Chapter 27

1.4K 28 7
                                    

Kinabukasan....

Hiro: Heart, what time yung off mo?

Joyce: Maaga akong uuwi. mga 5pm siguro. May lakad kasi kami ni Kuya. Ay! Yan pala ang gusto kong ipagpaalam sayo.

Hiro: Ah.. Yun ba?

Hiro's POV

Sa totoo lang, ayoko siya sumama sa kuya niya. Nagseselos ako. Pero pinagkakatiwalaan ko siya.

Hiro: Sige, mag-iingat kayo ha. Tawagan mo na lang ako.

Joyce: Thank you! (sabay yakap kay Hiro)

Lexi: Tama na yan. Bawal ang PDA dito sa opisina.

Hiro: So, mauna na akong umuwi.

Joyce: Mag-ingat ka Heart!

Lexi: Alam mo, sa tingin ko nagseselos yung boyfriend mo sa kuya mo.

Joyce: Huh? Bakit naman? Eh, Kuya ko naman yun?

Lexi; Sa totoo lang, sweet kayo ni Kris pero in a different way. Sweet kayo, kasi bumabalik kayo sa dati. Pagkatapos kagabi, sa totoo lang kinilig ako sa inyo at nakita kong walang imik si Hiro.

Joyce: Wala siyang dapat na ipag-alala noh. Kapatid ko si Kris

Lexi: Kapatid lang ba talaga?

Joyce: huh? Ano bang klaseng tanong yan?

Lexi: Kasi, masasaktan si Hiro, kapag ipinagpatuloy mo ang pagsisinungaling. Ginagawa mo siyang tanga. Kaya kung hindi mo  mahal yung tao, itigil mo na 'to.

Joyce: Dati, ikaw ang nagsasabi sakin na sagutin ko siya. 

Lexi: Kasi, mabait yung tao Joyce. Gusto mo ba siyang masaktan.

Joyce: Mahal ko siya.  

Joyce's POV

Oo, mahal ko siya. Yan ang sabi ng isip ko. Tama naman si Lexi, ang bait bait ni Hiro para lang masaktan. He doesn't deserve na masaktan.

Kris: Bakit ang layo ng tingin mo? Anong iniisip mo?

Joyce: Ah, wala naman kuya. So, saan tayo?

Kris: (smile) Basta.

Hindi mahilig si Kris sa sasakyan , pero mahilig siya sa motorsiklo. Ewan ko ba sa kaniya. 

Kris: Angkas na.

Joyce: Sandali lang. Hindi ka naman excited noh?!

Kris: Bilis!

Umangkas ako sa motor niya. Humawak ako sa damit niya nang biglang hinatak niya ang kamay ko at nilagay sa beywang niya na para bang nakayakap na ako sa kaniya. 

Kris: Malalaglag ka kapag hindi ka hahawak ng mabuti.

Ang sarap pag laging ganito. Ang sarap niyang yakapin. Teka, saan na ba kami? Teka....  Andito kami sa lugar kung saan siya sa unang nagtapat ng pagmamahal niya sakin. pero, bakit kami nandito?

 Joyce: Anong ginagawa natin dito?

Kris: Na miss ko lang ang lugar na 'to.

Joyce: So, anong gagawin natin dito?

Kris: Samahan mo lang ako. Umupo ka nga.

Joyce: (umupo sa tabing-dagat) 

Kris: Naaalala mo ba nung una tayong pumunta dito?

Joyce: Ano naman ngayon?

Kris: Wala lang. Naaalala ko lang.

Joyce: Huwag na nga natin ibalik ang nakaraan. Bakit ba hindi syota mo ang dinala mo dito?

Kris: Kailangan galit?

Joyce: Hindi ako galit noh.

Kris: Tama na nga yang tanong. Samahan mo na lang ako.

Joyce: Tatawagan ko lang si Hiro. (sabay kuha ng phone niya)

Tatawagan ko na sana si Hiro, pero biglang inagaw ni Kris ang phone ko at sinabing...

Kris: Bonding natin ito. Bakit ba boyfriend mo ang inaaalala mo?

Joyce; ANong gusto mo? Girlfriend mo ang alalahanin ko?

Kris: Please. Huwag ngayon. 

Anong huwag ngayon? Huwag ngayon mag-away o huwag ngayon pag-usapan ang girlfriend niya? Ang gulo.

Joyce: Ano ba talaga ang punto mo?

Kris: Kasi.. Gusto kong... Sa lugar din na ito magpropose kay Eunice. What do you think?

Nagulat ako sa sinabi niya. Pero ano nga ba ang dapat na reaction ko? Dapat masaya kasi ikakasal na ang kuya ko.

Joyce: (fake smile) Talaga?? A.. ayos . Yan! Congratulations sa inyo.

Kris' POV

Ang gusto ko sanang malaman ay kung may natitira pa bang kahit konting pagmamahal sakin si Joyce. Pero sa reaction niya. Halatang wala na. tanggap niya na nga na magkapatid kami.

Kris: Hindi pa nga ako nagpopropose eh. 

Joyce: Dun na din ang punta nun.

Nginitian niya ako.  Tumayo, tumalikod at yumuko sabay sabing...

Joyce: Uwi na tayo. Nag-aalala na kasi si Hiro.

Hiro? Na naman?? Wala na ba akong maririnig mula sa kanya kundi Hiro na lang? Ganiyan na ba talaga niya kamahal si Hiro? Wala na ba talaga ako sa kaniya? 

Mali Ba Ang Mahalin Kita? (KRISJOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon