Chapter 28: Lost Memories; The Truths and the Secrets

Start from the beginning
                                    

Agad ko siyang pinagbuksan ng pinto at pinapasok.

Pumasok ang isang hindi naman katandaang babae at nagsimulang maglinis ng maigi. Sumandal ako sa pader at pinanood siya habang naglilinis at...

"Sir... Ginagamit niyo pa po ba 'to?" Tanong niya habang hawak-hawak ang isang maalikabok na libro. Makapal ito at sigurado akong marami itong pahina.

"Saan niyo po ito nakuha?" Tanong ko rin.

"Sa ilalim ng kama niyo, Sir." Sagot niya, ngunit wala naman along natatandaang inilagay ko ang librong into dito at sigurado naman akong hindi ko iyon pagmamay-ari. Iniabot niya sa akin ang maalikabok na libro. Ipinatong ko muna ito sa ibabaw ng isang lamesa at muling pinagmasdan siyang maglinis.

Hindi inabot ng isang oras bago matapos ang kanyang paglilinis . Nagpasalamat ako tapos ay umalis na rin agad siya.

Naalala ko ang libro. Kanino naman kaya ang librong ito? At paanong napunta ito dito sa dorm ko? Kinuha ko ito at pinunasan muna bago buksan ngunit...





Hindi ko inakala na ganito ang aking makikita.



Nang dahil sa pagtataka at dahil narin siguro sa takot, hindi ko sinasadyang maipatak ang libro.





Napatulala nalang ako sa kawalan.






How's this even possible? E...e...edit lang ba ang litratong ito. I can tell that this is real, pero paano?

Mga litrato ito. Mga litrato namin ni Haize ng magkasama. Mga litrato namin ng magkasama at masaya.

Nakangiti na parang walang pakialam sa mundo, na parang ang tanging iniisip lamang namin ay ang pagsasaya, wala nang iba.

Kelan?

Saan?

Paano?

Iyan ang mga tanong na paikot-ikot sa isip ko. I'm really clueless. Wala akong kaalam-alam tungkol sa mga litratong iyon.

Mas lalo pa akong nacu-curious habang lumalalim ang aking iniisip kaya naman naudyok akong kunin ang libro at ilipat pa ito sa ibang pahina.

Isa itong scrapbook, na naglalaman ng mga litrato namin ni Haize.

Magkatabi...

Magkahawak ang kamay...

At meron ding magkayakap kaming dalawa.

Kinikilabutan ako sa bawat buklat ko ng pahina at sa bawat mga litrato na aking makikita.

Ano ba si Haize sa buhay?

Ano ba si Haize sa nakaraan ko?

"Now you know the Truth." Sambit ng isang tao mula sa aking likuran. Kilalang kilala ang boses na'yon, hinding hindi ako magkakamali. Kanino pa nga ba kundi sa taong kasama ko sa bawat litrato sa scrapbook na ito.

"Tell me, totoo ba ang lahat ng ito? Sino ka ba talaga?!" Tanong ko.

"Haize R. Perez, that's my name and believe it or not, I'm your...

















Fiancé."

Natulala na naman ako sa kawalan ng marinig ko ang salitang iyon. Hindi ko alam. Wala akong ideya kahit kaunti sa mga sinasabi niya.

Battles Of The Gifted OnesWhere stories live. Discover now