" Magandang umaga Mr. Bertoldo "

Hindi ko napansin na dumating na si Mr. Bertoldo dala ang espadang kahoy namin. Binigyan kami ng tig-iisang espada at nagsimula na syang magturo.

" Humanap na kayo ng magiging kasamahan nyo sa pagsasanay sa aking itinuro. " sabi ni Mr. Bertoldo.

Tumayo na kami sa inuupuan namin para mag-aya ng makakasama. Naghanap ako ng makakasama ng may tatlong lalaking humarang sa harap ko. Nagkatinginan silang tatlo samantalang ako ay napaatras.

" Tayong dalawa na lang Allaode " aya ni Nelo sa akin.

" Kahapon ko pa sya inaya na kaming dalawa ang magsasanay " agad na sabi ni Xeriol. Hindi naman nya ako inaya kahapon at higit sa lahat, iba ang pinag-usapan naming dalawa.

" Pwede mo ba akong turuan Allaode? " nakangiti sabi ni Sage sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

Pati ang pagkilos, pagngiti, pananalita at lahat-lahat kay Sage ay gayang-gaya nya. Alam kong patibong lang ito ng cuncilum upang may makuha silang impormasyon sa paligid. Kung ganon ang taktika nila, kailangan kong paalalahanan ang iba ko pang kauri. Kahit sa ganito man lang na paraan ay matulungan ko sila.

" Kayong tatlo anong tinatayo-tayo nyo dyan? " pansin ni Mr. Bertoldo sa amin.

" Aayain ko po na sana si Allaode para magsanay kaming dalawa " saad ni Nelo.

" Mag-isa ka. Ako ang kasamahan nya " hirit naman ni Xeriol samantalang si Sage ay tahimik lamang.

" Ano ba ang meron kay Letavez at gusto nyo syang makasama? " tingin sa akin ni Mr. Bertoldo kaya nahiya naman ako. " Ikaw ba, sino ang gusto mong makasama? " tanong sa akin.

Tumingin sa akin ang tatlo at hinihintay ang sagot ko. Napapikit na lang ako bago ako sumagot.

" Si Sage po " sagot ko.

Napangiti si Sage samantalang 'yung dalawa ay sumimangot. Sa huli sila ang magkasama at ako naman ay si Sage. Pumwesto na kami ng pagsasanayan namin at nagsimula na.

" Maraming salamat " saad nya kaya ngumiti na lang ako.

" Wala 'yon. Halika na magsimula na tayo " aya ko sa kanya kaya tumango sya.

Yumukod ako ng bahagya bilang paggalang at ganon rin naman sya. Hinarap ko na ang espada ko sa kanya gamit ang isang kamay. Mas komportable kasi ako na isa lang ang paghawak ko sa espada. Sya naman ay dalawang kamay ang paghawak nya.

" Gawin natin itong makatotohanan. Ayos lang ba sa'yo? " tanong ko.

" Oo naman! " sagot nya.

Hindi na kami nagbigay ng hudyat sa isa't-isa upang sumugod. Agad nyang nasangga ang espadang kahoy na dapat tatama sa kanya. Hindi ko aakalain na magaling sya sa pakikipaglaban. Mabilis ang mga pagkilos nya.

" Ngayon lang ako nagkaroon ng napakahusay na kalaban na katulad mo " mahinang bulong nito na nagpakilabot ng buong katawan ko kaya mabilis akong lumayo sa kanya.

Hindi ako nagpahalata sa kanya na alam kong hindi sya ang kilala kong Sage. Ngumiti lang ako sa kanya.

" Nambobola ka na naman Sage. " normal kong sagot na ikinatawa nya.

Muli na naman kaming naglaban. Lahat ng tira ko ay nasasangga nya at ganon rin naman ako. Hindi ko nagugustuhan ang paraan ng pakikipaglaban nya sa akin dahil nilalaro nya lang ako. Huminto ako at itinungkod ko ang espadang kahoy sa lapag.

" Alam kong pagsasanay lang ito kaya ayaw mong seryosohin. Naiintindihan kita " saad ko sa kanya.

Medyo halata sa mukha nya ang pagkabigla sa sinabi ko pero agad syang ngumiti. Tiningnan nya ako ng maigi.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Where stories live. Discover now