"Anong gusto mo? Breakfast set o snack 1?"

"Huh?"

"Umupo ka na nga lang dyan."
Kita mo tong lalaking to! Ambastos!! Tss.

Kesa naman habulin siya dun sa counter eh umupo nalang ako sa upuan. Langan namang sa mesa di ba? Mula dito ay kitang kita ko ang iilang mga studyanteng naglalakad patungo sa mga building nila. Di kasi talaga sobrang closed tong canteen namin , kaya mula dito sa loob eh makikita mo parin ang mga nasa labas.

Namalayan kong nakabalik na si Joseph dahil umupo na siya sa harapan ko.

"5 minutes pa before darating yung order ko."

"And then?"

"Ang taray mo ngayon ah. Galit ka pa ba?"

"Nag away ba tayo?"

"Hindi. Nag ka lq lang."
Ay pucha!!

Tumawa lang siya sa naging reaksyon ko.

"Anong trip mo huh?"

"Ang seryoso mo kasi."

"Aba'y sino ba namang masasayahan sa ginawa mo eh nanghihila ka lang ng walang pasabi."

"Nagugutom kasi ako, wala akong kasama."

"Ah. Kaya kung sino nalang ang madaanan mo eh hihilahin mo nalang basta basta para may makasama ka?"

"Hindi naman."

"Eh ba't hinila mo ako?"

"Eh ikaw ang gustong makasama ko."

Nabulunan ako sa sarili kong laway.

"Ring ring ringg"

"Josephhh! Yung order mo okay na!"
Tawag ni Krista, Yung grade 10 Section B na naassign sa Canteen ngayon.

Tumayo na si Joseph upang kunin yung order nya. Bumalik syang may daladala ng tray. Ako ay nanatili paring ... nanatili paring maganda. Charot.
Yung totoo eh, na aawkward ako. First time to eh. Sana lang di kami makita ni Jasmine. Naku, for sure, sangkatutak na tukso ang makukuha ko sa babaeng yun.

Napatingin ako kay Joseph ng iniabot niya ang isang sandwich at hot choco sa harapan ko.

"Ano to?"

"Bayad sa presence mo."

"Aba eh kung bayad naman pala to sa presence ko eh kulang to no. Mahal ang segundo ko."

Ngumisi siya sa sinabi ko. Anak ng, iba ata ang nasa utak nito eh.

"Hoy wag ka ngang green."

"Uy, hindi ako ah. Baka ikaw."
Painosenteng sagot niya sabay subo sa pagkain niya.

"Tsaka, kung tutuusin eh dapat quits lang tayo kasi di mo nire-replyan ang mga text ko."

Parang may light bulb na umilaw sa kukute ko sa sinabi nya. Tama pala. Di ko pa pala siya natatanong tungkol sa cellphone ko.

"Eh pano. Yung cellphone ko kasi eh nawawala simula nung itinakas mo ako. Akala ko nga nasa sayo lang, teka ,wala nga ba sayo? Kasi yung last na hawak ko sa cellphone ko eh nung nasa memorial tayo eh."

"Bakit naman ako mag kaka interes sa phone mo eh ang luma na nun."

"Grabe ka. Kahit na luma yun mahalaga yun para sa akin. Kulang ang isang milyon kung ikukumpara sa value Ng phone kung yun, ibinigay kasi yun ni tatay sa akin. Tatlong kambing din yun ano."pasimangot kung tugon sa kanya.

Naahimik kami sandali.

"Huwag kang mag alala, patitignan ko sa caretaker ng memorial." Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko na rin siya.

Natahimik kami ulit kaya kinain ko nalang ang sandwich na binigay niya. Ganun din siya.

"Dude! Nandito kalang pala! Bat mo ako iniwan! Mabuti nalang pinasakay ako ni Isla sa kotse nila!"

Napalingon ako sa nagsalita at di ko inaasahan na makikita ko siya.

Si Mr.Penfell!

"B-bakit ka nandito?" Parang gulat na tanong ni Joseph.

"Ohmyygheee!! Ayieee. Destiny talaga to eh! Haha. Uy Jenny, mukhang may plano talaga kayong mag kita ni Nathan dito eh."

Anong sabi ni Isla? N-Nathan?

"J-Jenny? Hehe. H-Hi Jenny. At last, nagkita na talaga tayo. SA PERSONAL." sabi niya sabay abot ng kamay niya.

So...

Ibig sabihin..

Si Mr. Penfell at Nathan..

Ay iisa??

Goodness!!

-0-

Don't forget to vote and comment. Love lots.

IT STARTED WITH A TEXTWhere stories live. Discover now