Two

262 33 11
                                    

Minuto lang ang kinain ng oras papunta sa school ko, the only positive thing I got from being away with my family. Dali dali akong pumunta sa locker ko at inilagay duon ang iba kong gamit.

"Maria Avanna Serrano.." Sambit ng isang lalaki sa gilid ko.

Agad kong sinara ang locker ko at bumulaga sa akin ang mukha niya. "Brent." I grin.

"Tara na? For sure ayaw mong ma-late sa first class mo, miss goody goody." Pangaasar niya.

"Stop calling me that, last na naging goody goody ako 1st year high school tayo, college na tayo ngayon oh mag move on ka nga." I bicker.

"Kahit na, goody goody ka pa din." Pangaasar niya pa lalo.

"Hey! Na drop out ako ng CAT nung 3rd year and mas marami demerits ko sayo no." I defend.

"Malamang mas marami demerits mo sakin, officer kaya ako nun." Binatukan niya ako.

"Still, I've been a badass for once." I shrug.

"Bad lang, wala kang ass." Bulong niya sa akin kaya kinurot ko ang ilong niya. "Aw! My oh so precious nose!" Pag hawak niya sa ilong niya.

"Anong precious jan? Your nose is nothing but a huge disgrace." Pangaasar mo.

"Wala namang personalan, grabe ka naman sakin." He glared at me kaya natawa ako.

Nang makarating kami sa room namin inaya ko si Brent na maupo sa unahan. "Unahan talaga ano?" Umiling siya.

"First week dapat nasa unahan tayo para makilala tayo ng profs, sa susunod na linggo pwede na tayo sa back row." I explained.

"Wow, smarty." Pag tawa niya.

"Kamusta nga pala unit mo? May tambayan bang maganda don?" Tanong niya.

"Oo, sa patio." Sagot ko. "Pero ugh! I have a rude neighbor, like sobrang rude niya talaga wala siyang modo." I groan in annoyance.

"Bakit? Ano na namang ginawa sayo?" Tanong niya.

"He knocked on my door and told me to keep the noise down and dude Im not even making a noise, natutulog kaya ako nun." Pagmamaktol ko.

"Baka naman badtrip lang yung tao, tapos nakita ka pa niya eh di lalong nasira araw niya. Tsk tsk!" Pangaasar niya kaya hinampas ko ulit siya. "Si Donny boy kamusta?" He is wiggling his eyebrows at me.

"Nag good morning text tapos wala na, as usual, busy." I shrug pretending to act normal.

"Ay may iba na yon dude, alam ko yang mga ganyan, ganyan ako eh." Ay wow kapal mukha!

"Wag ka nga! Busy lang talaga yon, and matindi yung pressure sa kanya ngayon for sure." I defend Donny as always.

"Ikaw kasi eh haharot ka nalang sa taga pagmana pa, ayan tuloy walang oras sayo." Pag iling niya.

"Magkasama naman kami every weekends eh." Sabi ko.

"Weekends lang siya sayo! Hahahaha!" Pangaasar niya na pinandilatan ko.

Natigil ang kwentuhan at asaran namin ni Brent ng may pumasok sa professor, babae siya at nasa middle 50's ang age. "Good afternoon." Pag bati niya. "I am Mrs. Amahan and I will be your professor in Human Behaviors." She explained and we nod. "Now, I have rules. Number one is ayaw na ayaw kong may na le-late sa klase ko--" Natigil siya ng may pumasok na lalaki sa room namin. "Kasasabi ko lang Mr. Rivero!" She yelled.

"Shit." I cursed to myself.

"Sorry ma'am, traffic eh." Nag kabit balikat siya.

"Gasgas na yang dahilan mo." Mrs. Amahan glared at him.

"And so?" Tinaasan niya ng kilay ang prof. Wow, talking back to a professor? Good luck!

"And so kaya kitang ibagsak ulit Mr. Rivero." She threatened him.

"We both know that you can't Mrs. Amahan." He smirks and plays with his lip ring.

"Watch it Ricci." She warned. "Go take a seat." Utos niya. Umupo si Ricci sa likod ng upuan ko dahil yun nalang ang bakante.

"Brent." Hinatak ko si Brent papunta sa akin. "Siya yung sinasabi ko sayong rude na neighbor ko." Bulong ko sa kanya.

"Talaga? Rude nga." Pagtawa niya.

Minutes passed at hindi ako makapag focus sa sinasabi ng prof ko dahil ang ingay ng lalaki sa likod ko, pinaglalaruan niya yung ballpen niya kanina pa. Hinarap ko siya. "Mister, can you please stop playing with your pen? I cant focus." I asked.

"So? Ako mag aadjust?" He snaps.

"Alangan namang ako? Ako ba nag iingay?" Pag irap ko sa kanya.

Gulat ko ng iusog niya ang upuan niya papalapit sa akin at bumulong. "Next time na pag uusapan niyo ako ng kaibigan mo ilakas niyo para naririnig ko. And please, aware akong rude ako. Wala na bang iba?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Lumayo ka sakin, wag kang feeling close." Inirapan ko siya.

"Said the girl who was knocking on my door two hours ago asking for my name." Ngumisi siya sa akin at gustong gusto kong hilahin yung lip ring niya para mapunit yung labi niya. Ugh! Bwisit!

VIZARDWhere stories live. Discover now