Four

238 24 5
                                    

It's been a whole week simula ng lumipat ako dito sa condo ko, a whole week of classes, a whole week of stress. Its finally weekend kaya agad agad kong tinawagan ang kuya ko to ask him what's our weekend plan.

"Yes, Ava?" Agad niyang sagot.

"Are you free? Weekend na." I grin.

"Sorry bunso, may gagawin ako ngayon. But after work puntahan kita jan ha." Nakasimangot siya. Narinig ko naman ang boses ni Papa sa telepono na ikinasaya ko. "Si Ava ba yan?" Tanong niya.

"Let me talk to him." Sabi ko kay kuya.

"Anak." My dad mutters.

"Papa! I miss you so much." I sounded like I might cry.

"I miss you too baby. Anong plan mo sa first weekend mo?" He asked.

"Wala pa nga po eh." Sagot ko.

"Sakto! There's a gym around the corner of your building, nai enroll ka na don ng lolo mo last week pa. Check it." Utos niya.

"A gym?" Nagtataka kong tanong.

"We always want your safety Ava, so your grandpa and I decided to enroll you sa isang self defense class." He explained.

"Oh. Okay." I nod in agreement. I always want to try that too.

"Mag prepare ka na, pumunta ka na dun sa gym then tell them the details okay? Loveyou!"

"Okay Pa. I love you too!" I ended the call.

Agad akong naligo at nag bihis ng pang gym at agad na lumabas para pumunta sa sinasabi nilang gym. Naglakad nalang ako dahil malapit lang naman daw iyon, warm up na din.

Pag dating ko agad kong inasikaso lahat, pati payments at coaches ko, pati yung schedule ko. "Ma'am, 2nd floor po makikita niyo po dun yung room number niyo, nagiintay na din po dun yung coach niyo." Sabi ng babae na nag handle ng details ko.

"Okay, thank you." I smiled at agad na umakyat at hinanap ang sinasabi niyang room. Pag pasok ko dun agad kong nakita ang equipment at na excite sa mga gagawin ko.

"You must be Avanna." Sabi ng isang babae na naglalakad papunta sa akin. Sa build ng katawan niya halatang siya yung coach ko. Ngumiti agad ako sa kanya. "I'm Kaycee, and I will be your coach." Sabi niya.

"Nice to meet you po, just call me Ava." I offered my hand and she shakes it.

"So, let's start?" She grins and I do the same. Lets get started!

Habang nag wawarm up kami hindi namin naiwasan na mag kwentuhan at nalaman kong nasa 20's palang siya. "Tayo lang po ba mag tetrain ngayon?" Tanong ko dahil kami lang ang tao.

"No, may isang trainee pa at coach na dadating, late lang siguro yon." Sabi niya.

Pag tapos namin mag warm up itinuro muna sa akin ang basics na agad ko naman nakuha dahil hindi naman ako baguhan at naitry ko na ding mag boxing dati. Habang tinuturuan ako narinig naming bumukas ang pintuan at napahilamos nalang ako ng mukha nung nakita ko kung sinong pumasok.

"Ricci, late again." Inis na sabi ng coach ko.

"Sorry coach." He grins. Unang beses kong nakita ang mga ngiti niya, marunong naman pala eh.

"Asan na yung coach mo, bakit nauna ka?" Tanong ni Coach Kaycee sa kanya.

"Kayo daw po magtuturo sakin ngayon eh." Sabi ni Ricci.

"Ako? Walang nag inform sakin." Sabi ni coach. "Ay by the way, this is Avanna, bagong trainee ko." Pakilala sa akin ni coach. Tumango lang si Ricci.

"Bihis muna ako coach." Paalam niya at agad na umalis.

"Okay Ava, that's it for today. Basics palang kasi kaya mabilis lang session mo ngayon. Pero next week tatagalan na natin. And kailangan ko din kasing ihandle yung si Ricci ngayon.." She smiled at me.

"Thank you po." Nag paalam na ako at agad na pumunta ng locker room para mag bihis. Pag pasok ko nakita ko agad si Ricci na inaayos ang gamit niya. Magka talikuran kami dahil katapat ko ang locker niya.

"Sinusundan mo ba ko?" Tanong niya.

"What?" Napa kunot agad ako ng noo at hinarap siya. Nakatalikod pa din siya sa akin.

"Kung nasaan ako andun ka eh." Nagkabit balikat siya.

"Wow, who do you think you are para sundan ko?" I snap.

"Chill out." Natawa siya. What's with this guy all smiles today? "Nag tanong lang ako." He turns into me and crossed his arms on his chest. "So Avanna.." He mention my name. Tinaasan ko naman siya ng kilay. He just looked at me, then he smirks and walked away.

What the hell?

Why is he smirking?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VIZARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon