One

448 36 16
                                    

"Maria Avanna!" Rinig kong sigaw ni Mom mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko. "Bumangon ka na anong oras na oh." Kamot ulo akong nag talukbong ng unan para hindi ko siya marinig. "Babangon ka oh ipapasira ko tong pintuan mo sa kuya mo?" She threatened. As if naman na sirain niya yan no! "Keith! Gisingin mo nga tong kapatid mo, lahat excited sa first day of school nila, siya ayan nakahilata pa." Rinig kong sumbong ni Mom kay Kuya.


"Ava bangon na.." Ang malumanay na boses ni Kuya ang narinig ko. "Papasok ako ha?" He says and I heard the door creaking. Ramdam ko ang pag upo niya sa gilid ng kama ko. "Huy, Maria." He teased that causes me to sit up and glare at him. "Oh, ang aga aga nakabusangot yang mukha mo." He chuckles and I huff in annoyance. "Akala ko ba excited kang pumasok, anong nangyari?" Tanong niya.


"Kuya, my school is four hours away from here, I don't wanna leave you guys yet." I pout. I'm 19, at napagdesisyunan ng parents ko na irent nalang ako ng condo malapit sa school ko para hindi hassle na bumyahe ako ng apat na oras araw araw. 2nd year college na dapat ako ngayon kaso mas ginustong kong mag shift ng course from HRM to Psychology so balik 1st year ako.


"Kasama mo naman si Brent dun diba, sa lahat ng classes mag kasama kayo." Sabi niya. si Brent kasama siya sa group of friends ko nung high school and we became close since then. He stopped studying nung umuwi silang states kaya ngayon sabay kaming mag fifirst year college and he's taking the same course as mine.


"Nako, yun si Brent? Pag nakakakita yon ng chiks kakalimutan na ko nun." I rolled my eyes.


"Eh si Donny-" He started and I stopped him.


"Don't." I warned.


"Oh bakit? Diba malapit lang naman si Donny dun sa school na papasukan mo. Si Donny na high school crush turned into manliligaw mo? Yie!" pangaasar niya na ginulo pa ang buhok ko.


"Kuya stop!" Hinampas ko ang kamay niya. Im trying so hard to stop my self from grinning.


"Oh, bakit namumula cheeks mo? Haha!" Kinurot niya ang pisngi ko.


"It's cold.." Dahilan ko.


"Malamig ba talaga? Oh kinikilig ka lang? Haha!" Pangaasar niya pa lalo sa akin.


"Alis na nga! Maliligo na ko!" Hinampas ko siya ng unan kaya agad siyang tumakbo palabas ng kwarto ko.


Pag tapos kong maligo at mag bihis I gathered my things kahit labag sa loob ko. Wala naman sana akong problema na mag aral sa malayo at tumira sa isang condo but the idea of being away with my family pains me. Hindi ako sanay na wala sila Mom and Dad sa tabi ko, hindi ako sanay na wala akong Kuya na kakatukin sa kabilang kwarto kapag naiinis ako sa mundo, hindi ako sanay na wala akong bunsong kapatid na pang gigigilan kapag bad mood ako. Wala din akong problema sa gawaing bahay dahil kahit na lumaki kami sa isang marangyang pamilya ay hindi kami pinalaki na umaasa sa iba, wala sa aming tatlong mag kakapatid ang nag karon ng yaya, kahit ngayon ay kanya kanya kami sa paglalaba ng damit namin, maliban lang sa bunso kasi hindi niya pa kaya.


I grab my backpack and sling bag, eto lang yung dala ko ngayon dahil lahat ng gamit ko nasa condo na nung isang linggo pa. Bumaba ako ng hagdan at sa pag baba ko nakita ko si Dad na nakatingin sa akin, malungkot ang mga mata niya. "Dad please don't look at me like that, baka lalo akong hindi umalis." I pout.

VIZARDМесто, где живут истории. Откройте их для себя