" Mayuki, magpalit tayo ng upuan. Doon ka sa tabi ni Styll " utos ni Xeriol kay Mayuki.

Hindi ko narinig na tumutol si Mayuki at umalis na lamang. Umupo sya sa tabi ni Styll na nakangiting tumingin sa akin. Si Xeriol naman ang syang umupo sa tabi ko kaya naman tumitingin sa akin ang mga kaklase ko. Gusto kong ibaon ang mukha ko sa upuan ko dahil sa hiya.

" Ano bang ginagawa mo? " mahina kong tanong.

" Wala pa naman akong ginagawa. Balak ko pa lamang sanang magbasa " pilosopong sagot nya.

Pinigil ko na lang na mainis sa kanya at inilabas na lamang ang libro ko upang hindi sya mapansin. Ano bang nangyayari kay Xeriol?

-

Natapos ang klase na nanatiling nakabuntot palagi sa akin si Xeriol. Pinagtitinginan na nga kami ngunit parang wala lang sa kanya. Pati si Styll at Mayuki ay tinutukso na kaming dalawa na dinaig pa namin ang magkasintahan.

Dahil sa sinabi nya na 'yon ay namula ako. Kakaiba rin ang pagtibok ng puso ko na biglang bumilis. Nahihibang nga ako dahil gusto ko pang ngumiti dahil sa narinig ko. Mabuti na lamang ay napigilan ko. Nababaliw na ata ako.

" Baka pati sa loob ng tinutuluyan ko ay sumunod ka " sarkastiko kong sabi ng makauwi na ako.

" Pwede rin kung pahihintulutan mo ako " sagot nya kaya sinamaan ko sya ng tingin. " Biro lang. Sige pumasok ka na para makaalis na ako " sabi nya.

Tumango lang ako saka pumasok na sa loob. Inilapag ko kaagad ang bag ko saka umupo sa may kama ko. Pinakawalan ko ang mga paruparo sa aking mga palad. Lumibot sila sa paligid ng aking kwarto.

" Bakit ba ayaw sabihin ni Xeriol ang dahilan ng pagsunod nya sa akin? Dinaig nya pa ang isang nobyo " panimula kong pagkausap ko sa kanila.

Pinamulahan naman ako sa salitang binigkas ko, nobyo. Winaksi ko na lang ang iyon dahil imposibleng maging nobyo ko sya dahil pareho kaming lalaki. Bukod doon, may napili na ang cryptus ko para sa akin.

Napagpasyahan ko ng magbihis ng may kumatok sa pintuan ko. Padabog kong binuksan ang pintuan ngunit hindi ang inaakala ko ang nakatayo sa harapan.

" Sage " banggit ko sa kanyang pangalan. " Paano mo nalaman na... "

" Tinanong ko kay Mayuki. Maaari ba akong tumuloy sa loob? " sagot at tanong nya.

Nahihiya naman ako na paalisin sya kaya pinatuloy ko sya sa loob. Umupo sya sa mahabang upuan kaya ganon rin ang ginawa ko. Kita ko ang pagmasid nya sa kabuuan ng kwarto ko.

" Nagtatakha ka kung sino ba talaga ako? " bigla nitong salita at tumingin sa akin.

" Oo " direkta kong sagot.

" Katulad mo ako " saad nya na hindi ko naman maintindihan ang gusto nyang iparating. " May dalawa akong lahi, Vesta at Azula " sagot nya.

Ikinabigla ko ang isinagot nya sa akin. Parang nakaraang araw lang ay may nakilala akong mga katulad ko sa lihim na lugar nila sa Merkat. Wait lang... Ang ibig sabihin ay sila ang may-ari ng kosmos na pinuntahan ko noong nakaraang araw.

" Nandito ako upang suyuin kang muli na sumali sa aming grupo at ikaw ang mamuno sa amin " saad nya.

Tumayo naman ako. " Ayaw ko. Tahimik na ang buhay ko bilang Vesta " sagot ko sa kanya.

" Ngunit kakalimutan mo na lang ba ang pagiging Lapidoptera? " tanong nya na ikinatahimik ko.

Tinanggap ko na sa sarili ko na dadating ang panahon na mamimili ako sa dalawang dugo na dumadaloy sa aking katawan. Masakit na kakalimutan ko ang pagiging Lapidoptera ko pero kung iyon lang ang tanging paraan para mabuhay ako tulad  ng gusto ng aking mga magulang. Binuwis nila ang buhay nila para sa akin kaya kailangan kong ingatan ito.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Where stories live. Discover now