ay bahagya ko pa din na naririnig dahil sobrang lakas nito.

"Anyway, I felt guilty kaya dinalaw kita. Kahapon ay—-" hinawakan niya ang palad ko kaya nahinto ako sa pagsasalita. 

"Vannalein, please. Kung ano man 'yang bumabagabag sayo, o kung sino man 'yang nanakit sayo noon kaya nahihirapan kang magtiwala ngayon. Magkaiba kami. Ako ito si Jerome hinding hindi ka kayang saktan. Pagkatiwalaan mo ako, please..." napayuko ako sa sinabi niya. Hiyang hiya sa ginawa ko para sakanya. Dapat sa una pa lang hininto ko na upang hindi umabot sa ganito o kaya naman ay dapat hindi ko na sinimulan pa ito.

"Lahat handa kong gawin. Lahat kaya kong ibigay basta para sayo. Basta ipagkatiwala mo lang ang puso mo sa akin." Naramdaman ko ang hinlalaking daliri niya sa ilalim ng baba ko at ginamit iyon upang maiangat ang tingin ko sakanya. 

"Im sorry, Jerome." tinitigan ko ang mga mata niya para masigurado niyang totoo ako sa mga sinasabi ko. Para maramdaman niyang totoo ako sa paghingi ko ng tawad.

Nakikiusap ang mga mata niya. Ilang minuto siyang nakatitig sa mga mata ko bago dahan dahan na inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Gusto kong ihinto siya. Gusto kong umilag pero gusto kong muli na subukan.

Take a risk sabi nga nila. If you win then that's great but if you lose then you'll learn something.

Tumama ang mainit niyang hininga sa pisngi ko. Ang init na dala ng lagnat niya ay humahampas sa balat ko. Lumapat ang labi niya sa labi ko. Napakainit ng lahat ng sakanya ngunit tila hindi sapat iyon upang matunaw ang lamig na bumabalot sa puso ko. 

Tinulak ko siya. Shock mixed with pain was written on his face. Im sorry Jerome. I don't love you I just need you. Im sorry. 

May narinig akong boses sa labas ng pintuan. Binalingan ko iyon ngunit saglit lang at bumaling akong muli kay Jerome. Kinagat niya ang ibabang labi niya.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago dinampot ang bag ko at tumayo na. Mabilis akong lumakad papunta sa pintuan at nagulat ng bumungad sa akin si Vannah.

Shock was written on her face too. Why wouldn't she? She found her sister inside the room of her boyfriend. Ang pakiramdam na makita ang sakit at pagtataka sa mukha niya ay naghatid ng saya at sobra sobrang kirot sa puso ko.

Napakasama ko! Pero ayokong mag isa. Gusto ko siyang aluin. For the first time gusto kong magpaka ate. Hypocrite! Im the one who cause her that pain. 

Nag explain ako sakanya. Half truth and half lie. I don't know why I did that but I felt less guilty..

Every single day with Jerome makes me hard to breath. That's why I sometimes avoid him.

Dumating ang araw na nalaman ni Vannah ang lahat. Gusto kong umatras. Gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad pero alam kong kailangan kong manindigan sa desisyon na pinili ko nong una. 

Mabuti na lamang at nandiyan si Jeremy sa tabi niya na tingin ko ay mahal na mahal siya. Looking at how Jeremy cared for Vannah makes my hurt torn in to pieces. 

Tyron was like that too. He loves me dearly but left me at the end. What if Jeremy left Vannah too?

I need to test him. I ask another favor with Jerome.

"Sleep with Vannah!" malamig na wika ko. Nag hestirya siya sa harapan ko. Matigas niyang ipinahid ang dalawang palad sa mukha niya.

"You know I can't! I can't do that!" paulit ulit na wika niya. Hindi ako umimik at tinignan lamang siya. Ngunit ng tinignan niya akong muli mula sa pagkakayuko ay may iba sakanya. "I can't do that! But for you! For you—you know there's nothing impossible."

Nakapalumbaba ako at nakayuko sa notebook ko. Ang ballpen ay hawak hawak ko sa isang kamay ko. Pinaiikutan ko ang huling pahina ng sulat. I was thinking if I should continue my  plan or just let Vannah and Jeremy in their life.

Natapos ang subjects kaya lumabas ako ng kwarto. Hinarang pa ako ni Hannah upang manghiram ng notes. Im not the same Vannalein anymore. Im not one of the top. Im the one in top!

"Thank you, Vannalein. Ibabalik ko din tomorrow!" aniya. Tumango ako bilang sagot. Nang mawala siya sa harapan ko ay siya namang daan ng nag iisang lalaki mula sa nakaraan ko.

Naningas ang mga binti ko but at the same time it feels jelly ace too. The students, the rooms, the hallway, everything's gone. All I can see is him.

He vanished like he is never existed in my life and right now he's appearing before my eyes. 

I try to open my mouth, to call his name but it seems like I lost my voice. My hands lift onto my heart's rib cage. It's still thumping. I thought it stop because all I can feel is pain.

Mirror (Completed)Where stories live. Discover now