047

2K 148 85
                                    

Mensahero Wjeon
6 mins ago • public

Hello! 'Di ko alam kung kailan 'to mapopost pero okay lang naman. Medyo binabagabag lang ako nung naiisip kong ano. Ang tanga ko kasi eh. HAHAHAHAH Ayoko sanang mag-assume pero 'di ko talaga mapigilan. Alam ko rin naman na hindi ako dapat mag-assume pero hindi ko nga kasi mapigilan.( つ̥︣﹏╰̥̥)

Nanood kasi ako nung performance ng crush ko nitong nakaraang araw lang at may kasama ako. Hindi ko lang alam kung napapansin niya sa sarili niya pero ang sama talaga ng tingin niya samin ni "Oah" nung nakita niya kami. Simula nung nakita niya kami, para bang medyo nadidistract na siya. Ayoko sanang isipin na dahil samin 'yon pero sa tuwing nagkakatinginan kaming dalawa eh parang nawawala siya sa sarili. Kinausap ko nalang si Oah para mapaiwas ako ng tingin at makapagfocus siya kahit papaano sa pagkanta ( nakikinig pa rin ako don sa pagkanta niya ) at ayon nga, hindi sila nanalo. Nagchat agad ako sakanya pagkauwi ko. Tinanong ko kung ayos lang ba siya ganon tapos sabi niya oo raw. Yayayain ko sana siyang kumain sa labas pero bigla akong nahiya at feeling ko rin kasi wala siya sa mood.

At ayon, Kinausap ko nalang muna siya nang kinausap hanggang sa biglang napasok sa usapan namin si Oah. Nung binanggit ko si Oah sakanya, bigla nalang naging masungit 'yung dating ng replies niya. Naisip ko nung mga oras na 'yon na hindi kaya tama 'yung kutob kong nagseselos siya? HAHAHAHAHAH OO ASSUMING NA KUNG ASSUMING WAPAKELS •̀ᴗ•́

Medyo umayos naman 'yung pag-uusap namin non kasi may chat akong aksidenteng naisend kahit wala naman talaga akong balak isend 'yon. Tanga nga eh. Hanggang sa may nasabi nalang ako na HINDI KO RIN DAPAT SINABI at binawi ko rin agad-agad. 'Di ko talaga alam kung ano bang sumagi sa isip ko at sinabi ko 'yon. Para bang gusto ko lang makakuha ng reaksyon sakanya.

Nasabi ko na "Kay Oah na 'ko uuwi" at 'yon nga binawi ko rin naman agad. Bigla ko rin kasing naisip na paano kung isipin niya na hindi ako seryoso sakanya. Alam na niya kasi na may gusto ako sakanya eh. Alam ko naman na hindi dapat ako maghangad ng crush back pero kasi ewan. Kaya ko nasabi 'yon kasi gusto ko nga makakuha ng reaksyon mula sakanya pero ang reply niya lang ay "sige sige HAHAHA" at nagmukha lang akong timang. HAHAHAHAHAHA PERO AYOS LANG NAMAN.

Hindi ko alam kung anong punto nitong entry kong 'to pero gusto ko lang i-share. Hahaha.

[] Paano ba malalaman kung gusto ka rin ng isang tao?
- KM.
---
[] Kausapin mo siya nang maayos. Malay mo nahihiya lang siyang sabihin sayong gusto ka rin niya. Hahahaha

──────────────────────────
456 likes | 57 comments | 18 shares
──────────────────────────

comments

Dimina Hall
Wala raw ngayong buwan pero napost entry ni KM
↪️ Lanjoo Wa
SABI SAINYO E FAVORITE 'YAN NI WJEON
↪️ Dinama Hall
Dimina Hall comment comment ka pa dyan 'di mo pa nahuhugasan mga plato yari ka kay mama siraulo ka
↪️ Dimina Hall
Dinama Hall tangina mo epal
↪️ King Aenamo
ONLINE RAMBULAN LEZGAW

Finna U. Baya
KAHIT AKO MAG-AASSUME KAPAG GANYAN.
↪️ Lana Feira
Sa true lang.

Lmao Magalona
Kausapin mo repa
↪️ Lmfaolo Avelino
Tas 'di pala siya gusto ano awheat
↪️ Lmao Magalona
NGINA MO LMFAOLO NEGA AMP LUMAYAS KA NGA DITO

Yoon Jeonghan
Nawa'y lahat may nagseselos na crush
↪️ Lee Chi
Gusto mo ba
↪️ Yoon Jeonghan
Ayoko

Lee Tzugaz
Kausapin mo siya pero 'di sa puntong parang pinipilit mong i-crush back ka niya. Kung gusto mong itanong kung may feelings din ba siya sayo kahit konti, dapat handa ka sa isasagot niya. Di dapat tayo naghahangad HAHAHAHA. KUSA KASING BINIBIGAY SATIN 'YAN ANO KA BA KALOKA KA CHZ HAHAHA
↪️ Ya Hwa
LEE TZUGAZ 4 PRESIDENT

view more comments

CONFESSIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon