Chapter 29

127K 2.1K 470
                                    

A Wife's One-Sided Love PART 1-3 are already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW!

-------Unedited and unrevised Version-----------

One week has passed. Tuluyan ko nang pinaninindigan ang pangako ko sa sarili ko na tatanggalin ko na ang isang Tristan Fontanilla sa buhay ko. Sinisimulan ko ng subukan ang mabuhay mag-isa na wala ang kanyang presensiya. Sa isang linggong 'yon, nabuo ang isang pattern: kakain, matutulog, gigising, mag-aaral, hang-out with Yohan, hang-out with Cassie tapos kakain ulit.

Kahit papano naman,nawawala ang pagka-bored ko sa buhay kapag kasama ko ang dalawang 'yon.They're always making me laugh.

Bumalik ako sa realidad ng biglang may dalawang brasong pumulupot sa leeg ko mula sa aking likod. Lilingon pa sana ako upang alamin kung sino iyon ngunit dahil sa gamit niyang pabango ay mabilis kong natukoy ang taong 'yon. Ngumiti lang ako kasabay ng pag-alon ng buhok ko dulot ng malakas na hangin na tumatama sa mukha ko.

"Bestfriend, nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap."

malambing ngunit nagtatampo na saad ni Cassie.

"Hindi ko kasi ugaling mang-istorbo sa lambingan niyo ni Mr.Counsil President."

panloloko ko sa kanya. She pouted.

Yayayain ko sana siya kanina ang kaso nung nakita ko sila ni Jhay na naglalambingan sa gym nagdalawang-isip ako. Ang sweet kasi nila. Naroong pinupunusan ni Cassie ang pawis ni Jhay sa may bench, tapos habang naglalaro nama si Jhay ng basketball maya't-maya ang kindat niya sa bestfriend ko.

Nakaka-inis ang sweet nila! Naiinggit ako.

Tinanggal ni Cassie ang pagkakayakap niya sakin at pagdaka'y umupo siya sa tabi ko na hindi tinatanggal ang ngiti sa kanyang labi. Magkatabi kaming naupo sa sementong upuan habang parehong nakatanaw sa kabuuan ng soccerfield. Kami lang dalawa ang tao ngayon dito dahil halos lahat yata ng estudyante ay nasa loob ng gym.

"So how are you?"

panimula ni Cassie. Yumuko lamang ako at at tahimik na bumuntung-hininga. Alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Naikwento ko na kasi sa kanya ang tungkol sa annulment.

"Desidido ka na ba talaga sa desisyon mo?"

pagpapatuloy niya nang walang marinig na sagot mula sakin. Iniangat ko ang mukha ko at tumingin ako sa harap nang may ngiti sa mga labi.

Ahh... ang hirap talagang ngumiti lalo na't may bibit na mabigat na dalahin ang dibdib ko, pakiramdam ko sasabog ako anumang oras. Lumunok lamang ako at saka nagsalita.

"Wala ng dahilan pa Cassie para magbago ang isip ko. I want to be free, gusto ko ng mabuhay ng masaya nang hindi dumedepende sa kanya."

buo ang loob na sagot ko sa kanya. Nakita ko mula sa gilid ng mata ko ang awa at pag-aalala na bumalatay sa itsura ni Cassie nang titigan niya ko.

"Kaya mo kaya?"

"Labing dalalawang taon ko siyang nakasama. Alam kong mahihirapan ako pero kakayanin ko." nanginig ang boses ko dahil sa pagpigil ng emosyon. Habang naaalala ko kasi ang mga pinagsamahan naming dalawa, ang mga masasayang panahon kasama siya na kasabay ng masasakit na alaala ay bigla-bigla na lang sumisikip ang dibdib ko.

Naramdaman ko ang marahang paghagod ng palad ni Cassie sa likod ko para siguro pakalmahin ako.

"No matter what happen, 'wag mong kakalimutan na nandito lang ako Allison. Susuportahan kita sa lahat ng desisyon mo. Bestfriend tayo diba?"

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon