"Opo, masusunod.." Yumakap siya sa'kin.

Niyakap ko rin siya tas inamoy-amoy ko yung buhok niya. "Ingat ka don ha? Text me kahit ano. Basta keep me updated okay? and I'll do the same." Tumango-tango lang siya.

"I'll miss you.. I'll miss hugging you like this. I'll miss being in your arms whenever I have a problem or not.. I'll miss how you comforting me with just a hug.." Feel kong nabasa na yung neck ko. She's crying. Hinahaplos ko lang yung likod niya. "I'll miss our moments together.. I.. I'll just miss you. Please, wait for me and lets talk if we have a problem. Ayoko ng pag may problema tayo then hindi natin paguusapan agad. It'll be complicated kaya kailangan natin pagusapan agad."

"We will.."

Tumingala siya sa'kin. "Mabalitaan ko lang na nangbababae ka.. Nako! Uuwi agad ako para putulan ka ng dila!" Napahalakhak tuloy ako! Ang cute eh hahaha!

"Mag-iingat nalang ako sa pangbababae." Kunwaring bulong ko.

"Try, Louise Jayle Go. Try."

"Joooooke." Tsaka ko siya pinupog ng halik.

--

"Ingat ka don, Hopey ah? Just beep us!" Sabi ni Lau habang nakayakap kay Athena.

Silang dalawa lang ni Gab yung kasama ko dito sa airport paghatid kay Athena. Well, bukod sa family niya na nandito.

"I will! Yung pinababantayan ko sa inyo ha?" Athena. Ano kaya yun?

Tumingin sa'kin si Lau. "Bantay sarado yan, don't worry." They both giggles. Tss! Kahit pa bantayan ako niyan, ikaw yung mahal ko kaya asa silang ipagpalit kita.

Hinila na ni Gab si Lau palabas, iintayin nalang daw nila ko sa kotse. Yumakap naman agad ako kay Athena.

"Yung mga bilin ko ha? Wag pasaway, baby. Kumain ka sa tamang oras. More vegetables and fruits para hindi kita pagbawalan sa mga favorite mong chocolates, okay?" Tumango lang ako. "Sabihin mo na yung gusto mong sabihin, boarding na 'ko.." Malungkot niyang sabi.

Naiiyak na ko.. "I love you.."

Ewan ko ba. Sa dami ng gusto kong sabihin, parang that three words were the right word to say right now.

Narinig ko na agad siyang humikbi. Mas niyakap niya pa 'ko.

"I-I love you.." She said.

Hinarap ko siya sa'kin tsaka matagal na hinalikan. Wala na 'kong pakialam kung maraming nakakakita, or kahit yung family niya.. Mamimiss ko siya.. Sobrang mamimiss ko siya..

"Sige na.. Ingat ka don ha?" Sabi ko tas pinunasan ko yung luha niya.

"Ikaw rin dito. I'll miss you so much.." Hinalikan ko siya sa noo.

"Mahal kita.."

"Mahal din kita.."

Badtrip, ang corny namin! Hahahaha! Natawa din kami parehas tas nagpaalam na rin siya ulit sa family niya tsaka naglakad papasok. Nakatanaw nalang kami sa kanya. She waved her hand tsaka nag mouthing ng I love you tas tumalikod na hanggang nawala na siya sa paningin namin.

Puta.. Tutulo na yata yung luha ko. I shake my head tas nakangiting nagpaalam na sa family niya. Wala na rin dito si Alexine, bumalik na sa London yata. Ewan.

--

"Hello, Ty Group of Companies, Good Afternoon." I said, pagkasagot ko palang sa telephone.

"Bruh! Lunch out daw!" Si Sam pala.

"Ayoko, sayang time."

"Hoy ha! One week ka nang ganyan! Wag kang OA jan kaya tara na!"

Think TwiceWhere stories live. Discover now