“Kasi nagpapabasa ka rin eh. Uso ata ‘yan dito. Kanina, nakita ko rin ‘yung girl with curly hair, the one I met in front of your school, she’s soaking wet too. Eto na ba ang trending sa Pinas, babe?” tumingin pa sa’kin si Baby habang pangiti-ngiti. Hindi naman ako sumagot dahil wala ako sa mood.

Tahimik lang akong naglakad. Saka ko lang na-realiza, sinundan mo pala ako? At kung sinundan mo ako, ibig sabihin lang nu’n eh nakita mong yinakap ako ni Baby? Lagot!

Bigla akong kinabahan, halos gustuhin kong bumalik sa kinalalagyan mo. Hindi mo dapat ‘yun nakita. Baka mainis ka, baka magselo—teka nga! Bakit ko ba iniisip na magseselos ka? Wala na dapat akong pakialam eh. Hindi ko kailangang mag-explain. Hindi naman tayo di’ba? Wala naman tayong relasyon kaya wala akong kailangang gawin. Wala nga, takte naman. Nagui-guilty pa din ako. Takte ka! Letse ka! Fushang malambot ka!

Nagpatuloy na lang akong maglakad kasama si Baby at nang maihatid ko na siya sa apartment ng Tita niya eh umuwi na rin ako sa bahay. Aba, kahit hindi ko na siya type, gentleman pa din naman ako ano!

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong dumiretso sa lungga ko (kwarto). Narinig ko pa nga ang dada ni Nanay tungkol sa pagkabasa ko pero hindi ko na pinakinggan pa, ang sakit kasi sa tenga. Isa lang naman ang nasa isip ko ngayon, itutulog ko na lang ‘to. Itutulog ko na lang ‘tong sakit na ‘to.

Baka bukas, wala na ‘to. Baka bukas, ‘di na ko masasaktan. Baka bukas, ‘di na rin kita mahal.

“Alam mo ‘tol, ang adik mo lang din eh. Sinasabi mong wala kang pakialam sa kanya tapos pasimple ka naman kung mang-ninja moves d’yan!” sigaw ni Paolo. Inirapan ko lang s’ya.

“Huh? Anong pinagsasasabi mong Ninja moves? Eh wala naman akong ginagawa ah?” pagmamaang-maangan ko. Lumapit naman si Tall Nut at kinatok ang ulo ko.

“Wala ba? Eh bakit parang kanina pa natin siya sinusundan?” ngumuso pa itong si Tall Nut na parang ‘yung mga baklang Koreano na sikat sa mga K-poppers at diretsong tumingin sa’yo. Napakamot na lang ako sa ulo gaya ng nakasanayan ko.

“Oh? And’yan pala si Juniper? Bakit mo siya tinuturo?” sagot ko.

“Tol naman, laos na ‘yang palusot mo. Ebri segundo, tumitingin ka kaya sa kanya tapos ngayon, magkukunwari kang ngayon mo lang siya nakita? Tol, nasaan ang utak mo, nasa nunal mo ba?” patawa-tawang tanong ni Jan. Minsan talaga, kahit baliw siya, nagi-isip din pala ano?

“Ano? Hindi ko siya sinusundan, coincidence lang ‘yan. Asa naman kayo! Aba! Ayaw ko na kaya sa babaeng ‘yan!” tumingin ako sa kabilang banda para maiwasan kong makita ka. Pero nagsimulang humagalpak ang buong barkada. Bakit kaya?

“Tol, si Juniper. Papalapit na!” sigaw ng isa sa mga mokong.

“Nasaan?” agad akong humarap sa kanila at tumambad sa’kin ang mga baliw at nakatawang mga mukha nila. Hinanap rin kita kung papalapit ka na pero hindi naman, nakaupo ka lang kasama si Tekla, ilang metro ang layo sa kinauupuan namin. Tuwang-tuwa ka pa nga habang kausap ang babaeng bakla.

“Malala na si Andrew. Kawawa naman ang kaibigan natin,” umakto pang nahihirapan itong si Jan. Bigla namang lumapit si Paolo at inilapat ang kamay niya sa noo ko.

“Tol, wala ka namang sakit. Wala ka namang lagnat pero ba’t ganyan ka na? Excessive ka na, hala ka! Manic depression na ‘yan!” niyamukos niya ang ulo niya at pinaypayan ang sarili gamit ang dalawang kamay. Porke ba Psychology student siya eh alam niya na lahat? Adik ‘to eh. Ang hirap din kung may kaibigan kang Psychology Major. Bukod sa madali lang nilang mabasa ang mga nasa isip mo, ang psychotic lang din nilang umakto.

KuyaWhere stories live. Discover now