1

3.3K 49 2
                                    

Imogen's pov

Ngayon ay manonood kami ng Basketball kasama ang pinsan kong si Ally.

Pagdating namin sa court ay may naglalaro na kaya naman umupo kami sa bench na kalapit.

Habang nanonood may isang lalaki na nakaagaw ng pansin ko.Masasabing magaling siya pero ang nahahalata ko ay hindi siya gaanong tumatakbo.

"Ally,sino ba yung Mariano na yun?"tanong ko sa katabi ko na nagcecellphone.

"ha?sino jan?"tanong niya na di man lang inaangat ang ulo.

"ayun kasi, yung 13 yung number"paghawak ko sa ulo niya na pinapatingin sa gawi kung nasaan ang basketbolista.

"ah iyan ba.Si Gian yan,magaling magbasket ball kaso injured yan cousin"sabi niya habang kinakalikot ang cellphone niya.

"huh? bakit,anong nangyare?"tanong ko muli habang pinapanood ang basketbolista.

"ang kwento yung girlfriend niya na ex niya na ngayon ay nakipaghiwalay,kaya dahil sa pagbabasketball nainjure siya at sa tingin ko doon niya nilabas ang mga nararamdaman niya"mahabang paliwanag niya na ikinatango ko.

"bakit?crush mo?"tanong niya muli na ikinagulat ko.Na crush at first sight nga ba ko ?

"h-huh,hindi napansin ko lang kung bakit ganon siya parang walang buhay"pagtanggi ko sa babaeng katabi ko.

"halata ka couz,pero ok lang yan may itsura naman e"muli niyang pang aasar.

Matapos ang laro,sila ang nanalo na ikinatuwa ko.Dahil totoo nga ang sinabi ni Ally,siya ang nakapuntos ng kalahati kahit na hindi gaanong tumatakbo.

Di ko alam pero naramdaman ko na lang na hinihitak ko si Ally at ang paa ko na papalakad ng paunti unti sa basketbolista.

Huminto ako sa harap niya habang siya ay busy sa pagpupunas ng pawis.

"Hi"wika ko na ikinatingin niya.

Ang mga kasamahan niya ay nagsisimula nang magalisan kaya naman ako,si Ally at si Gian ang narito.

Tinaasan nya lang ako ng kilay at saka uminom ng tubig.Bigla akong kinalabit ni Ally na nasa likuran ko binigyan nya ako ng tingin na nagtatanong.

"um,congrats pala sa pagpanalo niyo"nahihiya kong bati.

"ok"nanlaki ang mata ko sa sagot niya.Bakit ako kinakabahan?

Natulala na lang ako sa kanya,siya na nag aayos ng gamit at papalayo na papunta sa kanyang sasakyan.

"ano yon?"tanong ni Ally na nagtataka.

napangiti na lang ako habang paulit ulit na iniisip ang pag uusap namin.

"alam ko yung mga ngiti na yan"wika ni Ally na ikinabalik ko sa wisyo.

"h-huh?"tanong ko sa babaeng malawak ang ngiti.

"sabi ko kilala ko yung mga ngiti na ganyan.Na love at first sight ka no?"tanong niya habang kinikiliti pa ako.

"h-hindi"pagdepensa ko sa sarili ko kahit halata na.

"e bakit ka namumula?"tanong niya habang kami'y naglalakad palabas ng court.

"ako?hindi"muli kong pagdepensa.Ako nga ba'y nalove at first sight o nadala lang ako dahil sa galing niya humawak ng bola?

"asus,nasinungaling pa ang cousin ko na once in a blue moon magkaroon ng crush.17 ka na imo at 20 siya,iyun ang alam ko pero sa tingin ko bagay kayo."sabi niya na ikinangiti ko ng pagkalapad lapad.Magustuhan kaya niya ko kung sakaling mahulog ako?

HealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon