Haha.

Tawa lang ako ng tawa ng may maramdaman akong malambot na balahibo sa binti ko, pagtingin ko may nakita akong isang cute na tuta.

"Hello, ang cute mo naman" sabi ko sa tuta habang hinihimas himas yung ulo nya, ang cute cute nya talaga.

Kinuha ko yung tuta at inilagay sa lap ko at hinimas himas uli ang ulo nya.

Sino kayang amo netong tuta na'to?

Siguro mabait yung amo nya kasi alagang alaga eh, ang linis linis ng itsura.

Pero nasaan yung amo neto? Hala! Baka nawawala 'tong tuta na'to, napahiwalay sa amo nya.

"LA--" napatingin ako dun sa sumigaw at nagulat ako ng makita ko si ano na palapit sakin habang nakatingin sa tuta.

Binaba ko na yung tuta.

"Nandyan ka lang pala, hay nako pinag-alala mo ako" sabi nya sa tuta habang hinihimas himas ito.

Ibig sabihin si Mr. Bwiset yung amo nung tuta?

Pwede ko bang bawiin yung sinabi ko na 'Mabait yung amo nung tuta'

Kinalong na nya yung tuta at tumingin sakin.

"Marjorie?"

"Ay hindi, hindi ako si Marjorie, nakikita mo na nga na ako si Marjorie nagtatanong ka pa, tss" pangpipilosopo ko at sinamaan nya naman ako ng tingin at naglakad na paalis.

Pikon haha.

Umuwi na ako at kumain na ng umagahan pagkatapos nag-gayak na dahil may pasok ako.

-----

Nandito kami ngayon nila Bhesie sa rooftop ng building namin dito sa University, vacant kasi namin ngayon.

"Bhesie's wala pa palang Code name sa Gang si Insan" sabi ni Bhesie Leah.

"Anong favorite color mo Bhesie Line?" tanong ni Bhesie Jane kay Bhesie Line.

"Peach" sagot ni Bhesie Line.

Peach, ano bang pwedeng idugsong dun?

"May na isip na akong codename ni Bhesie Line" - Bhesie Jane habang natawa.

"Ano?" tanong namin.

"Peachi Peachi (Pichi Pichi) AHAHAHA" natawang sagot nya at nakitawa na din kami ni Bhesie Leah.

"Insan, ginawa kang pichi pichi haha" natawang sabi ni Bhesie Leah.

"Ai grabeh! Ginawa akong pagkain! Gawin daw ba naman akong pichi pichi! Mukhang pagkain talaga 'tong si Bhesie Jane" nakasimangot na sabi ni Bhesie Line na tinuro pa si Bhesie Jane, tinawanan lang namin sya.

Haha pichi pichi.

"Favorite color ko din ang green, pwede bang Peach-Green" - Bhesie Line na medyo nakasimangot pa rin haha.

"Oo pwede" sagot ko.

"Oo pwede yun Insan, may na isip na nga pati ako haha, Peach-Greeny na lang codename mo, haha Greeny" natawang sabi ni Bhesie Leah at nakitawa na din kami ni Bhesie Jane.

Mga baliw talaga 'tong mga 'to, haha.

"Hoy! Hindi ako greeny" nakasimangot na pasigaw na sabi ni Bhesie Line at kami naman ay tinawanan lang uli namin sya.

Haha kanina Pichi Pichi, ngayon naman greeny, mga baliw talaga, haha.

"Tama na, seryoso na. Isip na tayo ng codename ni Bhesie Line" sabi ko at nagsitigil naman sila sa pagtawa at nag-isip na ng seryoso na pwedeng i codename kay Bhesie Line.

Ano kayang pwedeng idugsong sa Peach-Green?

Kailangan kasi may kadugsong pa yun.

Pag-gagawa kasi kami ng codename ay kinukuha namin sa favorite color namin at yung kadugsong ay kinukuha namin tungkol sa sarili namin o sa mga bagay na gusto namin.

Habang nag-iisip ako tumingin ako kay Bhesie Line at nakita ko syang may hawak na wallet at may keychain yun na arrow.

Arrow.

Aha! Alam ko na.

Mahilig nga pala sa Arrow si Bhesie Line at magaling sya dun.

"Bhesie's may naisip na akong codename ni Bhesie Line" sabi ko sa kanila.

"Ano?" tanong nila.

"Peach-Green Arrow" sagot ko.

"Oo nga, magaling ka diba sa pag-gamit ng pana" - Bhesie Jane.

"Oo nga Insan" pagsang-ayon naman ni Bhesie Leah.

"Yah awieee iyan na lang" masayang sagot naman ni Bhesie Line.

"Kesa naman yung Pichi Pichi at Greeny na yun" dagdag nya at nagtawanan naman kaming lahat.

"Stop na, baka nakakalimutan nyo na may next subject pa tayo at ma la-late na tayo" sabi ko sa kanila ng maalala ko na may klase pa kami.

"Shock bhesie's! Ma la-late na nga tayo! 10 minutes na lang mag istart na yung klase" natatarantang sabi ni Bhesie Line, dali dali kaming pumunta sa room ng next subject namin.

*****

Hello👋

May new story po uli ako.

Title: Crush kita, pero may crush kang iba.

Sana po ay basahin nyo din, thank you po😘

*****

Don't forget to vote 💕

Pink-Eyed Princess (The Gangster Princess)Where stories live. Discover now