Chapter 72

674 16 1
                                    

Zoe's Pov

This school year has been well the most fun and stressful year for me. I've met new friends, people and the most important one the guy I love kahit ang panget nun mahal ko pa din siya.

Ngumiti ako nung pipicturan ako ng may certificate na hawak. Sunod naman ay dapat kasama ang pamilya. Katabi ko sina mama at papa while katabi naman ni mama si Zack. Syempre ang sunod si Marcus! Hinila ko siya palapit sakin. Inakbayan niya ako habang yakap yakap ko naman siya.

Unlike sa family ko mas marami kaming picture ni marcus. We did many poses like yung hinalikan niya yung forehead ko, I kissed his cheek and many cheesy poses.

After taking a lot of pictures. Hinawakan niya ako sa pulsuhan at lumapit kami kina mommy at daddy.

"Tito? Tita? Pwede ko po bang hiramin si Zoe? Kahit saglit lng po?"

Napatingin ako kay Marcus. Saan naman ako dadalhin ng lalaking to?

Nahuli ni Marcus na nakatingin ako sakanya kaya nginitian niya ako.

Tumawa si Daddy at tumungo "Basta ibalik mo ng buong buo ang anak ko ah? Hindi pa ako handa maging lolo. Di pa sya tapos sa pag--"

Hindi natapos ni Daddy ang sasabihin niya dahil tinakloban ni mommy ang bibig ni daddy.

"Ehehe basta bumalik kayo kaagad ah? May celebration tayo sa isang resort kaya kailangan umuwi ng maaga" sabi ni Mommy at tumungo kami

Dahil pumayag na sina mommy ay hinila na ako ni Marcus papunta sa parking lot. Saan ba kasi kami pupunta.

"Teka nga! Saan ba tayo pupunta?"
Tanong ko

"Somewhere" sabi niya

Aba! Saan naman kaya itong somewhere. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya pumasok na ako. Dumiretso kaagad suya sa driver's seat pagkasara nung akin.

Mga ilang oras din kaming bumyahe. It's exactly 4pm nung tumigil siya sa harap ng isang view...lumabas siya kaya lumabas din ako. Grabe! Ang ganda dito! Tanaw na tanaw mo ang city at ang manila bay. Napangiti ako sa kagandahan ng nakikita ko.

"Ang ganda dito marcus!!" Sabi ko at lumingon sakanya

Nahuli ko siyang nakatingin sakin. Ngumiti sya.

"Ang ganda nga ng view" di ko alam kung ano irereact ko. Dahil nakatingin siya sakin nung sinasabi niya yan. Di ko alam kung para sakin ba o sa view?

Napa-iwas nalang ako ng tingin dahil naiilang ako sa ginagawa niyang pagtitig. Ilang beses ako napalunok. Iba talaga ang pakiramdam ko ngayon.

"Shit" nagulat ako dahil biglang may kamay na yumakap sa aking bewang. Napalunok nanaman ako.

"Ba't ka ba ninenerbyos?" Bulong niya sa aking tenga. Tumindig ang mga balahibi ko sa ginawa niya.  Inosente ako wala akong naiisip na pwedeg mangyari....char lang ahahaha.

"Wala. Natural nalang sakin yun" Sabi ko. Ang weird ng palusot ko.

"Sus. Kilala kita di ka nerbyusin" Sabi niya at naramdaman ko na pinatong niya ang ulo niya sa aking kaliwang balikat.

Kinakalibutan talaga ako dahil ngayon lng siya naging ganito. Take note puro asar lng to sakin tas ngayon napakaewan.

"Ano ba meron?" Tanong ko habang tinitingnan ko ang tanawin.

"Wala lang...Ayoko lng mahiwalay sayo" Sabi niya

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Nga pala maghihiwalay kami sa college. Ang bilis ng panahon talaga. Magiging busy din kami ngayong summer dahil sa entrance exams na kailangan namin ipasa. Kesa sa bakasyon puro review ang mangyayari.

School Of Gangsters(S.G.)Where stories live. Discover now