Day 2

24 2 0
                                    

Nagising ako nang maramdaman ko ang pag angat ng kama. Tumingin ako sa tabi ko at nakitang nakatayo na si Sean na mukhang kakagising lang.

"Im sorry babe, nagising ba kita?" Tanong niya sakin.

Umiling ako sakanya at nagsalita
" Saan ka pupunta?"

Tumayo na ako habang kinukusot ang mga mata ko.

"Bababa na sana ako para magluto" sagot niya sa tanong ko.

"Can I cook today?" Tanong ko habang inaayos ang hinigaan namin.

"Ayokong ipaalala pa sayo to pero sana gusto kong pagsilbihan ka manlang habang nandito pa ako. Let me serve you while Im still alive, that would be the greatest goodbye gift you can give me" may namumuong luha sa mga mata niya habang sinasabi niya iyon ngunit mabilis niyang napawi ang mga luhang namumuo rito.

Ngumiti ako sakanya ngunit sa likod ng ngiti kong iyon ang ang unti unti paninikip ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. Pipilitin kong maging masaya para sakanya. I dont want him to remember me crying when he d-dies.

Sinagot niya ako ng ngiti at agad na siyang bumaba na para makapagluto.









Pagkatapos namin kumain, nagbihis ako dahil may pupuntahan daw kami. I promised myself that I would make his last three days worth it pero parang siya na mismo ang gumagawa nun.

At gaya ng mga usual na ginagawa niya, hawak niya nanaman ang kamay ko habang nagdadrive.








Nakarating na kami sa dati naming school noong highschool kami.

Naglibot libot muna kami bago umupo sa isang bench na nasa ilalim ng puno. Hindi ko maiwasang mag balik tanaw kung paano kami nagkakilala noon dito.




"Hindi kita minahal at kahit kailan hindi kita mamahalin" sabi ni Trey saakin habang nasa canteen kami. Nakareceive kasi ako kanina ng message galing sakanya na pumunta raw akong canteen. If youre wondering who Trey is, he is my boyfriend, weve been in a relationship for a month already. And if I only knew na sasabihin niya lang iyang mga salitang yan hindi na dapat ako pumunta dito sa canteen.

Maraming tao na ang nakapalibot saamin. Gusto ko mang tumakbo palayo, hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

"Y-youre kidding right?" Tanong ko sakanya habang unti unting tumutulo ang luha ko. Kainis! Bat ba tumutulo kayo?! Bakit ang hina ko?

And just like any other stories, may lumapit na haliparot sakanya at hinalikan siya sa labi. "Psh are you that desperate Zyra? Sinabi na ngang hindi ka mahal ipagpipilitan mo pa ang sarili mo! Ew youre such a flirt."

Sa sobrang inis ko sakanya, lumapit ako at sinampal siya. Ngunit hindi ko inaasahan na mas ipagtatanggol pa ng boyfriend ko ang babae niya kesa saakin.

"Stop it! Hindi kita mahal ok?! Pinagpustahan ka lang namin! At napaka tanga mo naman para maniwala!" Sigaw ni Trey saakin.

"Psh serves you right flirt" sabi pa nung babae bago sila dumaan sa harap ko at umalis.

So ganun niya tatapusin ang relasyon namin? Napaka tanga ko! Sobrang tanga! Bat ako naniwala sa mga kasinungalingan niya?

Tumakbo ako palabas ng canteen at habang tumatakbo ako, may humigit saakin at nagulat ako nung niyakap niya ako.

"Psh bat ba ang hina mo" bulong niya saakin. Kahit hindi ko makita ang mukha niya, alam ko na agad kung sino siya. Siniksik ko ang ulo ko sa dibdib niya at umiyak.

"Ang panget mo pag umiiyak" sinamaan ko siya ng tingin habang siya nama'y tumatawa tawa.

If youre wondering kung sino siya, he's Sean Montecillo, my knight in shining armor seatmate. Yes, seatmate, it sounds lame but its true, nang magtransfer siya dito, ako ang kinukulit niya lagi. Then after nun, I felt relaxed with his company and naging close kami.

Sinamahan niya ako sa garden ng school, my favorite place on school. Ang relaxing kasi ng aura dito.

Hinila niya ako sa isang bench na nasa ilalim ng puno at inispread niya yung kamay niya na parang yayakapin ako. Niyakap ko naman siya at umiyak sa balikat niya.

Ilang minuto rin kaming nagstay ng ganun bago niya binasag ang katahimikan.

"Alam mo bang ayokong nakikita kang umiiyak?" Tanong niya sakin.

Napatingin ako sakanya dahil da sinabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin nang maintindihan ko na ang ibig niyang sabihin. Kasi daw kesyo mukha akong bruha pag umiiyak ako ganun.

"Stop glaring at me. I know I should've told you this a long time ako but Zyra, I love you. Believe it or not I love you" a-ano daw?

"It hurts me seeing you cry. I promise I'll help you get over that bastard. Just give me a chance to prove my love to you.

Totoo ba ang sinasabi niya?

"Uy! Ang galing mo magjoke!" Sabi ko sakanya at tumawa ng awkward. Sinong hindi mabibigla kung kakatapos lang sabihin ng boyfriend na ex ko na pala, na hindi niya daw ako minahal tapos nagconfess pa sayo ang kaibigan mo.

"Mukha ba akong nagjojoke?" Tanong niya habang naka poker face.

"Please, stop your jokes, ayoko muna ng ganyan ngayon" tanging sagot ko sakanya at umalis na.

Ngunit sadyang makulit lang talaga si Sean at nagpupumilit paring ligawan ako. At pagdaan ng ilang linggo, napa oo niya na rin ako. It took him three months to gain my "yes". I know I trust too much kaya siguro ako nasasaktan but who cares? Im Zyra and I wont be Zyra kung hindi ako ganun.

Our relationship went smooth and everything was perfect.



"Anong iniisip mo?" Napabalik ako sa realidad nang magsalita siya.

"Naalala ko lang nung highschool pa tayo" sagot ko sakanya.

"Bakit? Naalala mo ba kagwapuhan ko nun?" Mahanging tanong niya.

"Hoo! May bagyo atang dadating! Ang hangin!" Pagkatapos ay tumawa ako.

"Psh may bagyo talagang dadating, bagyong Sean" kumindat pa siya saakin bago itinuloy ang sasabihin niya "babagyuhin niya daw yung puso mo ng pagmamahal"

Napaubo ako sa corny niyang banat. Natawa ako nung nagpout siya marahil naintindihan na niya ang gusto kong iparating sa ubo kuno ko.

"Psh kinikilig ka pa nga dati pag sinasabi ko yan e" sabi niya nang nakasimagot.

"Oo nga, at I cant believe na nahulog ako sayo sa corny mong linya" sagot ko sakanya ng tumatawa. Sinamaan niya naman ako ng tingin na mas laling nagpatawa saakin.

"Pero corny ka man, hindi mo na kailangan bagyuhin ng pagmamahal itong puso ko, baka mabura kasi pangalan mo" this time, ako naman ang kumindat sakanya.

"Tsk, kinikilig ako" saad niya habang namumula ang mga tenga. Napatawa naman ako sakanya. Im happy that once in my life, napakilig ko ang isang Sean Montecillo.

Nagstay pa kami ng isang oras sa may bench bago napagdesisyunang kumain sa isang karinderia malapit dito.

Napansin ko rin pag alis namin ni Sean sa school, panay ang tingin niya sa cellphone niya at mukhang nagtetext.

Nang hindi na ako makapagtiis, tinanong ko siya. "Sinong katext mo babe?"

"Ah wala, si mama lang kinakamusta ako" sagot niya na halatang kinakabahan.

Ipinagwalang bahala ko nalang iyon at kumain kasama siya.

Nagpunta pa kami sa ibat ibang lugar kung saan kami nagdedate noon. At nang mapagod kami, napagdesisyunan naming umuwi na.







One more day...

Three DaysOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz