“Hindi ko po kayo gets. Ano pong first time in history? Wala naman po akong ginawang napaka-productive ah.”

 

 

“Pinapabalik po ang mga SC officers para maglinis ng isang beses sa isang buwan. Kailangan po yun kasi hindi naman sila araw-araw naglilinis kagaya ng ibang estudyante at saka sila naman din ang gumagamit ng room na ito. Kaso ang mga laki sa sarap na buhay na yan, hindi man lang bumabalik sa mga ganitong araw. Kaya sa amin ulit nauuwi yung ganitong trabaho! Nakakapagod lang!” Napatakip ng bibig niya yung janitress pagkatapos niyang sabihin sa akin yan. Nagulat siguro sa mga salitang sinabi niya. Pero sabagay, hindi nga tama inaasta nung mga kasama kong ito sa council.

“Hahaha! Di bale Ate, atin atin lang yang mga sinabi mo. Sige na po, ako na lang pong mag-isa ang maglilinis dito.”

 

 

“Sigurado ka po ba Miss? Kayang-kaya mong linisin itong room na ito?”

 

 

“Oo naman po Ate, ako kaya si Wonderwoman! Haha!”  

 

 

“Thank you! Thank you talaga Miss! Isa kang anghel na nahulog mula sa langit!” Lumayas na si Ate sa loob ng Council Room. Magsisimula na sana akong maglinis na nag pop-out sa utak ko na kaya pala ganun ang inaasta ni Ella. Hindi ko alam kung totoo na may date siya o ayaw lang talaga niyang maglinis. Yun pala ang silbi ng goodluck na sinasabi niya!

Si Alexa naman, wala sa itsura niya ang gustong madikitan ng kahit anong alikabok. Si Nash at Jairus pwedeng-pwede  na tumakas sa ganitong gawain kasi apo sila nung Director. Pero ang tanong, nasaan yung ibang kasama namin sa council?! Hindi pwede ‘to! Hinding-hindi!

Kinuha ko yung cellphone ko at tatawagan ko si Nash. Hindi pwedeng pinapayagan niya na hindi umattend sa ganitong cleaning session yung mga kasama namin ah! Job niya yun as a King! Ini-scroll ko ng ini-scroll yung contacts ko para hanapin si yung pangalan ni Nash ng maalala ko na nagpalit na nga pala ako ng number simula nung nag-break kami.

Hmmm. Kabisado ko pa naman yung dating number ng lalaking yon. Baka naman hindi siya nagpalit ng number kasi ako lang yata ang sobrang affected that time. Mai-dial na nga!

Calling 0915xxxxxxx…

Nagri-ring naman at mukhang hindi pa siya nagpapalit ng number niya. And yes! Sinagot na yung tawag ko.

“Hello! Sino ba ‘to?” Boses na boses nga ni Nash. Good thing at naaalala ko pa yung number ni Nash. Ay mali, hindi ko naman kasi nakalimutan yun eh!

Magical Downfall. (NashLene & JaiLene)Where stories live. Discover now