Prologue

155 4 5
                                    

Shin Anne's POV

"Apo!!! Gumising ka na!! Male-late ka na!!" sigaw ni lola mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Malakas pa lola ko. Kaya nya pang sumaway ng harlem shake hahaha lol. Narinig ko na unting unti bumukas yung pinto.

"Apo, gising na."

"A....a...nong o..ras na?" sabay hikab ko.

"Alas otso pasok mo diba? Alas sais na"

"Sandali na lang po. Lalabas rin po ako."

"Bahala ka. Magagalit yung mama mo. Parang machine gun pa naman yung bunganga ng mama mo." sabay labas ng kwarto si lola.

"I...love...you....Blake...sana...tayo...na---" biglang naputol yung sasabihin ko nung biglang kumalabog yung pintuan ng kwarto ko. Lagot si mother. Parang dragon ang mukha nya. Umuusok yung ilong.

"SHIIIIIIN!!!!!! GUMIIIISIIIINGGGG KAAAANAAAA!!!! LAAAAAATE KAAAAANAAAAA!!! BUUUUMAAAANGOOONNN KAAAAAAANAAAAA!!!!!" sigaw sa akin ni mama. Parang nagkaroon ng 'The Big One' kanina sa kwarto ko. Nagtakip ako ng tenga ko sa sobrang lakas ng sigaw ni mama.

"Opo! Tatayo na po!" sagot ko sabay kusot ng mata. Lumabas na ng kwarto si mama at ako. Badtrip talaga 'tong si mama. Nananaginip pa ako eh. Nang kumakain na kaming tatlo nila mama at lola, biglang nagtanong si mama.

"Kailan nga pala graduation mo?"

"Mama, first day palang ngayon ng pasukan tapos tinatanong nyo na kung kailan graduation ko." sagot ko.

"Nagtatanong lang. Last year mo na pala ngayon sa school na yon noh." sabi nya sabay subo ng pagkain.

"Opo. Tsaka matatapos na rin ang hirap ko dun." sabay inom ko ng tubig.

"Apo, may binili ang mama mo ng mga pampakinis ng mukha. Baka gusto mong i-try?" ani ni lola.

"Huwag na po, la. Baka lalo pa kong gumanda." sabay dahan dahan kong hinaplos ang mukha ko.

"Anak, maligo ka na! Baka malate ka pa." sabay tayo ni mama at tinulak ako papasok sa banyo. Si mama talaga oh. Sabi nya maganda daw ako. Tss

•••••

Isang oras akong nasa banyo para naman maging mabango pa ako lalo. Eh alas syete palang eh! Anong gagawin ko dun? Tutunganga? Tiningnan ko sarili ko sa salamin. Totoo nga sinasabi ng mga kaklase ko. P.A.N.G.I.T ako.

"Mamimiss ko ang uniform na 'to. Ang ganda pero mas maganda ako." sabay suklay ko sa buhok ko. Bakit ganun? Kapag sa mga artista o kaya sa mga kaklase ko, ang dali nilang suklayan buhok nila. Eh ako halos kulang kulang na ngipin ng suklay ko. Kinuha ko na ang bag at cellphone ko sabay labas ng pinto. Pagbaba ko ng hagdan, nag-uusap sina mama at lola

"Ma! Lola! Alis na po ako!"

"Mag-ingat ka, nak." sabay yakap sa akin.

"Ma! Wag mo naman akong ituring na parang bata. Ew." ani ko. "Sige na po. Babush!" at sinimulan ko ng maglakad papuntang school.

••••

"Ma....ma...malapit na!! Isang hakbang na....lang!!! NASA SCHOOL NA AKO WOOAAAHHH!!!" sigaw ko ng pagkalakas-lakas sabay taas ng dalawa kong braso na akala mo na nanalo sa lotto. Tinitignan ako ng mga estudyante. Nagbubulungan sila. Mga B.A.L.I.W!!

"Well. Nandito na pala ang nerd." nandito sa harapan ko si Wendy. Kasama nya ang dalawang alepores. Sya yung kapit-tuko kay Blake.

"Hm. Bakit? Nakakasira ba ng araw mo?" sabay pamewang ko at taas kilay.

The NERDY GIRL turns into a BAD BOY (ON-GOING)Where stories live. Discover now