Chapter Eighteen: Silent Ensemble

730 19 0
                                    

--- Erwin's POV ---

"Magaling talaga ang mga batang iyon. At dahil diyan, mailalabas narin natin na tayo ang isa sa mga pinaka makapangyarihang grupo sa bansang ito." Sabi ko sa grupo namin na kasama sila Asis, Jass at ang dalawa sa mga gumawa ng misyon, si Patricia at si Ricken.

"Ah, pero sa huli si Kuya Ricken parin ang may pinaka maraming napatay kahit na ang ginamit niya lang ay ang kanyang smartphone!" Ang bilib na sabi ni Patricia habang kumakain ng french fries sa isang sikat na fast food sa aming lugar.

Ah, hindi na pala ako nakatira sa syudad na iyon, pati narin ang grupo ng Shadows. Kahit papano ay mahihirapan ang mga Ala Ravus at ang mga halimaw na iyon sa pag tugis sa amin, habang kami ay patuloy parin namin inaalam ang kanilang kinaroroonan.

"Ah,. simple lang naman ang gagawin mo eh. Tatakutin mo lang sila sa kanilang mga pinag-gagawa sa buhay nila. It's like turning their own words against them. Black mail kung baga." Ang sabi lang ni Ricken na nagpapaliwanag kay Patricia na parang bilib na bilib naman si sinabi.

Pero, napaka delikado ng taong ito, mabuti nalang at sa amin siya napunta. Magaling din ang nagawa ni Ken na makakuha ng mga ganitong, bata. Hindi ko alam na may ganito sa bansang ito. Pero mkung sabagay, kung ako at si Ken ay may "affinity" na sa pagiging assassin ay nalaman namin sa murang edad, sigurado ako na may iba din.

Kung si Ricken ay kumikilos gamit ang utak, si Patricia naman ay kumikilos na parang hayop. Kung magbibigay ako ng isang hayop, isa siyang Ocelot. Maliit, pero napaka liksi gumalaw. Iba din ang taglay na lakas ni Patricia. Isa nga siya sa mga pusa ng mga tao.

"And the humans are in a panic." Sabi ni Asis na parang natutuwa sa mga nangyayari.

"And we managed to get enough money to keep on living in luxury!" Sabay tawa ni Jass na parang talagang gusto ang mga nangyayayri.

"And it's thanks to this two assassin here!" Sabi ko naman na nakaturo sa dalawa na kumakain parin at parang wala lang sa kanila.

"Ate Asis, Ano ba kayo ni Ate Jass, sa nakikita ko, hindi layo normal na tao." Napatigil si Ricken sa tanung na ito mula sa parang isang innocente na bata. Bigla din ako napatigil at napatitig sa dalawa. Si Jass ay tuloy parin sa pag kain habang nakatingin kay Asis na parang hindi inaasahan ang tanung na iyon.

"Kami ni Jass ay hindi orihinal na mula dito sa mundo na ito." Sabi niya. Ano? Ang ibig sabihin ba ay hindi silang tao? At nagpatuloy lang si Asis, "Isipin mo nalang ako. Kung sa mundo na ito, puwede niyo ako tawaging serena. Sa mundo kasi namin, may buntot ako ng mga isda at kulay asul talaga ang aking buhok." Hinawakan niya ang kanyang buhok. "At kaya kong kontrolin ang tubig, at gawing tubig ang aking katawan."

"Pero hindi mo sinasagot ang tanong ko Ate Asis!" Sabi ni Patricia nang matapos si Asis sa kanyang paliwanag.

"Mahirap kasi sabihin ang hindi maintidihan ng tao. Pero sa salita niyo, isa kaming 'halimaw' o di naman kaya, isang 'myth' na parang kathang isip lamang." Sabi niya na sinang-ayunan naman ni Jass.

Halata sa mukha na hindi kuntento si Patricia sa sagot na iyon. Pero yun din ang inaasahan ko kay Asis at kay Jass, hindi sila magbibigay ng kung ano mang impormasyon sa mga tao na tulad namin.

"Ibig sabihin, magiging isang fire salamander si Jass sa mundo ninyo?" Sabi ni Ricken habang may ginagawa siya sa kanyang smartphone. Tumingin lamang si Jass sa kanya ng masama pero hindi na ito nagbigay ng kung ano mang kumento.

"Kayo lang ba ni Jass ang narito sa mundo namin?" Tanung ulit ni Patricia.

"Hindi, narito ang isa sa mga pinaka makapangyarihan na nilalang sa mundo niyo, at kung gugustuhin niya, puwede mawala ang mundo na ito." Pagpapahayag ni Jass sa kanya.

Not Your Ordinary Gangsters - Ravamping + EditingWhere stories live. Discover now