029

2K 155 38
                                    

Mensahero Wjeon
3 mins ago • public

May laro kami kanina ng basketball. Na-excite ako kasi nabanggit sakin ng isa kong tropa na nakikita nila 'yung crush ko dati na nanonood ng mga laban namin ( 'Di ko pa siya kilala nyan ) kaya kanina tinanong ko siya kung makakanood ba siya tapos sabi niya hindi kasi marami raw siyang ginagawa. Okay lang naman sakin ( sa totoo lang ) kasi natural lang na unahin yung mga kailangang gawin talaga. Pero hindi ko maiwasang 'di malungkot e.

Buong game eh tingin ako nang tingin sa bleachers kasi baka mamaya nandoon pala siya, nanonood. Pero ayon, natapos ang game nang hindi ko siya nakita. 'Di talaga siya nakapanood dahil busy siya.

Alam kong ang babaw pero nawalan talaga ako ng gana maglaro. Gustong-gusto ko siya makita kanina kahit na sandali lang. 'Di ko naman masabi sakanya na gusto ko siyang makita kahit saglit lang kasi ayaw ko talaga siya istorbohin. Ako na nga 'tong nagkakacrush sakanya tas ako pa 'tong nag-iinarte amp. HAHAHAHAHAHAHA

Gagalingan ko nalang bukas hehe. Hindi ko alam kung mababasa mo 'to pero pahinga ka kapag tapos ka na sa mga ginagawa mo! Labyu.

[] Sa tingin mo ba manonood siya bukas?
- KM.

----
[] Siguro.

──────────────────────────
209 likes | 16 comments | 8 shares
──────────────────────────

CONFESSIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon