Chapter 24: Unexpected

Magsimula sa umpisa
                                    

He left early. Kung wala siya sa practice, saan kaya siya nagpunta? 

"Nagtataka nga kami. Malapit na kasi ang game, kaya puspusan na ang practice," sabi nito. 

"Hindi ba siya nagsabi sa coach niyo?" tanong ko. 

"Hindi rin eh. Tinatawagan namin siya, pero di siya makontak," sagot nito. 

I wonder why. Sa akin nga, hindi rin nagpaalam, ni hindi rin siya tumawag. 

"Kumain ka na ba?" tanong nito sabay tingin sa relo niya. 

"Mamaya na lang siguro, aantayin ko na lang si Jess," 

Si Russell pa rin ang nasa isip ko. "See you around." 

Napansin ko nakatitig siya sakin, kaya nailang ako. Nakatitig kasi siya sa leeg ko. 

"Anong nangyari diyan?" sabay turo sa baba ng tenga ko. 

Napahawak ako sa part na tinuro niya. Shet. 

"It's ..allergy ...oo, allergy... nangangati kasi ako... nakamot ko," palusot ko. 

Kumunot ang noo nito. Maya-maya ngumiti ito. 

"Ah okay," yung lang nasabi nito. 

I know he's not convinced. So I hurriedly left. 

Habang naglalakad ako, nag-vibrate ang phone ko. It's Jess. She's waiting at the café. I went back, but I took a different route. I don't want to see Jason again. Nahiya ako bigla. I'm sure alam niya kung ano ang nakita niya sa leeg ko. 

Pagdaan ko sa field, ngayon ko pa lang napansin na nag-aayos na sila sa school. Ilang araw na lang kasi foundation day na. Marami ng mga booths para sa iba't ibang food provider at mga tiangge. 

When I reached the café, I immediately saw Jess.  She was in line at the counter.  

"Haley!" she waved at me and I joined her. Nagutom tuloy ako. 

"Uy may test tayo bukas sa English, pero wala akong copy ng notes. Manghiram ka na lang sa iba mamaya. Wala kasi ako sa mood na makinig kanina," masayang sabi nito. 

Masaya pa siya, wala na nga siyang notes. Ganito siya noon nung may date sila ni Tyler. Masaya kahit na hindi niya nasagutan lahat ng questions sa exam. 

"Ba't ka nga pala absent? Eh mas maaga ka ngang nawala kesa sa amin. Si Russell din, hindi na namin nakita," parang wala naman siyang ibig sabihin nung sinabi niya ito. 

Na-guilty tuloy ako. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila. 

"Sumama kasi yung pakiramdam ko," pagdadahilan ko. 

Tumingin siya sakin. "Pa'no kasi, di ka pa kumakain kagabi, panay na ang inom mo," paalala pa niya. 

Bakit ba, eh tensed ako eh. Baka hindi ako siputin nung mokong na 'yon, nakakahiya. Anyway, dahil nagutom ako, Beef Pot roast ang inorder ko, gusto ko kasing mag-rice. Tapos green mango juice. Mukhang gutom din si Jess. Crispy pata ang inorder niya with Coke. 

"Ang gwapo talga ni Hans, syet!!!" biglang sabi nito habang inaayos namin ang mga food sa mesa. 

Hindi nga pala kami nagkita ni Hans. At tama siya, gwapo talaga ang kuya ko. Kamukha ko yun eh.  

"Ang hot niya! Naka-loose fit siya na white shirt lang tapos jeans. Alam mo yung lahat ng tao naka-formal, tapos nag-iisa lang siya na rugged ang get-up? Tapoos..." tumili ito. "...di ako maka-get over! Ang hot niyang tingnan sa suot niya, bumabakat yung mga muscles niya. Tapos yung buhok niya, magulo, parang bagong gising lang..." at tumili ulit ito nang malakas pa.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon