"No. Naniniwala akong tadhana ang nagdala sa inyo para makasama ang isa't-isa. Naniniwala akong kayo ang itinadhana."

Masayang napangiti ako sa sinabi ni daddy.

"At kung hindi man kami ang nakatadhana, gagawa't-gagawa pa rin ang pagmamahalan namin ng way para maging para kami sa isa't-isa. Sabi nga nila, walang imposible sa taong nagmamahalan."

Dahan-dahang kumalas si daddy mula sa pagkakayakap sakin at puno ng kaligayahan at kuntento na tumitig siya sa mga mata ko.

"Ang laki na ng pinagbago mo anak, nag-mature ka na. Siguro, tuwang-tuwa ang mga magulang mo sa itaas kung napapanood ka man nila ngayon."

Yeah, ang mga magulang ko. Alam kong kasama ko sila at hindi nila ako pinabayaan nung mga oras na balot ng kadiliman ang buhay ko, alam kong ginagabayan nila ako. And speaking of parents, nagpalinga-linga ako sa paligid na para bang may hinahanap, kanina ko pa kasi siya hindi nakikita eh.

"Ahm, daddy? Nakit niyo po ba si Manang? Kanina ko pa po kasi siya hindi nakikita eh."

nag-aalalang tanong ko sa matanda. Mas lalo akong nakaramdam ng pag-aalala ng makita ko ang gumuhit na kirot sa mga mata ni daddy ng itanong ko 'yon sa kanya.

"Nasa loob siya, sa taas. Doon sa kwarto ni Ellaine."

Mabigat ang mga paang naglakad ako patungo sa itaas.

Si Manang. Alam kong hanggang ngayon nahihirapan at nalulungkot pa rin siya sa pag-alis ni Ellaine, sa tagal ng panahon na inilagi dito ng dalaga ay alam kong napamahal na siya ng husto kay Manang despite sa lahat ng nagawa nitong kasalanan sa pamilyang 'to.

Kakatok pa sana ako sa pintuan ng makita kong bukas ang pinto, maingat na itinulak ko iyon para makapasok ako sa loob. Nakita ko si Manang, nakaupo sa ibabaw ng kama habang hawak-hawak ang isang picture frame at isang damit, yakap-yakap niya ito sa kanyang dibdib.

Malungkot na pinagmasdan kong mabuti ang matanda, may munting butil ng luha na tumulo mula sa kanyang mata. Tahimik na naglakad ako palapit sa kanya at marahan akong umupo sa tabi niya, buong pagsuyo at pagmamahal na niyakap ko siya sa kanyang tagiliran. Ipinatong ko sa balikat niya ang ulo ko.

"H-hija? Nandyan ka pala, ay naku, bakit hindi ka man lang nagsasabi na nandito ka pala."

saad niya sa nagpapanic na tono at agad na pinunasan ang mga luha.

"Manang, 'wag ka ng malungkot."

Natahimik ang matanda.

"Alam kong babalik siya. Sa ngayon, hayaan muna nating hanapin niya ang sarili niya."

Umangat ang ulo ni Manang, hinayaang salubungin ang sinag ng araw na tumatama sa mga mata niya.

"Ang batang 'yon, akala ko napakahina niyang babae. Lumaban siya, ipinaglaban niya ang nararamdaman niya at hindi inalintana kung ano man ang kahahantungan ng kanyang mga ginagawa. Ngayong tanggap na niya ang lahat, nagparaya na siya. Nagpapasalamat ako dahil hindi siya naging katulad ng ina niya. Nagpapasalamat ako dahil hindi nangyari sa kanya ang nangyari sa kanyang ina."

Nagulat ako sa huling dalawang pangungusap na sinabi niya. Nanlalaki ang mga matang humarap ako sa kanya.

"M-Manang? Kilala niyo ang magulang niya?"

Marahan itong tumango.

"Hindi ako magkaanak noon kaya naisipan kong mag-ampon. Inampon ko ang ina ni Ellaine. Katulad niya, nabulag ng pagmamahal ang ina niya. Nakipaglaban siya, ipinaglaban niya ang pagmamahal niya kahit alam niyang may-asawa na ang lalaking 'yon. Nabuntis siya subalit hindi siya pinanagutan ng lalaki, halos maglumuhod ang ina ni Ellaine, nagmakaawa na balikan siya, pero napakasama ng tadhana sa kanya. Isang araw, nalaman namin na meron siyang stomach cancer. Pero hindi siya natakot, itinuloy niya ang pagbubuntis kahit alam niyang delikado dahil pwede niya 'yong ikamatay, at dahil lumayas siya noon sa bahay dahil sa pagsuway sakin kaya hindi ko na nalaman ang mga sumunod na nangyari. Nalaman ko na lanag sa isang kakilala na binawian na daw ng buhay ang anak ko pagkatapos niyang manganak, ngunit tuluyan akong humanga sa kanya ng nakayanan niya pang bumangon para dalhin si Ellaine sa ampunan. Hinanap ko ang ampunan na pinag-dalhan sa kanya at nakiusap ako kay Roberto na ampunin ang batang 'yon. Minahal ko si Ellaine bilang tunay kong apo, nagalit man ako sa kanya subalit ginawa ko lang 'yon dahil natakot akong baka matulad siya sa kanyang ina. Ang batang 'yon' ang apo ko. Patawarin mo ako hija, gusto ko man noong ibunyag ang lahat, natakot din ako na baka lalong hindi kayanin ni Ellaine ang mangyari. "

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Where stories live. Discover now