Chapter 64

2K 66 8
                                    

Pov Zoe

Namiss ko na talaga ang Boracay!! Hinayaan ko na guluhin ng hangin ang aking buhok. Ang ganda talaga dito sa Boracay! Gusto ko na tuloy lumangoy agad!

Kinuha ko na agad ang susi ng kwarto na gagamitin namin ni Alexa. Kami ang magroommates habang ang tatlo naman ang magkakasama sa iisang kwarto.

Pag-bukas ko sa kwarto. Nakita ko agad ang two queen size na kama. Nilapag ko na lahat ng mga gamit ko sa kama na pinili ko. Pumunta ako sa may veranda at tiningnan ang view sa labas.

Na-amaze ako sa view na nakita ko. Boracay bever fails to amaze me, kahit ilang beses kami pupunta dito. Bumalik ako sa loob para ayusin ang mga gamit ko. Nakita ko na kakapasok lng ni Alexa.

"Excited ka nanaman siguro? Hahahaha" sabi ni Alexa. Natawa ako. She knows na lagi akong excited when it comes to beaches lalo na sa Boracay.

"Anong una natin gagawin?" Tanong ko habang nilalagay ang mga mga damit ko sa dresser.

"Kakain daw muna then nagkayayaan mag-swimming tapos magtotour hanggang 5 or 6 pm" sabi ni Alexa habang inaayos yung gamit niya.

Mabilis akong nag-ayos ng gamit ganun din si Alexa. Humiga ako sa kama ko. Narinig ko na may kumatok sa pinto. Tumayo si Alexa dahil siya ang malapit sa pintuan. Narinig ko na ang mga maiingay kong classmates at kaibigan.

"Ang laki ng kwarto niyo sakto satin lahat. Nagkasya tayo oh! Ahahahaha" Sabi ni Kevin

"Sumikip na nga eh kasi dumagdag kayo" sabi ni Alexa, natawa kaming lahat dahil kay Alexa. Napakamot sa ulo si Kevin.

"Wala ka pala Kevin eh! Ahahahaaha!!" Sabi ni Zach at binatukan si Kevin. Natawa nanaman kaming lahat lalo na yung boys.

"Kain na tayo Kent" narinig ko na sinasabi ni pres. Napataas ang kilay ko dahil sa narinig ko. Napatingin ako kay Kent na katabi ni pres. Lahat natahimik dahil sa sinabi ni pres. Awkard Silence. Mukha walang reaction si Kent sa sinabi ni pres.

Tumingin namman ako kay Lori na ngayon ay handa ng pumatay ng tao gamit ng pagtingin. Kung Looks can kill eh di kanina pa namatay si pres. Paghiwalayin ko nga tong dalawa ayoko magselos ang kaibigan ko. Tumayo ako at lumapit kay Marcus.

"Wag kang magseselos kapag hinila ko si Kent at niyaya na kumain na ah. Seloso ka pa naman ahahha dejoke lab lab ahahha. Papahiwalayin ko lng si pres kay Kent. Makakapatay ata si Lori eh ahahah" bulong ko kay Marcus. Napatawa ng pabulong si Marcus at um-okay sign.

Pumunta ako kay Kent at hinila siya palayo kay pres. Ngumiti ako. Pinasadahan ko ng tingin silang lahat.

"Let's go guys! Halika na KENT" sabi ko. Kinaladkad ko na palabas si Kent. Bago kami makalabas nakita ko na nakatingin si Lori samin. Kumindat ako sakanya kaya ngumiti siya ng konti. She knows what I'm doing.

Nung nasa hallway na kami papuntang elevator dahil hindi ko na talaga kaya pigilan ang sarili ko kaya nagsimula na ako magtanong.

"Ba't ba ang clingy sayo ni pres. She knows na may Lori ka na. Maka-asta siya parang kala ko siya girlfriend eh. Sarap tusukin pre!" Sabi ko. Narinig ko na tumawa si Kent. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Malay ko dun. Cold nga ang pakikitungo ko dun. Siya lng ang umaasa na mapapansin ko siya" sabi ni Kent. Pinindot ni Kent ang elevator kaya hinintay pa namin yun.

"Better try really hard not to care about her kasi you know she has this quotation 'WHAT PRES WANTS, PRES GETS' kaya makulit lahi nun kaya layo layo ka ah. Ayoko nagseselos si Lori. Sapukin kita if ever" sabi ko. Pumasok kami sa elevator. Pinindot ni Kent ang ground floor dahil naandun ang mga restaurants sa baba. I'm craving for pizza either Shakey's or Yellow Cab will do.

"Hintayin natin sila dito" sabi ni Kent. I nodded. Umupo muna kami sa mga upuan na nakita namin. Maya maya dumating na rin sila. Nakita ko na nakasimangot sina Lori at pres. Probably nakasimangot si prez dahil hindi siya pinansin ni Kent.

"Let's go!" Sabi ko sabay hila ng braso ni Kent papunta kina Yanna. Pinagtabi ko sina Lori at Kent. Nakita ko sa peripheral view ko na nakatingin si pres samin. Inakbayan ni Kent si Lori. Nakita ko na nagulat si Lori sa ginawa ni Kent pero hindi niya yun pinahalata. Napatingin ako kay pres. Umiwas siya ng tingin nung nakita niya na tumingin ako sakanya. Nakita ko na nakasimangot siya. I didn't mind her.

Tumabi ako kay Marcus patungo sa restaurant na kakainan namin. I recommended Shakey's dahil nagcra-crave ako sa pizza. They all agreed with me.

****

Pagpasok namin, kinuha nung boys ang ibang table at pinagdugtong yung tables para sama sama kami sa iisang table. Katabi ko sa kanan si Marcus habang sa kaliwa ko naman si Lori, katabi naman ni Lori si Kent at kasamaang palad katabi ni Kent si pres. Dapat nga dun uupo si Ethan kaso inunahan ni pres. Buti nalang hindi mainit ang ulo ko ngayon kung hidni natalupan ko na yan ng buhay si pres.

Nagorder na kami ng pagkain as always pizza at pasta with chicken and mojos!! Isama mo na yung milk shakes na inorder namin na mga girls.

Kanina ko pa inoobserve si pres. At totoo nga confirmed isang malaking malandi siya. Ang clingy! Hindi ko kaya ang pinagsasabi at pinaggagawa niya, pabebe siya amfufu.

"Kain ka pa Kent" narinig ko na sinabi ni pres. Alam ko narinig yun ng lahat kaya napatigil sila sa kanya kanya nilang ginagawa. Aba! Ang kapal ng mukha neto! Hindi niya ba alam na may kasamang gf at katabi ng nilalandi niya aba aba! Namumuno na siya ah!.

"Chill ka lng Zoe" bulong ni Marcus. Hindi! Hindi ko kaya! Masasabunutan ko na yan!

"No thanks. Busog na ako. How about you Lori? Kain ka pa" sabi ni Kent. Natawa ako dahil sa mukha ni pres. Halatang nadismaya dahil si Lori ang tinuon ng pansin ni Kent.

****

Pov Lori

Letche!! Napakaletche! Tsk! Ba't ba kasi sumama pa ako dito. Mukha akong third wheel kahit ako naman ang tunay na girlfriend. Makasabit ng kamay kay Kent wagas eh. Tinatanggal na nga ni Kent ng marahas eh ayaw parin tumigil. Tsk!! Oo na nagseselos na ako tsk. Napakamanhid naman ng letcheng pres Nayan amfufu.

Tinitingnan ko sa malayo si Kent at pres. Mukhang asar na asar na si Kent. Pinabayaan ko si Kent na sumama kay pres,bakit? dahil may tiwala ako kay kent na hindi siya papatol diyan sa haliparot na yan.

"Papanoorin mo nalang ba siya?" Halos mapatalon ako sa kinakatayuan ko.

"Ba't ba sulpot ka ng sulpot?!! Nakakatakot ka na ah!!" Sabi ko sabay hawak sa dibdib ko. Langya naman kasi ni Zoe. Magsasalita nalang bigla bigla.

"Tsk. Ano na nga papanoorin mo lng sila?" Tanong ni Zoe. Tiningnan ko ulit sila. Halos matawa ako ng malakas dahil mukha na talagang ksp si pres. Hindi na nga pinapansin ni Kent si pres eh.

"May tiwala ako kay Kent. Hindi lagi kailangan pairalin ko ang selos. We both trust each other kaya ok lng ako and look tingnan mo ang itsura ni Kent halos gusto niyang hambalusin si pres ahahhaha" sabi ko

"Sus...oo na kayo na goals" sabi ni Zoe. Napatawa kami dahil sa sinabi niya.

In a relationship their should be trust. Hindi puro selos at natutunan ko yun sa relationship namin ni Kent. Bihira nalanh ata kami nagaaway dahil sa selos basta we trust and love each other. Pababayaan ko muna na magcling si pres ngayon because for sure tomorrow kukunin ko muna si Kent dahil I also want a time with him dito sa Boracay.







----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Hey!! Sorry kung nakakabitin yung update, sa classroom ko yan ginagawa eh. Wla na akong time makapagupdate ng chapter sa bahay eh kaya nakiki-internet nalang ako sa classroom namin ahahaha. So ayun nga sorry readers. Basta babawi ako pati sa studies ko. Btw I still accept readers who wants to be part of book 2 just dm me :)

School Of Gangsters(S.G.)Where stories live. Discover now