"Anong gagawin ko?"

"Oo. Anong gagawin mo?"
"Ano ba dapat ang gawin ko?"

"Aist! Really best? I mean, kakausapin mo ba agad? Eh hu-hug mo? Eh ki-kiss mo- Aray! Bat ka nambabatok?"

"Eh kung ano anong bagay na naman ang pumapasok dyan sa utak mo eh"

"Morning every body!! Ang ingay- oh??? Jasmine at - wow!! Jenny??? Daebak!! Ang aga natin ngayon ah? Excited makita si Nathan ng buhay mo ano?"

"H-hoy Cheryl! Ayan ka na naman eh! " sabi ko sabay abot sa phone ni Jasmine upang eh off ang music .

"Ba't mo pinatay?"

"Ang ingay eh."

"Sinong cleaners ngayon?"

"Ewan, Friday kami ni Jasmine."

Tinatamad ako kaya napagpasyahan kong lumabas nalang muna upang di ako makapaglinis sa loob. For sure kasi eh magmamagandang loob na naman yung si Cheryl na maglinis kahit di niya pa schedule.

Hmm. Saan kaya pwedeng tumambay?

Ay tama. Sa library nalang.

Naglalakad na ako pababa dahil nasa kabilang building ang library ng makasalubong ko si Joseph sa may hagdan.

Yay! Babalik ba ako?

Aish! Para naman akong tanga kung ganyan.

Deadma lang Jenny! Kaya mo yan!

Nasa kaliwang bahagi siya ng hagdan kaya minabuti kong sa may kanang bahagi dumaan.

Deadma Jenny, deadma!

Nagulat ako nang mamalayang sumasabay na siya sa akin pababa.

Baka naman may nakalimutan lang siyang kunin sa baba diba? Coincidence lang yan Jenny kaya dapat deadma ka pa rin.

Pagkababa ko eh lumiko na ako papuntang building ng library ngunit naramdaman ko ang paghila sa akin ni Joseph patungo sa salungat na direksyon.

"J-Joseph? Anong ginagawa mo? May kailangan pa akong puntahan."

Di siya sumagot. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

Ano na naman ba ang problema nito?

Mukhang patungong canteen ang destinasyon namin.

Nakumpirma ko lang ito ng pumasok na kami dito. Maaga pa kaya mga na assigned na students palang ang nandito. Binitawan niya na ang kamay ko at inilapag ang bag niya sa table na nasa harapan namin habang ako ay nakatayo parin at walang ideya kung bakit nandito kami. Of course kakain di ba kasi nasa canteen nga, pero ang point ko is, bakit kasama ako eh hindi ko naman sya sinabihang kakain ako di ba? Kung nagugutom siya eh di kumain siya di yung nanghihila nalang siya ng kung sino-sino para may makasama siya. Tss.

IT STARTED WITH A TEXTWhere stories live. Discover now