" Hindi ko alam kung paano mo nalaman na hindi nyo ako kauri " mapangmata nitong sabi.

" Ang dami na naming lugar na napuntahan para hanapin kung saan kayo nagtatago. Sa lugar lang pala ng mga Vesta kayo nagkukuta " saad naman ng isa na may hawak na tungkod.

" Mukhang matutuwa ang itaas kapag nalaman nila ang tungkol dito " saad naman ng babae.

" Marami tayong mapapaslang ngayong araw " sabik na saad ng lalaki na pinapatunog ang mga daliri nya at akmang hahakbang ng magsalita na ako.

" Subukan nyo lang na humakbang, kayo ang una kong papaslangin " mapagbanta kong saad sapat na para matakot ko sila.

Ngunit akala ko matatakot ko sila pero tumawa lang sila na tila isang biro ang aking sinabi. Natatakot ako dahil mukhang malalakas sila ngunit sa oras na ito ay hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Buhay na ang nakasalalay dito.

" Sino ka ba? Isang hamak ka lang naman na may dalawang lahi. Hulaan ko base sa ginawa mo kanina ay kaya mong magkontrol ng mga bagay-bagay gamit ang iyong isip. Isa ka sigurong Vesta at ano pa? Rim? Azula? " sabay tawa nito na halatang nangmamaliit.

" Sa tingin mo ba matatalo mo kami? " taas kilay na tanong ng babae.

" Umalis na kayo " mahinahon pa rin ang boses ko.

Hindi nila ako pinakinggan at naglakad patungo sa mga kalahi ko. Iniharap ko ang palad ko sa akin at nagsalita kaya huminto sila.

" Sana matulungan nyo ako. Protektahan nyo sila para sa akin. Huwag nyong hayaang masaktan sila " pakiusap ko sa aking palad.

Tumawa naman ang mga cuncilum sa harap ko at pinagsabihan akong nasisiraan na ng ulo. Ngunit tumigil lang ang pagtawa nila na unti-unting lumabas ang paruparo sa palad ko. Halos nagkulay asul ang paligid sa paglabas nila.

" Hindi maaari " hindi nila makapaniwalang sabi sa kanilang nakita.

" Protektahan nyo kami. Sa oras na may magtangkang saktan kami kayo na ang bahala " saad ko sa mga paruparo ko.

Umatras ako patungo sa mga kalahi ko. Ang mga paruparo ko ay nasa aming harap na para bang nagsisilbing harang sa mga cuncilum.

" Ikaw! Ikaw ang nasa propesiya! " turo ng lalaking may hawak na tungkod. " Paslangin nyo sya! " utos nya sa mga iba nyang kasamahan.

Hindi ko alam kung ano ba ang kakayahan ng mga paruparo ko pero sa tuwing may hinihiling ako sa kanila ay sinusunod nila kaya ng may sumugod ng isang cuncilum, tumilapon lamang sya sa pader na nag-iwan ng malaking lamat at tila nawalan sya ng malay. Kita ko ang gulat sa mga kasamahan nya at ganoon rin ako dahil hindi ko aakalain na nagtataglay ng ganong kakayahan ang paruparo ko.

" Umalis na kayo sa lugar na ito dahil isang utos ko lang sa aking mga paruparo gagawin ko kayong mga abo at kung sa tingin nyo ay nagbibiro ako, subukan nyo lamang para mapatotohanan ko " salita kong muli sa kanila.

Umatras sila dahil sa aking sinabi.

" Kung sino ka man, hindi ito ang unang pagkakataon na magkikita tayo " saad ng may tungkod.

Naglaho sila na parang bula sa aming harapan. Mabilis kong inalis ang maskara upang makalanghap ng hangin dahil halos nagpipigil ako ng hininga kanina dahil sa kaba't takot ko sa kanila. Napaupo na lamang ako sa sahig ngunit agad akong napatingin sa paruparo na nasa harap pa rin namin.

" Maraming salamat sa inyong ginawa. Makakabalik na kayo " lahad ko muli sa palad ko kaya nagsipasok na sila.

Mabilis naman akong inalalayan ng mga kasamahan ko at pinaupo sa isang upuan. Literal na nanghina ang tuhod ko dahil siguro sa paggamit ko sa aking kapangyarihan kanina bilang Vesta at ganoon rin sa mga paruparo ko para maging harang namin.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Where stories live. Discover now