Chapter 17

509K 19.7K 6.8K
                                    

#COMM

Chapter 17

After that 'weird' walkout from Jasper, he just got weirder! Or maybe it was me who got weirder kasi parang every move niya, inaanalyze ko na talaga? Ewan! Nakakainis naman kasi siya kasi super obvious na bothered siya kung anuman 'yung problem na tinatago niya! Ni hindi na siya nag-e-effort para ipakita sa akin na okay siya, unlike before na super sabi pa siya na 'wag ko siyang lapitan.

Gulu-gulo talaga ni First Lieutenant.

"Kayo na talaga assigned sa akin?" I asked Kellan who was sitting beside me.

He nodded. "Yes, Ma'am. Kagabi lang po sinabi ni Sir na kami na raw ni Nico."

"Ah..." I replied, although what I badly wanted to ask was why. Kasi 'di ba he was supposed to sort his issues out while I was away? I gave him three weeks to think about whatever was bothering him, tapos pagbalik ko parang mas lumala lang?

"Ayaw niyo talaga malaman, Ma'am, kung ano 'yung nangyari nung wala ka?" Kellan asked maliciously. Ayan na naman 'yung grin niya!

"Nope," I quickly replied. "At saka 'wag na nga kasi kayong issue. Kaya kayo pinag-iinitan ng Sir niyo, e."

"E hindi naman dahil 'dun, e..." he said with palpable malice. "Di ba, Nico? Iba problema ni Sir?" he asked and then shared a look with Nico at the rearview mirror.

"Hindi nga ako 'yung problem!" I said out of frustration dahil sa totoo lang, heightened 'yung anxiety ko dahil sa dalawa na 'to! Lakas nilang makadagdag sa tension!

Kaya siguro ang bilis mag-upgrade nung crush ko into something. Lakas kasi ng influence ng twins na 'to. 'Yung ayie pa lang nila, ang grabe na, e!

"Pustahan, Ma'am? Pambili lang ng t-shirt," sabi ni Kellan. Sobrang gambler talaga. Ayaw gayahin si Nico na binibigay sa mom 'yung sweldo.

Hanggang sa makarating kami sa venue nung gig ko, sobrang ayaw nila akong tigilan ni Nico. Ang sakit lang nila talaga sa ulo! Bigla ko tuloy na-miss si Jasper kasi kapag siya 'yung kasama, ako 'yung nag-e-effort na magkaroon naman ng kahit konting ingay sa car.

The assistant briefed me about the work for the entire day. Good thing buong araw 'yung commitment para busy ako. Bago 'yung model na ka-work ko. Good thing it wasn't Rafa anymore kasi super awkward lang talaga when he's trying to flirt with me.

"Baka maging super busy kasi bago 'yung director, so hindi ko pa sure if he'll be lenient or what. Basta kumain kayo on time, ha!" bilin ko sa kanila. Sobrang crazy kasi. Kung hindi ko pa ipapaalala na tao sila na kailangang kumain, hindi talaga sila kakain!

"Yes, Ma'am, papakainin namin si Sir Jasper," Kellan replied.

I rolled my eyes at him. "Sobrang epal mo." Nico nodded in agreement—na parang masaya siya na finally, hindi na lang siya ang kinakawawa.

"Hindi, Ma'am, supportive lang po," Kellan said and then grinned. Napailing na lang ako. There's really no winning an argument with this guy. Palagi na lang siyang may pinaglalaban!

Dumiretso na ako sa dressing room for my makeup. Pinanindigan na yata talaga ni Jasper iyong pagiging away guard niya dahil hindi ko siya nakita buong morning. Though very aware naman ako na nasa paligid ko lang siya kasi palagi namang pinapaalala ni Kellan at Nico! Para silang redundant na reminder sa phone, grabe lang talaga.

Paglabas ko ng dressing room para dumiretso sa shooting area, napahinto ako dahil naka-salubong ko si Jasper. His brows were knitted na parang he's so deep in thoughts! Ni hindi nga yata niya alam na nasa harap niya na ako.

Come On, Make Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon