Chapter Thirteen

747 27 0
                                    

Chase's POV

     "Keith!!!"sigaw ko at saka hinatak siya at niyakap.Nakalagpas ang sasakyan at may tumalsik pang tubig samin dahil sa bilis niya.

"Bitawan mo ko!Leave me alone!"sabi niya habang kumakawala sa yakap ko.Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya at tinitigan siya.

"Di mo ba talaga ako natatandaan?"tanong ko.Umiling siya at nagpupumiglas ulit.

"Bitawan mo na ako please,hindi kita kila--"napatigil siya sa pagsasalita ng halikan ko siya.Inangat ko ang isa ko kamay at hinawakan ang mukha niya.Ramdam kong napatigil siya sa ginawa ko pero sa may matandaan man lang siya.

Keith,mahal kita....

Alexa's POV

      Napatigil nalang ako ng halikan niya ako sa labi.Di ako makakilos,hanggang sa mapapikit ako ng biglang sumakit ang ulo at may nakita akong mga imahe ng mga magkakaibigan at isang babae at lalaki na ang saya saya nilang magkasama.

Hanggang sa maalala ko na ang lahat...ako si Keith at hindi si Alexa,ang taong kaharap ko ngayon at kahalikan ko ay ang lalaking mahal ko.Ang mga kaibigan ko Ang pagiging gangster ko lahat.Lahat ng mga alaala ko ay bumalik na at ang anak naming namatay dahil sa aksidenteng nangayare sakin dahilan para mawalan ako ng alaala.

Naglayo na ang mga labi namin at nakapikit pa rin ako.Hawak niya ang magkabilang pisngi ko.

"Keith,ako toh...si Chase,ang lalaking mahal mo.Please,sana maalala mo na Keith mahal na mahal kita."sabi niya.Napadilat ako atnakita ko siya nakayuko at alam kong umiiyak siya.

"Mahal din kita,Chase..."napatigil siya sa sinabi ko at tumingin sakin.Hindi kami masyadong makadilat dahil sa ulan.Oo nasa ialalim kami ng ulan at kami lang ang taong nandito sa daan dahil nga umuulan.

"Paki...paki ulit nga ng sinabi mo?"sabi niya kaya napangiti ako at hinawakan ang pisngi niya.

"Mahal din kita,Chase...kaya umayos kana dyan mukha kang bakla,umiiyak ka!"sabi ko na ikinatawa namin.Nagulat ako ng yakapin niya akong muli.Di ko inaasahang makikita at makikilala ko ulit ang lalaking mahal ko.

Ilang beses na ba akong nawala at lagi niya akong hinahanap?Magpakawala kaya ulit ako?de joke charot lang!

"Tara na baka magkasakit pa tayo."sabi niya at hinawakan ako sa kamay.Tumakbo kami at nagtatawanan.Nang makarating kami sa may tapat ng hospital ay nakita namin sina Yohann at Aris na nagaabang samin.Nang makarating kami ay bigla akong niyakap ni Aris.

"I miss you Keith."sabi niya kaya yumakao ako pabalik at ngumiti.

"I miss you too,Aris."sabi ko.Inabutan nila kami ng tuwalya at pumasok kami sa loob ng hospital.Pagdating namin sa kwarto nila Chase ay nagulat nalang kami ng sila Xander ay mga nakahilata at mga bugbog sarado wala na rin si Kuya Ethan at si Carlo....at ang mga babae.No!

"Who did this?"wala sa sarili kong tanong sa kanila...

"We dont know,basta ang alam ko..papatayin nila si Carlo at si Ethan kapag di ka nagpakita....Kailangan na nating bumalik sa underground,they need us!"sabi ni Kuya Drake.Di ko namalayang napakuyom ang mga kamao ko.

"Keith.."napapikit ako at himinga ng malalim.Oras na siguro...

"Im going back...












Im going back to be the Gangster Empress,they need us."sabi ko.

*-*-*-*-*-

Short update mianhae~T_T

That Girl Is A Gangster 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon