Chapter 30: Masquerade ball

97 5 0
                                    

'We'll attend a party' Tumingala ako para salubongin ang mga titig ni Mykos.

'What party?' I asked.

'Sera, kadalasan sa mga kampon ni Hermania ay miyembro ng mga alta sa syudad. They're those who used their wealth to control the people. Aattend tayo sa isang masquerade ball. Kilalanin mo ang makakalaban mo.' Sagot ni Irish na kararating lang at pawisan galing nagjogging.

'Paano kung may makakakilala sakin?' I worriedly asked.

'They wont. You just have to control yourself para hindi ka nila maramdaman and you'll wear a mask.'
Paliwanag ni Mykos.

'Tayong tatlo?'

'No. Just you and me' Napatitig ako kay Mykos pero tumango na din ako.

'Go ahead and pack your things. We have a plane to catch' Bago paman ako makasagot ay umalis na ito sa harapan ko kaya si Irish nalang ang tinanong ko.

'Bakit Irish? Saan ba ang party?'

'In cebu. Kung saan nakatagu ang mga abo ni Hermania' She replied.

Wala na akong maraming tanong at agad na akong nag-empake. It's a 3day trip at hindi ito isang bakasyon dahil sa pangatlong araw nakatakdang maganap ang paghaharap. Handa na ba ako? Kaya ko na ba? Ready or not, wala naman akong pagpipilian. Kailangan kong manalo para sa buong mundo.... at para sa anak ko. Sabay ng paghimas ko saking tiyan ay ang paglakbay ng isipan ko. Si Alexander? Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Kumusta na kaya siya? Maayos ba siya? Tulad ko, naaalala niya pa kaya akoa? O iniisip man lang? Alam kong unfair pero buo na ang isipan ko, itatagu ko ang tungkol sa baby namin. Hindi para sakin kundi para sa kapakanan naming lahat.

'Si Shaia kaya..' I whispered to myself. Kumusta na kaya siya. Siguro ay galit na galit siya sakin ngayon dahil nangako pa naman akong aalagaan ko ang magiging anak niya pero hindi kk naman siya bibiguin. Aalagaan ko mula sa malayo ang magiging baby niya.

Akala ko talaga ay sa regular na flights kami but it turns out that we are riding a private jet owned by Mykos. Nalaman kong he's not just a protector but a wealthy businessman, they owned 5 branches of banks, a shipping line and a few gasoline stations.

'Ready?' Tumango lang ako hanggang sa magtake-off na ang jet. Tanaw ko ang manila mula dito at hindi ko maiwasang hindi maalala si Alexander. Wala na akong narinig mula sa kanya or ang makareceive ng tawag or text. Hinayaan niya na ako sa desisyon ko at dapat lang naman akong maging masaya diba? At least hindi ko na poproblemahin pa ang paglayo sa kanya.. pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa bawat paghinga ko ay ang hapdi ng pag-iwan ko sa kanya. Akala ko matatakasan ko na ang anino ng paglisan ko pero mukhang ako lang yata ang hinahabol nito. Nakamove on na kaya siya? Is he perfectly fine without me? May iba na kaya siya? Nagbalik lang ako sa huwisyo ng magsalita si Mykos.

'We're here' wala akong imik hanggang sa hinatid kami ng SUV sa Radisson hotel para makapagpahinga.
'Magpahinga ka muna, mamaya na ang party.'

'Thank you..' Sagot ko at agad kong isinara ang pinto. Masyado akong napagod para mag-isip pa. 'Baby.. kaya natin to ha? You have to be strong kasi medyo mapapasabak ata tayo nito eh.' Pipikit na sana ako ng biglang bumukas ang bintana at pumasok ang napakalakas na hangin. Napahigpit ang hawak ko sa tiyan ko, habang papalapit ang itinakdang araw ay mas lumalakas sila.

'Sera? Sera?' Sunod sunod na katok ang nagpatigil sa malakas na hangin.

'Mykos?' Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

'Okay ka lang?' Humahangos na tanong nito sakin.

'Oo.. hindi nila ako sasaktan dahil alam nilang kailangan nila ako.'

The magic of Seraffine Viville (COMPLETED)Where stories live. Discover now