Ikaanim na Kabanata

55 2 0
                                    

Ikaanim na Kabanata

Mercy

"Kuya, may importanteng bagay kasi nawala tong si Mercy, kaya pwedeng pacheck lang ng cctv?"

Nandito kami ngayon sa cctv room. Naisipan kong sumunod muna kay Kian. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Ngayon lang ako nakakita ng patay na tao.

"Please kuya?" Sambit ko.

"Hay nako! Kakulit niyong bata. Sige na nga! Kayo muna dyan, basta wala kayong gagalawing iba ah? Magkakape muna ako sa canteen." Tumango si Kian saka ngumiti. "Syempre kuya!" Pagkalabas nung naghahandle sa cctv, ay nawala din ang ngiti sa labi ni Kian. Bumalik na naman ang kanyang infamous poker face.

"Anong tinatawa mo dyan?" Umiling na lang ako saka ngumisi. Nakita kong pinindot niya yung isang clip na pinapakita ang labas ng pinto ng Dean's office. Tinignan niya yung clip nung 8 o'clock.

Sa oras na yun, labas pasok ang estudyante, guro, o kung sino man sa office ng Dean. Wala naman mukhang kahinahinala.

Tahimik lang kami nanonood at sa bandang 9 o'clock, isang babae na mukhang teacher ang nagsabit ng sign na "Do Not Disturb." Pagkatapos ay naglakad ulit siya papalayo.

Tinigil ni Kian ang vid saka inobserbahan. Pagkatapos ay muli niyang tinuloy ang panonood. Sa bandang 9:08 ay may lumabas na lalakeng guro. Pagkatapos, sa may bandang 9:13 ay may kumatok na lalakeng estudyante. Pumasok siya ng panandalian at lumabas ulit ng mga 9:20. Hindi ko malaman kung san ko sya nakita, pero familiar ang kanyang mukha.

Pagdating ng 9:30 ay nakita namin sarili namin na pumasok sa room.

"Walang cctv sa loob ng office kaya di natin malalaman sino ang nagtimpla ng kape. Pero sapat na to."

"We have three suspects." Lumingon sakin si Kian saka naghalukipkip na naman. "The female and male teacher, and the male student. Who do you think is the killer?"

Napakamot ako sa baba at saka nag-isip. "Nung una akala ko yung female teacher. Because she was the one who put up the "Do Not Disturb" sign. Siguro para walang pumasok sa loob. Pero hindi nagmamatch ang paa niya sa footprint considering na nakasuot siya ng heels. At saka baka inutusan lang din siya." Tumango naman si Kian.

"I think it's the male teacher." Tuloy ko. "He went in before the female teacher saka nagstay dun after a while. Baka inutusan niya yung isang teacher to put up the sign while he talks with the Dean. Also mukhang tugma yung shoe size."

"Nice deduction. You're quite smart. Pero nalimutan mo ata yung male student?"

"Wala naman kahinahinala sa kanya. Besides how could a student do such thing? Mabilisan lang siyang pumasok sa room. Baka akala niya tulog yung Dean?" I narrowed my eyes.

"May nalimutan kang ipoint out. Sa 9:13 at 9:20 na yun maari kang makapatay ng tao. Matangkad yung estudyante, kasing tangkad nung teacher." Nireplay ni Kian yung clip starting from 9:13. "Look at his shoes, may shoelace diba?" Nagfast forward sya to 9:20, nung palabas na yung studyante. "Look at his shoes again. Nagiba na yung style." Napanganga ako sa napanood ko. I glanced at the black shoes na nilagay ko sa plastic na hindi see through. Yun yung nakuha namin kanina sa office at mukhang pareho nga silang model dun sa clip. "Parehas black shoes kaya di mo mahahalata sa unang tingin. He probably didn't make the coffee, pero nalagyan nya ng poison by that time."

"So he's the killer!?" He shrugged. "Maybe, or maybe not. Wala pa tayong kasiguraduhan since di natin nakita. Pero pwede natin sila i-interrogate right now." Tumango na lang ako.

"Nahanap nyo na ba?" Sabay kaming napalingon ni Kian kung saan nanggaling yung boses. "Ah opo tapos na kami kuya." Ani ni Kian.

Lumabas na kami sa cctv room at saka naglakad sa hallway. "Eh pano naman natin malalaman sino yung studyante?" Tanong ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Episodes of Conundrum: CCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon