forty five

345 45 23
                                    

eris

"saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay donghyun pero hindi niya ako sinagot. actually, pangalawang beses ko na tinanong yun pero ayaw parin niya akong sagutin. we're currently heading outside the campus, which is hindi dapat pwede kasi may practice pa kami mamaya.

and, the awkward thing is, he's holding my hand. kanina pa 'to e pagkalabas ko ng classroom, na kinabigla ng buong pagkatao ko. hindi ko alam kung sinadya niya ba o ano pero sana naman bitiwan niya na ako kasi baka mawalan ako ng malay ng wala sa oras. joke.

nakalabas na kami ng campus, at wala parin siyang imik. habang ako dito, tahimik man pero nagwawala na kaluluwa ko. eh kasi di parin niya ako binibitiwan hanggang ngayon e!! sarap batukan ng potaena.

"aray!" at ayun, binatukan ko nga.

"saan ba kasi tayo pupunta?!"

"guess." he said, na mas ikinainis ko naman.

kaysa makipagtalo, i simply rolled my eyes and followed him wherever he goes. pero kasi hawak niya parin kamay ko e!!!

"ehem." i faked a cough which caught his attention. tinuro ko yung kamay niya na nasa kamay ko.

"oh, sorry." at finally, binitawan niya na ako.

pero bakit parang pinagsisisihan ko yun? ew. harot mo eris, ne. magtigil ka please.

ㅆㅆㅆ

after 10 minutes of walking from school, we arrived at a park nearby. dito niya ba gustong pumunta? jusko. ano namang gagawin namin dito.

"here we are." he said with a smile om his face. oh shet, ang pogi gago.

we sat on a bench, pero hindi pa ata umabot ng isang minuto ay tumayo ulit siya. "let's buy ice cream? my treat." he offered. i simply nodded as an answer.

he left. naiwan akong mag-isa kasi walang forever. joke. i toured my sight at god, puro couples andito. ang sweet, nilalanggam na ata ako. habang kami ni donghyun, "idol x fan" nga lang daw kasi. pota.

"chocolate or vanilla?" nabigla na lamang ako nang nasa harap ko na siya na may dalang ice cream. ang bilis.

"vanilla." and he handed me the vanilla flavored one.

umupo siya sa tabi ko, without any space in between. kaya eto, nagwawala si heart. oo, si heart. kausap ko siya ngayon. hinahanap niya si bingo. joke hehe.

kakainin ko na sana yung akin but he suddenly wiped his ice cream on my face. "wow, fan ko panget."

pu...tangina. "gago ka kim donghyun!!!"

he ran, and i chased him. we were like cats and dogs na naghahabulan sa park. tangina ang lagkit ng mukha ko!! he was laughing so hard habang ako naman, parang sasabog na sa inis. bwisit siya!!! 

naabutan ko siya and wiped a bit of my ice cream on his face as well. galing ko talaga.

"you're challenging me, huh." he said while smirking. okay, kamatayan ko na ba. and poof, vice versa. ako naman yung hinahabol.

"lumayo ka sakin!!!" i shouted. gago maabutan na niya ako e!

ayun nga, naabutan niya ako. before he wiped ice cream on my face—again, pinaupo niya muna ako sa damuhan para hindi ako makatakbo agad. aba ang daya!!

i didn't stand up. nanatili lang akong nakaupo na para bang batang nagtatantrums. si donghyun naman, ayun, di ata ako natiis at nilapitan ako. ipapatayo na niya sana ako but i immediately stood and wiped an ice cream on his face. hah. kala mo ikaw lang madaya dito?!

"cheater." he complained.

"you cheated first."

tinigilan na namin ang paghahabulan at nag-ikot ikot na lamang sa park. it was past 4pm, di pa naman ata kami nakapagpaalam kina jaehwan at sewoon. si donghyun kasi!

we stopped by a stall to buy churros. again, it's his treat. "two, please." sabi niya dun sa vendor.

"ang cute niyo! kayo ba?" tanong nung tindera na kinabigla ko. taena ate, shook ako 'don. natawa lang naman si donghyun.

"hala, hindi po." tanggi ko.

bigla namang nag-iba yung expression nung tindera. "ay akala ko pa naman, sayang. bagay kasi kayo." aniya.

hindi na kami sumagot. matapos niyang ibigay samin yung dalawang churros, umalis na din kami agad.

we continued walking. tahimik lang siya but i decided to break his silence by asking him a question na kanina ko pa talagang gustong itanong. "ba't ako sinama mo?"

he stopped walking which made me do the same. "i don't know. my heart and mind wanted me to take you."

ano ba heart, magtigil ka please.

biglang bumuhos ng malakas ang ulan kaya napatakbo kami dun sa tindahan sa malapit. okay bwiset, ba't ngayon pa na wala akong dalang payong?

"may payong ka ba?" tanong niya.

"wala e."

"lagot."

may kinuha siyang jacket sa bag niya at binigay ito sakin. "wear this. may hood 'yan, para di ka masyadong mabasa."

"pano ka?" i asked.

he smiled, "don't worry about me. okay lang ako. hatid na kita sa bus stop."

i wore his jacket at umalis na kami dun sa tindahan. we ran to the nearest bus stop. while running, napatingin ako kay donghyun na basang-basa na ngayon. pag siya nagkasakit, sisisihin ko talaga sarili ko.

we're running together in the rain. and then again, nagwawala na naman si heart.

°°°
ayoko na nga mag-narration tinatamad na ko magtype!!!!! HAHAHAHAHA shet ang lame neto labyu ol dispose me jsy

serenade Where stories live. Discover now