CHAPTER 8: DARKNESS RISES

109 3 1
                                    

ALEXANDER'S POV

Kanina pa ako naiinis sa kinikilos ni Janina at mas lalong uminit ang ulo ko ng makita ko ang ginawa niya sa cafeteria.

'What? Well she deserves that? Sino ba siya sa akala niya para isiping pwede siyang maki-buddy2 sakin?' Mataray nitong saad.

'You should have not done that Janina. That's so immature of you' Asik ko sa kanya.

'You have no right to treat me like this.' Padabog itong tumayo at kinuha ang bag sa table ko 'empleyado lang sila and you should pick my side when situations like that happen again' Noon paman ay talagang brat na si Janina pero mas lumala ang kasamaan ng ugali nito ng bumalik galing sa pag-aaral niya ng fashion sa France.

'No one ever dictates me Janina, now leave my office' I stood up ad pointed the door.

'L-look Im so-'

'Now!' She blink twice and I just cant control my anger at her.

'Fine, akala mo kung sino ka' padabog siyang naglakad palabas ng office ko. Matagal ng may gusto sakin si Janina Cartagena, anak sya ng biggest investor ng kompanya namin kaya ganun nalang kung kumilos, akala mo pag-aari niya ang lahat at akala niya pag-aari niya ako. I took my suitcase and went out, sumakit ang ulo ko kay Janina and I think its best if I head home early. Nang bumukas ang elevator ay hindi ko maiwasang mapapitlag, no, my heart skipped a beat, Seraffine you always had this effect on me I thought.

'What are the chances' I could feel myself smirk.

'Of bumping into someone that may ruin my day' dugtong niya and I cant help but admire her even when she's sarcastic.

'Well about kanina, Im sorry. I should have not let Janina did what she did.' I apologize, alam kong mali ang ginawa ni Janina.

'Awweee, about your girlfriend? Why dont you teach her some manners? That is, if you too, have one' she said without looking at me.

'She's not my girlfriend Sera' I said. Ewan ko ba, pero ayokong magkaroon siya ng pagdududa sakin, siguro dahil alam kong we both feels the same way.

'Talaga? Well I just thought that she's a bitch then you're an asshole, you two seems perfect for each other.' she exclaimed and turned to face me then she smiled, a full of sarcasm kind of smile.

'Sera can we-' hindi ko na naituloy dahil ng bumukas ang elevator ay may tatlong babae ang pumasok. They greeted us and we both nodded.

'Ang gwapo ni sir no!' Bulong nung isa. Seriously?

'Oo nga saka maganda rin si Maam sera' I smiled and she glowered at me, akala ko dedma lang siya

'Bagay na bagay sila' tila pa kinikilig ang tatlong babae.

'I could hear you' I commented and they bowed their head.

'Sorry po' Sera took a glimpse in me.

'But thank you, akala ko ako lang ang nakakapansin na bagay kami ni Miss Seraffine' I chuckled and she gave me a 'shut-up-or-ill-kill-you' kind of look.

'Ikaw talaga sir napakapalabiro ninyo. He's just kidding baka machismis pa tayo nito sir' She fake a smile at me and I almost laugh at her pero syempre pinigilan ko dahil ayokong mas magalit pa siya.

'Biro lang, I just want to lighten the mood here' I responded.

'Naku, kayo lang naman ang nagpapabigat sir eh' The three girls stop laughing and I stared at her..in disbelief. 'Joke' Nagpeace sign pa siya 'pasensya na, mejo off kasi ang mga jokes ko these past few days eh' I know she meant that, kakaiba talaga siya. 'Mauna na ako' she said and she waves at the three girls behind us when she left the elevator.

'Ahh sir? Di po kayo lalabas?' Tanong ng isang babae ng palabas na sila.

'Ah oo. Lalabas' I said.

'Ooyyyy si sir nagayuma ata ni Miss Seraffine.' Panunukso ng isa, I just smiled at them, hindi ko na nakita si Seraffine, ang bilis niyang nawala.

3rd person's Pov

Walang nakakaalam na may mga matang nagmamasid lamang sa paligid, Seraffine has no idea that something evil is coming her way.

'Sigurado ako, sigurado akong naramdaman ko kanina ang kapangyarihan ni Lucia' Nanlilisik ang mata niya habang nasa loob ng sekretong tagpuan ng mga dark witch.

'Sigurado ka ba? Kung ganun ay buhay nga ang anak ni Lucia.' Tumayo ang matandang mangkukulam at humarap sa isang malaking salamin. 'Isa lang ang ibig sabihin nito' lumingon siya ulit sa bilog mesa na pinagkukumpulan ng mga nakaitim na hood.

'Malapit na ang pagluha ng buwan ng dugo' sagot ng isang lalaki.

'Kung gayun ay kailangan na nating magmadali, kailangan na nating madakip ang anak ni Lucia, tanging ang kapangyarihan niya lang ang magpapalaya kay Hermania.' Sabat ng isa pang nakaitim na hood.

'Ikaw' turo niya sa nakababatang mangkukulam 'siguradohin mong tama ang hinala mo at hanapin mo siya, may gantimpala ka mula sa dakilang hermania kung madadala mo ang anak ni Lucia dito, kelangang buhay siya'

'Masusunod, wihihihihi' at sabay na nagsitayuan ang mga mangkukulam.

Napasinghap si Seraffine ng magising siya mula sa isang bangungot. Napapalibutan daw siya ng maraming mangkukulam na puro nakaitim at sabay sabay na nagtatawanan, yung tipong literal na tawa ng mga witch. Pawisan siya at sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya, hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. She pulled the switch on her lampshade and took the book from the drawer.

'Mama, naguguluhan parin po ako sa nangyayari sakin. Hindi ko alam kung san ako dadalhin ng pagiging anak ng dakilang witch. Paano ko kakayanin ang mga pagsubok na dala ng kapangyarihan ko?' Nagsimula ng pumatak ang luha ni Seraffine 'Im not blaming you or anyone for what's happening pero sana ma, sana patnubayan niyo ako.' Humiga siya ulit habang yakap yakap yakap ang libro.

'Seraffine anak, kahit kelan hindi ka namin pababayaan ng iyong ama. Ang aklat na yan ang magsisilbing patnubay mo sa haharapin mong panganib. Ikaw, ang aking anak ay biniyayaan ko ng matibay at busilak na puso na kayang harapin ang lahat ng delubyo ng buhay. Nawa'y pagpalain ka ng dakilang manlilikha sa daang tatahakin mo' Hindi siya sigurado kung totoong kinakausap siya ng kanyang ina sa kanyang panaginip pero pinagaan nito ang pakiramdam niya at mahimbing siyang nakatulog.

Walang ideya si Seraffine sa kapahamakang dala ng mga dark witch. Ang tahimik na buhay ni Seraffine ay magsisimula ng balutin ng dilim.

The magic of Seraffine Viville (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя