Chapter 1:
Aira Pascua
---
Hinintay ko munang makontento akong tignan ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng kwarto.
"ang aga-aga palang Aira ha." nginitian ko lang si Fate na hindi sanay na pumapasok akong maaga at lumabas na din ng apartment upang pumasok ng eskwelahan.
Pansamantala muna kasi siyang nakikitulog dito sa apartment ko dahil wala pa siyang kahit anong gamit sa apartment niya. Bago lang kasi siya rito.
Papara na sana ako ng taxi nang may sasakyang huminto sa harapan ko. Agad na pumorma ang ngiti sa labi ko nang makilala ko kaagad kung sino iyon.
Si Davin.
Ang boyfriend ko.
Nasa second senior high school year na ako ngayon at graduating while siya naman ay nasa second year college na. Pareho lang kami ng eskwelahan na pinapasukan dahil kumpleto naman na ito. From elem to college kaya sabay na din kaming pumapasok.
Nakasuot siya ng black jacket kaya napakaangas niyang tignan. Kinindatan ako ng magaganda niyang mga mata. Kinagat niya ang labi niya kaya nag-init ang mga pisngi ko dahil ang hot niya tignan.
Lumapit siya sa akin at mabilis akong hinalikan sa pisngi. Baka may nakakita sa amin kaya luminga-linga muna ako bago pumasok agad sa kotse niya.
Umandar na ang kotse niya at pinark ito sa parking lot ng eskwelahan. Luminga-linga ako sa paligid upang tignan kung may tao. Napangiti ako ng makita kong unti lang.
"Do you want me na ihatid ka sa rooom niyo?" he smiled but I shaked my head to refuse.
Ayokong mabulgar ang relasyon naming dalawa dahil kilala siya bilang heartthrob ng school and knowing na may crazy avid fans siya na dudumugin ako kapag nalaman nila ang tungkol sa amin, iinit ang mata nila sa akin.
He is also known to be a playboy but little did they know is he's not.
Hindi siya nagsalita kaya lumabas na ako ng kotse niya at nagtungo sa classroom ko.
"Well, the b*tch is here." sabi ni Niles habang nakaupo sa desk ko. Ayan nanaman siya, siya lang ang nakakaalam ng relasyon namin ni Davin dito. Nahuli niya kasing magkasama kami last month so gumawa agad siya ng assumptions. Lagi niya akong inaasar at tinatawag na b*tch kada papasok ako ng klase, pero okay nalang din iyon atleast hindi niya ipinagsasabi sa iba ang tungkol sa aming dalawa ni Davin.
Hinawakan ko siya sa may pulsuhan at marahang hinila siya upang bumaba ng desk ko.
"Don't touch me!" impit na sigaw niya sa akin at kusang bumaba.
"Ayokong hinahawakan ako ng isang b*tch." binangga niya pa akong lumabas ng classroom. Tss. Sana sa susunod magpatupad naman ang paaralan na bawal ang intruding ng estudyante kung hindi niya naman yun classroom at wala siyang importanteng ginagawa.
Umupo nalang ako sa upuan ko at inilabas ang mga notes ko para magreview ng marinig ko ang usapan ng mga kaklase ko.
"Nabalitaan niyo na ba? may secret girlfriend daw si Davin?" boses ni Mika iyon at kung hindi ako nagkakamali, ako ang pinag-uusapan nila.
"Seret girlfriend? Haha! Malalaman at malalaman din naman natin yun."
"Sana maghiwalay sila, para maging kami na ni Davin." pagkarinig na pagkarinig ko nun ay inboluntaryo kong naisara ang notes ko at mariin silang tinignan. Mukhang nagulat sila sa ginawa ko kaya natigil ang kanilang pag-uusap.
"A-aira, ano bang meron sa tingin na yan?" tanong niya. Hindi niya dapat sinasabing dapat na maghiwalay ang dalawang tao dahil lang sa kagustuhan niya. "W-wala lang." rason ko at agad silang nginitian.
Natapos din kaagad ang klase nang dumating si Ma'am. Konting discussion lang ang ginawa niya at dalawang quiz. Inilabas ko ang phone ko para tawagan sana si Davin ng siya na kusa ang tumawag sa akin. Agad ko naman itong sinagot.
"Baby, nasaan ka ngayon?" malambing niyang tugon sa kabilang linya. "Nandito ako sa classroom, saan tayo magkikita?" tanong ko sakaniya.
"Huwag ka ng maglalakad baby baka mapagod ka pa, hintayin mo nalang ako diyan." I sighed. Hindi pwedeng makita ng iba na magkasama kami.
"Hindi pwede, baka may makakita sa ating dalawa na magkasama. Saan nalang yung meeting place natin, yung medyo malayo dito konti?" tanong ko ulit. Ilang segundong tumahimik ang kabilang linya na siyang ipinagtataka ko. "Baby, nandiyan ka pa ba?"
"Bakit ba ayaw mong malaman ng iba ang relasyon natin? Ayaw mo bang malaman ng iba na pagmamay-ari kita?" mula sa mahinahon at malambing niyang boses kanina ay napalitan ito ng galit.
"Hindi naman sa ganun, kaso baka--"
"Ano? sabihin mo nga, mahal mo ba talaga ako?!" pagpuputol niya sa sinasabi ko.
"Teka Davin, ano ba yang pinagsasabi mo?" bakit bigla na lang siya ganito makipag-usap. Wala naman akng nasabing mali. Okay naman siya na pagtago ng relasyon namin dati.
"Madali lang naman akong kausap eh, sabihin mo lang kung ikinahihiya mo ako, hayaan mo ako ang gagawa ng paraan para hindi nila malaman ang relasyon natin para hindi ka mapahiya." hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya.
Parang sinaksak ako ng ilang beses sa dibdib ko sa mga salitang binitawan niya. Ganun ba ang iniisip niya kada magkikita kami ng palihim? Ganun ba? Gusto kong malaman. Magsasalita pa sana ako pero inend niya na ang call.
Ibinato ko ang cellphone ko sa kung saan at padabog na bumaba ng building. Bakit ba hindi niya naiintindihan? Para naman din ito sa kapakanan naming dalawa at sa pag-aaral ko para sa kinabukasan naming dalawa.
AGAD akong sumalampak sa kama at inalala muli ang mga salitang binitawan niya sa telepono kanina. Gusto ko siyang makausap, gusto kong maayos ang problema naming ito. Baka kapag hindi pa namin naayos ito ay baka lumala pa.
Kinuha ko ang bag ko sa tabi lang ng higaan ko at hinanap ang cellphone ko pero hindi ko ito mahanap. Tinignan ko ulit sa bawat sulok ng bag ko ang cellphone ko ngunit wala parin. Tinignan ko sa lamp shade ko, sa ilalim ng kama ko, sa kusina o kahit sa labas ngunit hindi ko parin makita. Saan ko na ba nilagay? Gusto ko pa namang makipag-ayos kay Davin ngayon.
---
author's note:
this chapter is plain boring for me, medyo nahihirapan ako magtagalog, nasanay kasi ako sa pagiging conyo recently , here's the first edited part
YOU ARE READING
Obsessive Boyfriend
General FictionAira Natsuki Pascua is the most responsible student in their class. Kaya nagulantang nalang ang lahat ng malaman nilang ang 'oh so hot' famous hearthrob ng school nila ay karelasyon niya. Pati narin ang rumors na may relasyon sila ng Student Counci...
