Three

313 32 7
                                    

Natapos ang kalahating araw namin sa school at napasukan namin ni Brent ang apat naming klase, block section kami kaya hindi paiba iba ang mga kaklase ko. Inaya ko si Brent na pumunta at tumambay muna sa condo ko after ng klase namin pero hindi siya pumayag kasi may pupuntahan pa daw siya. So umuwi akong mag isa. Kailangan ko na ata talagang sanayin yung sarili ko na aalis at uuwing mag isa sa loob ng apat na taon.

Pagkauwi ko sa condo ko nag pahinga muna ako at agad na naligo, nag palit ako ng pajamas at sando, kumuha ako ng ice cream sa ref at nag pasya na mag movie marathon nalang. Umpisa palang ng klase ko kaya sinusulit ko na ngayon hanggat marami pa akong oras dahil malamang sa isang linggo sobrang dami ko nang gagawin.

Habang nanonood ako naagaw ng tumutunog kong phone ang aking pansin. Sinagot ko naman agad iyon. "Hello?" I asked.

"Hi, beautiful." Agad akong napangiti ng marinig ang boses niya.

"Hindi ka busy?" Tanong ko.

"Busy, kauuwi ko lang ng school kaya tinawagan kita habang nag papahinga ako." Sabi niya. "Miss mo na ako no?" I can hear him chuckling.

"Oo naman, ang daya mo eh. Sabi mo tutulungan mo kong mag lipat sa unit ko." Tampu-tampuhan kong sabi.

"Sorry Ava, pinatawag kasi ako nun ni Dad sa office. You know I can't say no to that diba." Sabi niya.

"Im just kidding Dons, I understand naman eh." Sabi ko.

"Gusto mo bang pumunta ako jan, para makabawi ako?" He asked and I grin.

"Sure ka?" Halata sa boses ko na na eexcite ako.

"Oo naman, wait lang, maliligo lang ako tapos pupunta ako jan." He says and ended the call.

I quickly stood up and clean every mess my eyes landed to. Nag palit din ako ng t-shirt at nag spray ng pabanggo sa sala ko. Umupo ako at nag pahinga habang inaantay siya.

Nagulantang nalang ako ng may marinig akong nag doorbell kaya agad akong tumayo. Ang laki laki ng mga ngiti ko sa pag bukas ko ng pintuan ko pero agad iyong naglaho dahil hindi si Donny ang nasa harapan ko kundi si Ricci. Naka busangot ang mukha niya sa akin at nasa bulsa ng pantalon nya ang isang kamay niya. He's wearing a plain gray shirt and a tight black jeans.

"Uhm?" I asked slightly bothered by his annoyed expression. Marunong ba tong ngumiti?

"May nag lapag nito sa harap ng pintuan ko, naka lagay pangalan mo." Binigay niya sa akin ang isang box ng pizza. "Don't let it happen again." Inirapan niya ako at umalis.

"How is this my fault?" Inis kong tanong kaya napatigil siya sa paglalakad at humarap ulit sa akin.

"Miss, baka mali yung address na binigay mo sa kung sino man ang nag bigay ng pizza na yan kaya sa akin napunta, of course its your fault." Inis niyang sabi.

"Edi sorry!" Sarkastiko kong sabi. "Bakit ka galit agad? Marunong ka bang ngumiti?!" Hindi ko na naiwasan na mag tanong.

"Hindi." He snaps at pumasok agad sa unit niya, ibinagsak niya ng malakas ang pintuan niya.

Tinignan ko ang pizza box na hawak ko at binasa ang note na nakalagay duon. "Ava, I'm sorry hindi ako makakapunta ngayon, may kailangan akong gawin eh, urgent to. Sorry -Dons." Napasinghap nalang ako at agad na isinara ang pintuan ko, naibagsak ko yun sa sobrang inis. Bakit pa kasi ako umasa na pupunta siya, eh alam ko namang busy yun lagi.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa sofa at tinawagan si Brent. "Oh?" Agad niyang sagot.

"Asan ka?" Tanong ko.

"Woah, what's with the tone? Bad trip?" Tanong niya.

"Asan ka nga?" Tanong ko ulit.

"Nasa condo ko na, bakit?" Tanong niya.

"Pupunta ako may dala akong pizza and ice cream." Sabi ko.

"Ngayon na? Ava masama pakiramdam ko eh, naulanan ako kanina." Sabi niya. Totoo naman yun kasi kanina palang sa school matindi na ang sipon niya tapos pag uwi namin naulanan pa siya.

"Edi I'll bring medicines, please Brentyyy?" I plead. "Naiirita ako kay Donny eh." Sabi ko and I heard him sigh.

"Kaya naman pala eh. Sige na punta ka na." He said and ended the call.

Hindi na ako nag bihis at lumabas ako ng condo ko na naka pajama at tshirt lang dala ang pizza, phone at wallet ko, at yung susi ng sasakyan ko. Habang naglalakad ako sa hallway biglang nahulog ang susi ng kotse ko, pupulitin ko na sana ng may biglang pumulot duon at ibinigay sa akin. "Here." Sabi niya. Isang maputi at singkit na lalaki.

"Thank you." I shyly muttered.

"Are you a resident here?" Tanong ng lalaki sa akin.

"Yep, kalilipat ko lang." Sagot ko.

"Ah, kaya pala ngayon lang kita nakita." He nods. "I'm Tyler by the way, Tyler Tio." He introduced himself and offered a hand to me.

"Avanna." I smiled and shakes his hand. Finally a good neighbor! "Asan unit mo?" Tanong ko.

"Ay no, hindi ako dito nakatira pinuntahan ko lang yung friend ko dito." He smiley answered.

"Ahh ok." Im a little disappointed. Sayang, ang cute- este ang bait niya pa naman.

Biglang bumukas ang pintuan ni Ricci sa likod namin at agad na tumingin sa amin ni Tyler. "Wag mong sabihin na siya yung friend mo." I whispered.

Natawa siya at tumingin sa akin. "Yes, he's the friend Im talking about. Is he giving you a hard time too?" Tanong niya.

"Tyler, ano, jan ka nalang? Dalian mo marami pa tayong gagawin." Ricci, as rude as he is interrupted us.

"Ganyan ba talaga yan lagi? Galit sa mundo?" Kunot noo kong tanong.

"Wag mo nalang pansinin." He chuckles.

"Tangina, ang bagal." Pagmumura ni Ricci at agad na binagsak ang pintuan niya.

"I should go, nice meeting you Avanna." He smiled at me.

"You too." I smiled back and walk away.

"Cci!" Rinig kong katok ni Tyler sa pintuan habang nag aantay ako sa pag bukas ng elevator.

"Dali! Puro ka kagaguhan ang dami pa nating gagawin." Galit na sabi ni Ricci at narinig ko na naman ang pag bagsak ng pintuan niya. Hands down sa pintuan niyang buo pa rin hanggang ngayon, ang tibay mo!

VIZARDWhere stories live. Discover now