Chapter 18 (Part 2)

187K 1.5K 153
                                    

A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------Unedited and unrevised Version-----------

"Ako ang hindi mo naiintindihan! Sa oras na pumatay ka ng tao, makukulong ka! Kapag nakulong ka.... kapag nakulong ka.... pano naman ako. Iiwan mo 'kong mag-isa? Iiwan mo 'ko Tristan?"

Dala marahil ng pagbuhos ng aking nararamdamaman kung kaya't hindi ko na napigilang mapahagulhol, naitakip ko ang dalawang palad ko sa mukha at nagngangalngal ako na parang bata. Nakakainis kasi eh, padalos-dalos siya kung magdesisyon. Oo, naiintindihan ko naman na nagalit siya ng sobra sa ginawa sakin ni Jed, pero hindi man lang niya muna inisip ang magiging kahihinatnan ng gagawin niya kapag nagkataon.

Hindi ko ugaling umiyak sa harap ng maraming tao, alam kong pagkatapos nito ay kakantiyawan na naman ako ng mga abnormal na kaibigan ni Tristan pero hindi ko na talaga nakayanan ngayon eh. Sobrang natakot din ako at nag-alala ng husto.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak,tanging tinig ko lamang ang nangingibabaw at ume-echo sa buong silid.Maya-maya'y nakarinig ako ng isang buntung-hininga wari'y tuluyan na siyang kumalma.

"F-Fine.Sasama na 'ko sayo, uuwi na tayo.S-Stop crying,tahan na Allison."

Narinig kong malumanay at puno ng pagpapakumbaba na alo sakin ni Tristan,mukang natauhan na siya sa mga sinabi ko. Ngunit hindi pa rin ako tumitigil sa kaiiyak, masama pa rin ang loob ko at naron pa rin ang pagkatakot sa aking dibdib hanggang sa marinig ko na lang ang mga paghakbang niya palapit sakin, itinulak niya ang ulo ko padikit sa kanyang dibdib at nang huli'y naramdaman ko na ang pagyakap niya sakin.

Lalo akong inihit ng pag-iyak, nakita ko na lang ang sarili ko na ginagantihan na rin ang yakap niyang iyon.Isinubsob ko ng mariin ang mukha ko sa dibdib niya at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit. Para akong isang bata na umiiyak sa kanyang magulang dahil hindi nila ako sinama sa lakad nila, nagtatampo, nagagalit pero mas nangingibabaw pa rin ang pagkatakot sa pag-aakalang iniwan na nila ako. Ganun rin ang nararamdaman ko ngayon, gusto kong magalit, gusto kong pagalitan siya ng paulit-ulit pero mas nanaig ang pag-aalala't pagkatakot sa puso ko. Pano kung hindi ako dumating? Pano kung hindi ko siya napigilan? Ano nang mangyayari sa kanya? sakin? sa amin?

Naramdaman ko ang paghaplos ng isang kamay niya sa buhok ko wari'y sinusuyong patahanin na 'ko.

"I'm sorry mhie.I'm sorry.I promise that I won't ever do this again,I promise." buong sinsero at pagsisising pangako niya sakin kasabay nun ang paghalik niya sa ibabaw ng aking ulo. Alam niya sigurong natakot ako ng sobra sa ginawa niya. Matapos kong kumalma ay nagyaya na si Tristan para umuwi.


"Pare, ano nang gagawin namin sa isang 'to?" pahabol na tanong ni Migz.


Napalingon kami ni Tristan na noo'y palabas na sana nang abandonadong silid. Nakita kong nagtangis na naman ang mga bagang ng katabi ko nang titigan niya ang halos hindi na makatayo sa sakit na si Jed. Sa itsura ni Tristan ay parang nanghihinayang pa siya na hindi niya ito natuluyan kung kaya't agad kong pinisil ang braso niya at pinanlisikan ko siya ng mata para warning-an na tumigil na.Effective naman ang ginawa ko dahil nakita kong mariin lang siyang pumikit at nagpakawala ng isang malalim na buntung-hininga para siguro kontrolin ang emosyon dulot ng nararamdamang galit.

"Kayo nang bahala dyan, gawin niyo kung anong gusto niyong gawin, basta 'wag niyo lang papatayin." parang amo na utos ni Tristan. Nag-salute si Migz. Nagsitayuan naman sa likod ang tatlo. Itinaas ni Jhay ang long sleeve ng polo niya, si Ethan sinusuntok-suntok ang isa niyang palad na para bang handa ng makipag-boxing at si Janus naman ipinatong ang sapatos sa tiyan ng nakahigang si Jed at wari'y ine-examine ang katawan ng huli.

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon