Chapter 13

216K 2K 319
                                    

A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------Unedited and unrevised Version-----------

Tristan's POV

Tila pinagbagsakan ako ng langit at lupa ng mapanood ko ang video ng concert ng kapatid ko kagabi. He invited Allison to join him in stage, at hindi lang 'yon, niyakap niya pa ang asawa ko sa harap ng maraming tao. Hirap ang kalooban na napalunok na lang ako at napapikit ng mariin habang naririnig ko pa rin ang hiyawan ng mga tao sa video na animo'y tuwang-tuwa pa sa napapanood. I shut down the computer immediately.

Bagsak ang balikat na naglakad ako palabas ng office room.Pagbukas ko ng pinto ay sakto namang labas rin ni Allison sa kwarto namin na noo'y nagkataong kaharap lang ng office room.

Naudlot ang kanyang paghihikab at pag-iinat ng makita niya ako. Sa itsura niyang 'yon, mukang kakagising lang niya. Hindi niya ba alam kung anong oras na? Aba alas-dose na ng tanghali ah?

Nagkatitigan lang kami ngunit saglit lang 'yon dahil mabilis siyang umiwas at naglakad pababa ng hagdan.Ayos lang sana na in-snob niya ko,ang kaso may kasama pang irap na para bang ako ang sumira sa gising niya.Napailing na lang ako at mabigat ang paa na naglakad na pababa para sa tanghalian.

"Allison,may muta ka pa sa mata.Tumingin ka ba sa salamin bago ka bumaba dito? Tingnan mo nga 'yang itsura mo para ka dyang sabukot. At 'yang upo mong 'yan,ayusin mo, nasa harap ka ng hapag-kainan hindi ka nag-pipicnic sa damuhan." sermon ni Manang Elly kay Allison nang makita ang ayos nito na naka-indian seat na naman sa upuan. Nakasimangot na napa-pout si Allison habang inaayos pababa ang kanyang paa.

"'Wag mo akong ngungusuan dyang bata ka."

naiiyamot na tono ni Manang habang abalang naglalagay ng ng mga pinggan sa lamesa.

"Menopause."

narinig kong bulong ng katabi ko.

"May sinasabi ka Allison?" -Manang

"H-Ho? Wala ho." pagsisinungaling ng katabi ko.

"Anong oras ka na nga pala umuwi kaninang madaling araw?" -Manang

"Two,fifteen am Manang." sabat ko.

Mabilis na napatingin si Allison sakin.Hindi ko alam kung nagalit ba siya dahil sinabi ko 'yun kay Manang o nagulat siya dahil alam ko ang eksaktong oras ng pag-uwi niya kanina. Napakaltak na lang si Manang.

"Talaga naman,oo.Hindi ka na yata talaga magtitinong bata ka." iiling-iling na nasambit na lang ni Manang.

"Niyaya pa ho kasi ako ni Yohan na gumala pagkatapos ng concert nila." paliwanag niya.Napahigpit ang hawak ko sa hawak kong mga kubyertos.

Magdamag pala silang magkasama. Hindi man lang siya tumawag o nagtext sakin, para akong tangang naghintay ng matagal sa pag-uwi niya. Nag-alala pa naman ako,'yun pala magkasama lang pala silang dalawa.

"Saan naman kayo gumala nang ganung oras,aber?" -Manang

"Sa playground Manang, 'yung malapit sa dating school namin. 'Yung pinupuntahan naming dalawa nung high school kami, 'yung----"

Hindi ko na siya pinatapos pa dahil maingay na ibinagsak ko na ang hawak kong kutsara't tinidor pabalik sa lamesa at pagkatapos ay mabilis na tumayo.

"Nang, hindi na ho ako dito magtatanghalian." paalam ko.

"Huh? Eh teka san ka pupunta?"

nagtatakang tanong ni Manang.

"Sa office ho. Nakalimutan kong may kailangan pa pala akong tapusin na trabaho." pagsisinungaling ko at pagkatapos ay walang lingong naglakad na ako palabas ng dining room ngunit bago ako tuluyang umalis ay tumigil muna ako sandali sa may pinto.

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon