Ibubunyag ka ng iyong matang

Sumigigaw ng pag-sinta~~


What if, iiwan nila akong mag-isa nang tuluyan? Talaga bang kakayanin ko? 'Wag kang ganyan, Mika. 'Di mo ba 'to ipaglalaban? Nakahangad na lang ako sa kisame nung inisip ko ang mga sinabi ni Goyo sa 'kin kanina. In fairness, first time kong narinig 'yun from someone. From someone I knew for days. Umiling ako. Hindi. Mika. 


Pero, kahit man 'di talaga siya sincere sa mga sinabi niya, masaya na ako at narinig ko pa 'yun. Hindi ko alam na ganito pala ang feeling pagsinabihan ka ng ganun. 'Yung feeling of appreciation and importance. Ang sarap pala sa pakiramdam. Umiling ulit ako. I cringed sa sarili kong thoughts. Ew. Ew. Ew. Alisin mo 'yan, Mika. 'Wag na 'wag mong paniwalaan ang mga pinagsasabi niya. Playboy siya. For sure, nambobola lang 'yun.


"Dahil ibig kong malaman pa ang buong pagkatao mo, Mika."

"Gusto ko lang makita kung paano mo pinapatakbo ang buhay mo."

"Bakit ang babaw ng tingin mo sa sarili mo, Mika? Bakit ganyan ka mag-isip? Dapat bang matalino ka sa pang-akademikong paraan para mapatunayan mo ang iyong silbi sa lipunan?"

"'Di mo ba ito ipaglalaban?"

"Gusto ko ang pagkatao mo. At utang ko sa 'yo ang buhay ko. Kaya, kahit 'di mo kayang bigyang halaga ang iyong sarili at 'di mo kayang bigyang respeto ang pagkatao mo, ako ang magbibigay nito para sa 'yo."

"Ibig kong pagsilbihan ka, Mika habang ako'y naririto."


Gosh! Ang bigat naman ng sinabi ng mokong na 'yun. Tsk. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagngiti ko. Ngumingiti na pala ako unconsciously. Ang laki ng ngiti - hanggang tenga lang naman. Oh em gee, 'di ko mapigilang huminga nang malalim at napapikit ng aking mga mata. "Goyo, why are you doing this to me?" bulong ko. Bakit nga ba masyado akong affected? 


Napatayo ako. I pressed my chest again. Kailangan ko bang mag-sorry sa sinabi ko kanina? 'Di ko naman sinasadyang -


Biglang may nabasag sa baba. Agad kong binuksan ang pintuan at bumaba sa hagdanan para tignan kung ano ang nangyari. "Goyo, ano ba naman kasi ang ginawa mo-" Napatigil ako nang makita ko ang isang matangkad na lalaki suot-suot na maitim na damit mula ulo hanggang paa. 


At dahil ang dim light na lang ang nakabukas, hindi ko masyadong nakikita kung ano'ng ginagawa niya sa kusina ko. Napaatras ako sa pader na nasa likuran lang ng kusina. Nakasandal lang ako habang sinisilip siya. Nabasag niya ang precious Winnie the Pooh mug ko. Huhu! Paborito ko pa naman 'yun. Tsk. 


Mayroon siyang hinahalungkat sa kusina tapos naglalakad patungo sa sala. Damn it. Gumapang ako patungo sa direksyon kung saan matatagpuan ang main switch ng ilaw sa buong bahay. Habang nakasandal ako sa pader, hinay-hinay kong gumapang sa may likuran niya. At dahil madilim, 'di niya ako basta-basta makikita. Sana. 


Halos pinigilan ko na ang aking paghinga nang papalapit ako nang papalapit sa kanya. Shit. OMG! Dahil madilim na ang sala at naka-dim light 'yung kusina, may advantage ako kasi alam ko ang pasikot-sikot nang bahay - duh, kasi dito ako nakatira - kahit 'di ko nakikita ang paligid, as in pitch black. 


Na-diagnose kasi ako with retinitis pigmentosa, isang inherited disease na kadalasang bumiktima ng tao mula pagkabata. Ako, I was just 10 nung na-diagnose ako. Sabi ng doktor, ito ang main cause bakit 'di ako makakita sa gabi at unti-unti 'tong lalala later on hanggang sa tuluyan na akong mabulag. Sadly, wala itong lunas kahit ipa-surgery ko pa. Kaya nga, todo bantay si Baste sa 'kin kahit 'di siya dito madalas bumibisita. Ironic, noh? Pero, ganun talaga siya ka-busy sa pagmemedisina niya.

30 Days With Mr Weirdo ☑️Where stories live. Discover now