Kabanata 3

2.2K 44 1
                                    

Books

Gabi na ng magising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Tinignan ko ang kisame, gusto ko ng bumangon ngunit tila pagod na pagod ako at hinahatak muli ng antok. Nakipaglaban ako sa antok ko ngunit sa huli ay sumuko din ako at muling ipinikit ang mga mata ko.

Akala ko'y makakatulog akong muli ngunit nagkakamali ako lalo na ng kumalam ang sikmura ko.

Mabilis ang ginawa kong pagbangon at lumabas ng kwarto. Maliwanag ang paligid dahil sa mga ilaw sa kisame.

Bumaba ako at natagpuan si Grandma na nanonood sa sala. Nilingon niya ako. "Mabuti at gising ka na. Kumain na tayo." pinatay niya ang television at tumayo na. Nagtungo siya sa kanan na parte ng kusina at bumaba doon, dahil medyo mas mababa iyon ng isang baiting kumpara sa sala.

May mahabang lamesa doon na may anim na silya. Sa ibabang parte ng mesa ay nandoon ang refrigerator at sa gilid ng refrigerator ay ang lababo at sa kaliwang parte ng mesa kung saan karugtong ng lababo ay ang lutuan.

Sumunod ako kay Grandma at tumayo sa dulo ng sala bago ang bababaan patungong kusina.

Iginala kong muli ang mata ko. Kung tutuusin ay napakalaki sana ng bahay na ito ngunit dahil sa napakaraming gamit ay sumisikip ito sa paningin ko.

Kalansing ng kutsara at mga plato ang narinig ko kasunod ng paghila ng isang silya. "Why are still standing there? Come here and let's eat." masyadong mabilis ang pagkakabangit niya noon dahilan kung bakit ilang minuto ko din na inintindi ang sinabi niya bago naintindihan iyon at naupo na sa bakanteng silya sa tapat niya. British accent!

Kumain ako kasabay niya. Napabuntong hininga ako ng makaramdam ako ng lungkot at pangungulila sa magulang ko.

You should be strong, Vannalein! Make your father proud.

Pagkatapos ng gabihan ay umakyat na ako sa aking kwarto upang ayusin ang mga gamit ko.

Tatlo lamang pala ang jacket kong makakapal kabilang ang ibinigay sa akin ni Grandma.

Matapos ang pag aayos ko ay nahiga ako sa kama at hinatak ng muli ng antok. Nang muli kong buksan ang mga mata ko ay maliwanag na. Ipinulupot ko ang sarili ko sa kumot dahil sa sobrang lamig. Ang dalawang kwarto ay may heater naman pati sa sala at kusina pero napakalamig pa din.

Ilang oras akong nakahiga at pinapainit ang katawan ko sa ilalim ng makapal na kumot bago nagpasya na hindi na talaga iinit na muli.

Naglinis ako ng ipin at mukha bago bumaba. Sa pagtapak ko sa huling baitang ay kakasara lamang ng pintuan. Mabilis akong tumakbo at sumilip sa pintuan. "Grandma! Saan ka po pupunta?" tanong ko sakanya pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan.


Nakita ko ang mukha ni Grandma na halos magulat sa paraan ng pagtatanong ko. Dahan dahan akong ngumiti sakanya ng makahuma siya. Nilingon niya ang isang matanda sa kabilang bahay na nagdidilig ng halaman nito. "Is she the one you're telling me?" Tanong ng babaeng matanda. Bakas pa din ang ganda ng mukha niya at pure na british ito. "Yes. My granddaughter. Mia." Nakangiting wika ni grandma. Nais ko sanang lumabas ng pintuan pero nangangatog ako sa lamig kahit na ulo ko lang naman ang idinungaw ko sa pintuan.

"Hello po. I mean Hello." bati ko sa matanda. binago ko ang unang sinabi ko dahil baka hindi niya maintindihan ang 'po'.

"Hello dear.." Bati niya sa akin pabalik.

"I'll go first.." paalam ni Grandma. "Saan ka po pupunta?" tanong kong muli. 

"Sa Town Centre.." sagot ni Grandma. "Sama po ako!" wika ko at mabilis na kinuha ang coat ko sa likod ng pintuan.

Mirror (Completed)Where stories live. Discover now