Chapter 13

1.6K 32 4
                                    

Joyce's POV

Ilang taon na rin ang nakalipas, meaning ilang taon na ring nanliligaw si Kris sakin. Bilib din naman ako sa tatag at tiyaga niya. Ganiyan ba talaga siya ka seryoso? Malapit na kami magtapos sa college, uuwi ang papa niya galing states. Si Lexi at Derrick naman, magcecelebrate na ng 4th anniversary nila . Excited na ang lahat for the graduation.

Lexi: Grabe talaga sis. Ang bilis talaga ng panahon ngayon, dati batang gusgusin lang tayo. Ngayon, ga-graduate na tayo. At magtatrabaho.

Joyce: Oo nga eh. Ang tagal niyo na din ni Derrick. Kayo na nga ba ang para sa isa't isa?

Lexi: Oo naman, sure ako noh. Eh, hanggang kailan mo naman paghihintayin si Kris?

Joyce: Huh??

Lexi: Alam ko hindi ka bingi.

Joyce: Sasagutin ko siya sa araw ng graduation natin.

Lexi: Talaga!!!????

Joyce: Shhh!! Ikaw naman. Makasigaw wagas!

Lexi: How exciting.

 Derrick:  Tara guys. Practice na tayo.

After ng practice namin, umuwi na ako agad.

Joyce: Ma? Ma? Hello? May tao ba dito?

Joyce's Mom: Pasensya na anak, naligo pa kasi ako.

Joyce: Ah.. sige magbibihis na ako. Bababa na lang ako, kapag hapunan na.

Hapunan...Habang kumakain.

Joyce's Mom: Anak?

Joyce: Bakit po?

Joyce's Mom: Ah... Kasi.. Tanong ko lang, okay lang ba sayo na magkaroon ng tatay?

Joyce: (choking) Ha? May boyfriend ka na?

Joyce's Mom: The truth is, magpapakasal na kami. I want you to meet your future father tomorrow pag-uwi  niya.

Joyce: Ma??? Ba't ang bilis?Hindi niyo man lang hiningi ang payo ko?

Joyce's Mom: Ikaw naman anak. Kung makapagsermon naman. 

Joyce: Kasi, ikaw kasi eh. Hindi ko pa nga alam kung anong klaseng tao siya, anong klaseng pamilya ang meron siya?

Joyce's Mom: Huwag kang mag-alala anak, mabuti siyang tao. Disente.

Joyce: May magagawa pa ba ako?

Joyce's Mom: Thank you anak! I love you talaga!

Kinabukasan..

Joyce: Ma? 

Joyce's Mom: Bakit?

Joyce: Hindi pa ba sila dadating? Almost 1 hour na tayong naghihintay.

Joyce's Mom: Huwag ka ngang mainip.

After ng ilang minuto. May pumasok sa resto. Teka, mukha silang familiar. Wait, it's..

Joyce: Kris??

Kris: (nagulat) Joyce?? 

Joyce & Kris: (sabay) Ba't ka nandito?

Joyce's Mom: Joyce, anak... Meet your Tito Raymond. You already know his son. Kris.

Joyce: Po???

Kris' Dad: Magkakilala na kami. Nag dinner kaya yan sa bahay, years ago. Ikaw pala ang anak ni Minda? What a small world.

Ewan ko ba. Ano ba 'tong nararamdaman ko. Magiging magkapatid na kami ni Kris? Paano nangyari 'to? Ano kaya ang nararamdaman ni Kris?

Magkatabi kami ni Kris habang kaharap namin ang parents namin.

Kris: (tingin kay Joyce pagkatapos yuyuko)

Joyce: (pabulong) May alam ka ba tungkol dito?

Kris: Wala eh. Ngayon ko lang nalaman. 

Joyce: Ako din. Hay...

Joyce's Mom: Bakit anak?

Joyce: Wala po. Kain na tayo.

Kris: Kailan niyo po balak magpakasal?

Nakita kong nagtinginan lang ang Mama ko at Papa ni Kris.

Kris' Dad: Ah.. Actually, set na ang lahat. Nakapagplano na kami. Next week na siguro.

Joyce: Po??? Ang bilis. Hindi niyo man lang hiningi ang payo ko. (sabay tingin sa mama niya) Ma??

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ngayon ko lang nakita na ganito kasaya ang Mama ko, sisirain ko pa ba?  But it really hurts.

Joyce: (tumayo) excuse me po. Hindi niyo naman po siguro ako masisisi kung magalit ako.  Pakiramdam ko na nabastos ako, bilang anak. Kita na lang po tayo sa bahay. (umalis)

Joyce's Mom: Wait. Joyce.

Kris' Dad: (Pinigilan ang mama ni Joyce) Give her time.

Kris' POV

Hindi ko na natagalan, umalis na din ako. Pagdating ko ng bahay pumunta ako ng kwarto ko. Tumingin sa bintana, nagbabakasakali na sumilip si Joyce. Bigla na lang pumasok si Papa.

Kris' Dad: Can we talk?

Kris: (nod)

Kris' Dad: I'm sorry. Alam ko you like her.

Kris: Sinadya niyo po ba?

Kris' Dad: No.. No.. Hindi. Kaya nga nagso-sorry ako eh.  Hindi ko naman alam, alam ko lang na may anak siya. Hindi ko nga rin alam na magkapitbahay tayo, ang alam ko lang iisa lang ang village na tinitirhan natin. Sana maging masaya na lang kayo sa amin ng tita mo.

Kris: (nod)

Gusto kong maging masaya ang Papa ko. Minsan ko lang siyang makitang masaya. Kaya ko ba isakripisyo ang kaligayahan ko, para sa kaligayahan ng Papa ko? Paano na kami ni Joyce?

Mali Ba Ang Mahalin Kita? (KRISJOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon